Chapter 21 [Fireworks]

21 1 0
                                    

Chapter 21 [Fireworks]

Bumuntong hininga ako at umalis na sa pila. Malungkot akong naglakad papunta sa bench na malapit sa mga stalls. Okay! Umasa na naman ako. Sabi na e! Huwag aasa dahilsa huli masasaktan ka lang. Tumingin ako sa paligid. Halos lahat ng nakikita ko couples ghad! Ang sakit nila sa mata! Lalo na 'yung mga HHWW na may pasway sway pa. Pwe! Magbi-break din kayo sa twintitri!

Kinuha ko ang phone ko at nag-open ng facebook. Mas mabuti pang ito na lang ang gawin ko habang nagpapalipas ng oras. Maya-maya na lang ako uuwi kasi sigurado, wala pa si mommy sa bahay hays!

“Margaux?”

Tumunghay ako nang makinig ko ang pagtawag ng kung sino sa pangalan ko. Agad na nanlaki ang mata ko nang makita si Leondre, nasa harapan ko habang may hawak na dalawang ice cream.

“Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?” tanong ko habang nakataas ang kilay sa kan'ya.

“Hoy ang kapal ng mukha mo ha? Baka ako ang sinusundan mo. Sabi na nga ba baby, crush mo ako e!” nakangisi siya habang tumataas taas ang dalawang kilay niya.

“Duh! As if naman. Pero hindi nga, anong ginagawa mo dito ha?”

“Wala lang, namamasyal. Masama ba?” pambabara niya.

Tumingin ako sa hawak niyang ice cream kung kaya napatingin din siya doon. “Bakit dalawa? Siguro may kadate ka 'no?”

Bigla siyang ngumiti ng malapad. “Yieeee! Nagseselos ka 'no? Baby talaga, alam mo namang ikaw lang sapat na 'di ba?” sagot niya sabay tawa.

Napatawa din ako ng bahagya. “Jejemon ka talaga hahaha. E sinong kasama mo?”

“Si--

“Kuya ano ba? You're so tagal! Kanina pa kita pinabili and yet 10minutes na akong naghihintay wala ka pa rin! Kasingbigat ba ng car 'yang ice cream?”

Sabay kaming napalingon sa inis na boses na 'yun. Nagmamadaling lumapit sa kan'ya si Leondre at ibinigay ang isang ice cream sa batang iyon. Pagkatapos ay lumingon siya sa akin inaya ang kapatid niya palapit.

“Baby siya nga pala, she's my sister Maddi,” pakilala niya sa batang kasama niya na sa tingin ko ay 15 years old na.

Tumingin ako sa bata na nakatingin din sa akin.

“Kuya, who is she? Is she your girlfriend? She's not that pretty though,” mataray niyang sabi.

Tumawa ng malakas si Leondre at hinimas ang buhok ng kapatid niya. “Sobrang honest mo talaga lil sis!”

Aba't! Nagtaas ako ng kilay at tiningnan siya simula ulo hanggang paa.

“First of all, hindi ako girlfriend ng kuya mo. Like duh! Sinong magkakagusto d'yan e adik 'yan? Second, I know I'm not that pretty 'cause I'm gorgeous. And third, mas maganda naman ako kung ikukumpara sa 'yo,” sagot ko. Okay, alam kong masamang patulan ang bata pero grabe naman kasi siya kung makapagsabi ng I'm not that pretty 'di ba? Ang baba na nga ng self-esteem ko dahil sa pag-iwan sa 'kin ni Kyle tapos biglang ganun pa 'yung sasabihin niya huhu.

Tumaas din ang kilay niya tapos maya-maya'y sabay silang napatawa ng kuya niyang nakashabu.

“Omg kuya! She's cute! I like her na!”

Ha? Ano daw?

“I'm just kidding kanina hihi. I'm Maddi, the one and only sister ni kuya Leondre,” pakilala niya sabay yakap sa akin.

Owkay. Hindi ko nasundan ang mga pangyayari, masyadong mabilis!

“Nakashabu ka din ba tulad ng kuya mo?” tanong ko.

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now