Chapter 9 [Mom's knows best]

20 2 0
                                    

Chapter 9 [Mom's knows best]

*toktok

“Anak gising na! May pasok ka pa sa school”

Agad kong minulat ang mata ko at mabilis na bumangon.

Joke!

Hindi ko talaga pinansin ang katok ni mommy. Tumagilid pa ako at yumakap sa unan ko.

“Margaux! Mali-late ka na pag di ka pa bumangon ngayon!”

Whatever! Di ko ulit pinanansin ang sinabi ni mommy at ipinagpatuloy ko na lang ang pagtulog ko.

Makalipas ang ilang minuto ay nananaginip na ulit ako. Napanaginipan ko na hinahabol daw ako ng isang halimaw. Takbo ako ng takbo ngunit dahil hindi ko napansin na may nakaharang sa dadaanan ko kaya nadapa ako. Tatayo na sana ako ng biglang higitin ng halimaw ang paa ko. Agad akong nagwala at sumigaw ng malakas para humingi ng tulong ngunit masyadong malakas ang halimaw. Hinihigit niya ako papunta sa bangin! Lumakas ang tibok ng puso ko at humawak sa isang sanga para hindi ako mahigit ng halimaw ngunit hindi nito napigilan ang pagkahulog ko sa bangi--

“Araaaaaaay!”

Malakas na lumagabog ang aking katawan sa sahig. Agad na nagising ang diwa ko at minulat ang mata ko. Nakita si mommy na nakatayo sa harapan ko habang may ngiting tagumpay sa mga labi niya.

“What the hell mommy! Ang sakit kayaaaa!” maktol ko at dahan-dahang tumayo habang sapo ko ang pwetan ko

“Anong what the hell ka dyan? Minumura mo ba ako? Hoy margaux! Kanina pa kita ginigising ayaw mong gumising eh. Tingnan mo kaya kung anong oras na? Late ka na pag hindi ka pa nag-ayos para sa pagpasok sa eskwelahan!” litanya ni mommy

'Ano ba yan, umagang-umaga sermon agad tss!' bulong ko sa sarili ko

“Anong binubulong-bulong mo dyan? Hoy! Margaux Amiethyst Deveza di kita pinalaking ganyan ha?”

“Kfine. Whatever you say mommy! Maliligo na ako. Shoooo! Labas ka na sa kwarto ko” pagtataboy ko sa kanya

“K” sagot niya at lumabas na

Pagkalabas ni mommy ay humiga ulit ako. Whaaaaa! Ang sarap talagang matulog!

“Margaux!”

Tawag ulit ni mommy kasabay ng paghampas ng unan sakin.

“Sabi ko na nga ba tutulog ka na naman eh! Maligo ka na!”

“Mommy kasi! Inaantok pa ako!” pagmamaktol ko

“Anong gusto mo, papasok sa school o papasok sa school?”

'Arggh! As if naman may choice ako tsk'

Patamad akong bumangon at dumiretso sa banyo. Papikit-pikit pa ako habang naglalakad.

'Hmmm magkunwari kaya akong maysakit?' naisip ko 'Oo tama!'

“Momm-” naputol ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang malamig na tubig galing sa shower

Agad akong napatili dahil sa gulat at sa lamig. Agad ding nagising ang diwa ko at nawala ang antok ko.

“Bwahahahaha! Maligo ka na!” sabi ni mommy habang nakangisi sa akin

Sa ngisi niyang yun, naiimagine ko lahat ng kontrabida sa mga pelikula dahil kamukha niya silang lahat. Huhuhu bakit ganito ang mommy ko?

“I hate you mommy!” angal ko at tinulak tulak siya palabas ng banyo

Nagsimula na akong maligo habang kumakanta. Oo, isa akong sa mga taong kumakanta habang naliligo. Nakakatuwa kaya. Feeling ko singer ako dahil sa pagecho ng boses ko sa loob ng banyo.

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now