Chapter 3 [Argument with him]

56 5 0
                                    

Chapter 3 [Argument with him]

"If 2x²+5y blah blah blah blah"

Napahikab ako.

Don't get me wrong guys ha? Sobrang mahal ko kaya ang Math. Favorite ko nga yan lalo na si x and y eh. Paborito ko yung mga problema nila na hindi naman nila kayang sulusyonan kaya ako ang pinapahirapan. Oh! I so love Math subject! *insert overload sarcasm here*

Napahikab ulit ako. Tsk! Di ako inaantok ha? Baka isipin niyo naman, ang sama kong mag-aaral. Di talaga ako inaantok, ANTOK NA ANTOK LANG! Tsk! Kung hindi lang talaga ako natatakot na ibagsak ni mam, kanina pa sana ako humihilik dito.

Alam mo yung boring? Math talaga yun eh! Yung tipong explain ng explain yung teacher mo pero walang pumapasok sa utak mo? Yung tipong nag-uusap usap yung mga classmates mo ng alien language tapos wala ka talagang magets kahit isa? Ugh! Mas gusto ko pang pag-aralan ang parte ng katawan ng tao kaysa kausapin yang mga numerong yan eh! Hays! Sarap idouble dead ng nakaimbento ng Math!

Minutes passed at literal na dumidilim na ang mundo ko dahil sa paunti-unting pagbagsak ng talukap ko.

"Hoy! Margaux!"

Naalimpungatan ako dahil sa tapik ni Johanna. Iginala ko ang paningin ko sa paligid at napansin kong kokonti na lang kaming natira sa room.

"Aba! Recess na ati! Kumakayat pa yang laway mo dyan sa desk!"

"Tsk! Oa! Huwag mo nga akong itulad sayo!" sagot ko

Agad kong iniligpit yung notebook ko at inilagay ko sa bag ko. Sasarhan ko na sana ito ng mapansin ko ang blue flyer na nakasingit sa isa sa mga libro ko. Kinuha ko ito at ipinakita kay Johanna.

"Bes! May alam ka bang 'WTF' Club?" tanong ko

"Huh? Anong 'What The Fuck' Club?"

"No. I mean, 'wala talagang forever' club"

"Hmmm. Wait, lemme think!" sagot niya at inilagay ang daliri sa baba niya

"Omfg! Alam ko na kung ano yan! Bakit mo pala tinatanong?"

"May binigay kasi saking flyer eh" sagot ko

"O.m.g! Seriously?" tanong niya habang nanlalaki ang mata

"Sa tingin mo, nagjojoke ako?" sagot ko habang nakapoker face

"Hmp! Sungit! Um nagulat lang kasi talaga ako. Si Clarisse ba yung nagbigay sa'yo niyan?" tanong niya

"Oo. Bakit? Pano mo nalaman?"

"Ano ka ba Bes! Nasearch ko kasi dati yang 'WTF' club na yan. Ang alam ko, limited lang ang members niyan. Hindi ka talaga makakasali diyan kapag hindi mo pa nararanasang mabroken heart at kapag hindi ka naniniwalang 'walang forever'. Bali-balita na parang match maker daw yang si Clarisse. Once daw na sumali ka sa club na yan, magbabago ang buhay mo at mas makikilala mo ang sarili mo"

"Talaga? Eh bakit hindi ka sumali?" tanong ko

"Gaga! Paano ako sasali eh hindi wala naman akong ganyang experience. At tsaka, si Clarisse ang magpapasali sayo, hindi ikaw ang sasali sa club nila. Teka, kung about sa experiences yan. Paano ka nabigyan niyan? Diba NBSB ka?"

Yes. That's what everyone knows. NBSB ako. Diba nga sabi ko, family ko lang at family niya ang nakakaalam na naging kami. Kahit friends ko at friends niya ay walang alam sa naging realsyon namin.

"Wait. Don't tell me, nagka-bf ka na?" tanong ulit ni Johanna

"Um yes. Nagka-bf na ako" sagot ko

A Lie Called Forever (On-going)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum