Chapter 22 [List #4]

18 1 0
                                    

Chapter 22 [List #4]

“Ang ganda mo!”

“Ang ganda mo!”

Ang ganda mo!”

Ang ganda mo!”

Ang ganda mo!”

Whaaaaaa! Mabilis kong tinakpan ng unan ang mukha ko. Kanina pa ako nakauwi ng bahay pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Leondre sa akin. Bwiset na Leondre 'yan! Ginugulo ang sistema ko!

Ginulo ko ang buhok ko at bumangon. Mas mabuti pa sigurong manuod na lang ako ng tv para makalimutan ko ang bwiset na Leondre na 'yan! Inabot ko ang remote mula sa patungan at binuhay ang tv.

“Ang ganda mo talaga!” bungad na sabi ng kung sino mang aktor sa kung sino mang aktres. Nampucha! Pati ba naman sa tv, hindi ako patatahimikin? Arghhh!

Naiirita kong pinatay ang tv at muling humiga sa kama. Tumitig ako sa kisame nang bigla na namang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Leondre, Ang ganda mo!”

Anak ng pusa naman o! Pumikit ako ng mariin at sinuntok-suntok ang dibdib ko. Abnormal na naman ang tibok ng puso ko e! Siguro kakakain ko ng karne hays!

Bumuga ako ng hangin. Guguluhin ko ulit sana ang buhok ko nang magulantang ako sa pagtunog ng cellphone ko.

“Sino kaya 'tong bwiset na tumatawag?” sabi ko sa sarili ko habang inaabot ang cellphone ko. Hindi ko na tiningnan kung sino ang caller at diretso 'hello' na kaagad ako.

“Hi baby! Kinikilig ka pa rin ba hanggang ngayon?”

Literal kong nabitawan ang cellphone ko sa dahil sa gulat at sa biglaang pagkabog ng puso ko. Mabilis ko itong pinulot at agad na pinatay. No! Hindi ko siya kayang kausapin ngayon! Itinago ko ang cellphone ko sa loob ng drawer at nagtalukbong ng kumot. Whaaaaa! Ano bang nangyayari sa akin?

Mayamaya pa ay bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko ito pinansin dahil baka si Leondre na naman ang tunatawag. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay hindi rin ang nakatiis, kinuha ko ang cellphone at sinagot ito.

“Hindi ako kinilig, okay? Pwe! Tingin mo nagulo mo ang sistema ko sa sinabi mo? Hindi 'no?” hindi mo nagulo, nagulong-nagulo lang!

“Ha? Umamin ka Margaux, sumisinghot ka 'no?”

Napanganga ako matapos marinig ang boses sa kabilang linya; babae iyon at siguradong hindi si Leondre.

“Shit!”

Napatawa ang boses.

“Hoy, 'wag kang magmura, bad 'yun!”

“Hehe, sorry! Sino pala 'to?”

“Si Clarisse 'to,” sagot niya.

Mas lalo akong napahiya. Sa dinami-dami ng tao si Clarisse pa! Ghad! Baka sabihin niya ang landi-landi ko!

“A-ah hehe, ano Clarisse, kalimutan mo na 'yung mga sinabi ko kanina ha?” awkward kong sabi. “Ano palang kailangan mo?”

Tumawa ulit siya. “Sure, no problem. Anyway, check mo 'yung mailbox niyo. 'Yun lang, bye!”

Hindi na niya ako pinatapos magsalita. Pinatay na niya ang tawag kaya nagtataka akong bumaba ng hagdan. Naabutan ko si yaya Dess at mommy na nanunuod ng tv.

“'Ya, have you checked the mailbox yet?”

“Hm, oo kaninang umaga, bakit?”

“May dumating kang sulat? Bill ng kuryente, tubig tsaka mga letters lang galing kompanya ang nandoon,” sagot naman ni mommy.

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now