Chapter 13 [Coincidence?]

24 2 0
                                    

Chapter 13 [Coincidence?]

Ilang araw kong iniyakan ang pagkawala ni Maki pero sabi nga nila, wala namang permanente sa mundo kaya move on na lang ako.

Lumipas ang weekdays ng hindi ko namalayan. Wala naman kasing bagong nangyari bukod sa patuloy na paglalandian ni Kyle at Ann sa harap ko. Pwe!

Sunday na ngayon kaya naisipan kong magsimba. Feeling ko kasi sobrang dami ko ng kasalanan at baka masunog na ako pag pumasok ako sa simbahan.

“Mommy! Alis na po ako!” paalam ko

Lumabas na ako at hindi na hinintay pa ang pagsagot niya.

Nakasuot ako ngayon ng isang simpleng white dress. Bagay daw 'to sakin sabi ni mommy. Hays! Bakit kaya lahat ng ina, gandang-ganda sa anak nila 'no? Hahahaha. Nakalugay ang mahaba at medyo curly kong buhok. Nakasuot din ako ng pearl na hikaw at isang sandals na kulay cream ang panapin ko sa paa.

Bago dumiretso sa simbahan ay dumaan muna ako kina Johanna.

“Hi tita Luisa! San po si bes?” tanong ko sa nanay niya na kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman

“Ay naku Margaux! Tulog pa ang batang yun. Alam mo namang tanghali na yung gumising at pano anong oras na natulog kagabi kakainternet” litanya ni tita

Kung sabagay 8am pa lang ngayon.

“Sige po tita. Pasabi na lang dumaan po ako. Yayayain ko sana siyang magsimba eh”

“Hala sige! Ingat ka!”

Nginitian ko si tita at nag-abang na ng tricycle. Makalipas ang ilang minuto ay may dumaan na kaya nakasakay na ako papuntang simbahan.

Pagdating ko ay bago pa lang magsisimula ang misa. Humanap agad ako maayos na upuan, buti na lang at may nahanap pa ako. Medyo maluwag pa nga sa napwestuhan ko eh.

Maya-maya ay nagsimula na ang misa. Nakaluhod ako at nagdadasal ng maramdaman kong may umupo sa upuang katabi ko. Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy ang pagdadasal.

Pagkatapos kong umusal ng panalangin ay umupo na ako at nakinig sa sermon ng pari.

Makaraan ang ilang saglit ay panahon na para magbigayan ng kapayapaan sa isa't isa kung kaya bumaling ako sa katabi ko.

“Peace be with--

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makita kung sino ang katabi ko.

“Peace be with you baby! hehe” nakangiting sabi sakin nung lalaking nakasinghot ng drugs

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko habang nakataas ang kilay

“Simbahan 'to so malamang sumisimba ako baby hehe” pambabara niya sakin

“Aba't! Pilosopo ka ah! Sinusundan mo ako 'no? Stalker kita 'no?” pag-aakusa ko sa kanya

Bigla siyang tumawa ng malakas kung kaya tiningnan siya ng masama ng mga katabi namin.

“Shhhh!” pagpapatahimik nila

Umupo na kaming dalawa.

“Ano? Totoo 'no? Stalker kita 'no?” pag-uulit ko

“Baby, ngayon ko lang nalaman na medyo assumera ka pala” natatawa niyang sagot

Bigla naman akong medyo napahiya sa sinabi niya. Hmp! Edi ako ng assumera!

Hindi ko na lang siya pinansin. Maya-maya ay tumayo ako para mangumunyon. Sumunod naman siya sa likuran ko.

“Huy!” bulong niya sabay kublit sakin

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now