Chapter 15 [List #2]

26 2 1
                                    

Chapter 15 [List #2]

“So ano? Handa ka na ba?”

Tumingin ako kay Clarisse at umirap.

“As if naman may choice ako duh!”

“Sige kung ready ka na, simulan na natin!”

Napailing na lang ako at naalala ang nangyari kanina.

--

Maaga akong pumasok ngayon kasi wala lang, trip ko lang talagang pumasok ng maaga. Bago pa lang ako papasok ng maramdaman kong may humila sa bag ko.

“Aray! Ano ba?” angal ko.

“Hihihi. Sorry!” sagot ng humila sa 'kin at binitawan ako.

Lumingon ako at nakita si Clarisse. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

“Yes? Anong kailangan mo?”

“Wow! Ang sungit mo ha?”

“Hahaha. Bakit ba kasi? Bigla-bigla ka na lang nanghihigit dyan,” sagot ko.

“List number 2,” sagot niya sabay bigay sa 'kin ng isang note na kulay brown.

Binasa ko ito.

List #2:

Bigyan mo ng oras ang sarili mo. Magpaparlor ka, magpaganda! Katulad nga ng kanta ni JB, 'you should go and love yourself' kaya gooooo! Mahalin mo naman yang sarili mo hindi puro ibang tao.

Napataas ang kilay ko pagkatapos itong mabasa.

“So? Anong gagawin ko ngayon?”

Tinitigan niya ako na parang hindi ako nakakaintindi.

“Gusto mo paliwanag ko pa sa 'yo yung nabasa mo? Jusko teh! Tagalog na 'yan 'di mo pa gets?”

Naparoll eyes ako.

“Huwag ka ngang pilosopo dyan! Ang ibig kong sabihin, paano ko naman 'to gagawin?”

“Tara!” sagot niya sabay hila sa 'kin.

“Hoy! Teka! Saan mo ako dadalhin?” tanong ko.

“Mall.”

“Gaga ka ba? Malapit ng magbell tsaka may pasok pa ako!”

“Edi aabsent,” sagot niya at pumara ng tricycle.

Wala akong nagawa kundi ang sumakay na rin sa loob.

“Alam mo, ang bad influence mo! Akala ko pa naman matutulungan ako ng WTF club na 'yan, yun pala makakasama pa sa 'kin yan! B.I ka! B.I!” litanya ko.

“K.”

Arghh! Muntik ko ng masabunutan ang buhok ko dahil sa sinabi niya kaso naisip kong mahirap magsuklay kaya siya na lang ang sinabunutan ko hahaha.

Pagkarating sa mall ay agad niya akong hinila sa isang salon.

'Jamaela's Salon'

“Hi mga ma'am! Good Morning!” bati samin ng isang attendant.

Nilibot ko ang mata ko sa loob. Sa kagamitan pa lang, mahahalata mong hindi basta-bastang tao ang pumupunta dito.

“Hoy Clarisse! Wala akong pambayad dito!” bulong ko.

“Don't you worry my dear! Ako ang bahala sa 'yo,” sagot niya sabay kindat.

“Hi! We want a total make-over,” sabi ni Clarisse sa attendant.

“Ha? Bakit ikaw din?”

“Aba! At bakit? Gusto mo, ikaw lang magpapaganda? Kapal mo ha?” pambabara niya.

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now