Chapter 18 [List #3 and Cutting Classes]

26 1 0
                                    

Chapter 18 [List #3]

“Oh! Anong nangyari sa 'yo?”

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang nagtatakang mukha ni Johanna at ni Lalaine.

“Ha? Bakit?”

Napatawa si Lalaine.

“Bigyan mo nga ng salamin 'yang babaeng 'yan!”

Agad na iniabot sa 'kin ni Johanna ang compact mirror niya. Tiningnan ko ang sarili ko.

Owkay? Bukod sa gulo-gulo ang buhok ko at hindi ako nakakilay ngayon, anong mayroon?

“Oh, nakita mo na?” tanong ni Lalaine.

“Niloloko niyo ba akong dalawa? Wala namang bago sa mukha ko eh,” naiirita kong sagot sabay balik ng salamin kay Johanna.

“Gaga! Hindi mo ba nakikita 'yang mga mata mo? Aba eh, mukha ka ng panda!” pang-aasar ni Lalaine.

Inirapan ko siya.

“Tsk! Eyebag lang naman pala problema niyo jusko! 'Wag nga kayo, pinaghirapan ko 'yan!”

Napailing si Johanna.

“Hoy babae! Aminin mo nga, nagdadrugs ka ba? Hoy! Matakot ka kay Duterte!”

Binatukan ko si Johanna.

“Pakyu! Anong tingin mo sa 'kin? Adik? Eh kung sapakin kaya kita d'yan?”

“Sapakin? Eh binatukan mo na nga ako. Tsk! Pakyu too!”

“Whatever! Alis na ako, byeeee!” paalam ko sa kanilang dalawa dahil napansin kong dumadami na ang tao sa canteen. Baka mamaya, bigla na lang sumulpot si Kyle at Ann.

Napahilamos ako sa mukha ko. Argh! Bwiset na Kyle 'yan! Oo, siya ang dahilan kung bakit may Prada ako sa mga mata ko. Eh kasi naman, sino bang makakatulog ng maayos kung bigla-bigla ka na lang makakatanggap ng text mula sa ex mo na mahal mo pa hanggang ngayon at sinasabing mag-usap kayong dalawa aber? Hindi naman sa assuming ako pero assuming talaga ako na baka gusto niyang makipagbalikan sa akin. Kyaaaah omg!

Okay, umaasa na naman ako. Tsk!

Tulala ako habang naglalakad papasok sa room ng may paper airplane na lumipad papunta sa akin. Pinulot ko ito at hinanap kung sino ang nagtapon pero wala namang tao sa paligid. Binuklat ko ito at binasa.

List #3:

Subukan mong makipag-usap sa kanya. Closure kumbaga. Tama na yang kabitteran niyo sa isa't isa. Oras na para magkaayos at ng matapos na yang kadramahan mo sa buhay. (Kapag tinangka niyang makipagbalikan pa sayo, batukan mo sa apdo)

Natigilan ako sa nabasa ko. Ito na ba talaga yung tamang oras para mag-usap kaming dalawa? Kaya ko na bang harapin siya?

Patuloy pa rin akong nag-iisip kong ano ba ang dapat kong gawin nang maramdaman ko ang pagtakip sa mga mata ko. Napailing ako.

“Ano na naman 'to Toby? Ang dami mong alam!” natatawa kong sabi.

Nawala ang mga kamay na tumatakip sa 'kin. Lumingon ako. Napaawang ang labi ko nang makita si Leondre.

“Close pala kayo ni Toby?” seryoso niyang tanong.

Napatungo ako.

“Ah, ano, nagkausap lang kami kahapon.”

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now