Chapter 23 [Chaos]

13 0 0
                                    

Chapter 23 [Chaos]

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Walang pasok ngayon, holiday at dalawang araw na ang nakakalipas mula noong EK incident pero hanggang ngayon nag-iinit pa rin ang pisngi ko kapag naalala ko ang nangyari noon. Napailing ako at sinagot ang tawag.

“Yeoboseyo!”

“Anong yeoboseyo-yeoboseyo? Dami mong alam bes!”

“Whatever! Korean kasi 'yun!” sagot ko kay Johanna. “Anong kailangan mo? Agang-aga nambubulabog ka!”

Napatawa siya. “Anong maaga? Hoy ateng 10:30 na! Anyway, bumangon ka na d'yan at magbihis dali! Pupunta na ako sa bahay niyo. Dapat pagdating ko nakabihis ka na, k bye!” sabi niya at hindi na ako pinasagot pa. Pinatay na niya ang tawag.

Initsa ko ang cellphone ko sa tabi ko at bumangon na. Kilala ko si Johanna, kapag sinabi niyang magbihis ka na, dapat magbihis ka na dahil mag-aabulruto 'yun na parang bulkan. Mabilis akong nagshower. After 20 minutes ay nakabihis na akong bumaba ng hagdan. Naabutan ko si Johanna na nakasimangot.

“Hi bes!”

Tiningnan niya ako ng masama.

“Anong hi bes, hi bes ka d'yan? Ang tagal mo! Namuti na lang ang mata ko paghihintay ngayon ka lang natapos! Ghad!”

Hindi ko pinansin ang pagkaOA niya. “Wait, papaalam lang ako kay yaya.”

“Napagpaalam na kita pati kay tita.”

“Wow ha? Super ready ka naman pala. Saan ba tayo pupunta?” tanong ko.

“Basta. Tara na dali at kanina pa sila naghihintay sa labas,” sabi niya habang naglalakad kami papunta sa gate.

“Sinong sila?”

“Hi Marg!” bati ni Lalaine habang nakasungaw sa bintana ng van.

“E? Kasama ka din?”

“Yep!” sagot naman ni Ann na sumungaw din sa bintana sa passenger seat.

Sumakay na si Johanna sa loob ng van kaya sumunod na rin ako. Kami lang tatlo ang nasa loob at isang malaking kahon. Nagsimula na kaming bumiyahe. Nagkikwentuhan si Johanna at Lalaine at siguradong hindi naman nila ako sasagutin ng matino kaya kay Ann ako nagtanong.

“Ann, saan tayo pupunta?”

Lumingon siya sa akin at ngumiti ng malapad.

“Hindi ba sinabi ni Johanna sa 'yo? Birthday ng mommy ni Kyle. Kaya nga may dala akong chocolate cake e! Ito kasi ang first time na makakapunta ako sa birthday niya,” sagot niya.

Natigalgal ako. What the hell! Totoo ba 'to? Oh no! Gumiti ang pawis sa aking noo. Parang natatae ako na hindi ko maintindihan.

Tumingin ako kay Johanna, busy siyang makipag-usap kay Lalaine. Hindi naman ko naman puwedeng sabihin na ayaw kong sumama dahil magtatanong sila kung bakit. Syet! Anong ba 'tong napasukan ko!

Buong biyahe ay patingin-tingin lang ako sa bintana. Pamilyar na ang paligid, alam kong malapit na kami. Rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pinagpapawisan na  din ako ng malamig. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

“Yay! Nandito na tayo!” masayang anunsyo ni Ann.

“Syet!” mahinang usal ko. Nanatili akong nasa loob ng van. Hindi ko kayang pumasok sa loob ng bahay na 'yan lalo na't hindi pa nila alam na ex ko si Kyle.

“Oy bes! Tara na!” yaya ni Johanna.

Sinapo ko ang t'yan ko. “Ah ano bes, parang sumakit 'yung tiyan ko, aray!”

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now