Chapter 10 [Leondre the stalker]

23 3 1
                                    

Chapter 10 [Leondre the stalker]

“Class dismiss”

Napabuga ako ng hangin pagkarinig ko ng mga salitang yan. Hays salamat! Tapos na rin ang klase. Tiningnan ko ang oras at nakita kong 12:30pm na.

Nagliligpit na ako ng gamit ng bumalik ulit si Miss Villanueva.

“Just a minute guys. May iaannounce lang ako”

Agad na umangal ng mag kaklase ko, kasama na ako dun. Jusko ano pa kayang sasabihin niya eh tapos na nga ang klase niya. Ay naku!

“The faculty will have an emergency meeting later this day so wala na kayong pasok mamayang hapon”

Pagkarinig namin sa sinabi niya ay agad na napuno ng hiyawan ang loob ng classroom.

'Whaaaaaaa! Ito talaga yung the best eh! Yung walang pasok mamaya yeheeeey!'

'Yes! Makakapagbasketball tayo mamaya mga tol!'

'Omg! Magmovie marathon tayo later mga bessy!'

Ilan lang yan sa mga narinig kong sigawan ng mga kaklase ko. Napailing na lang ako pero napangiti rin ako ng malawak. Akala niyo ba hindi ako masaya na walang pasok mamaya? Well, nagkakamali kayo! Kanina pa nga nagpaparty yung utak ko eh. Whoooooo!

“Sige. Pwede na kayong umuwi”

Sabay-sabay na tumayo ang mga classmate ko at nagpaunahang makalabas sa pintuan. Grabe! Ang kukulit talaga nila!

“Huy! Nakangiti ka mag-isa dyan? Tuluyan ka na bang nabaliw?”

Lumingon ako at nakita ko si Lalaine na nakaready na ding umuwi.

“Tse! Ikaw ang baliw!” sagot ko “Natutuwa lang ako sa mga kaklase natin. Sobrang kukulit kasi eh. Tingnan mo, nagpapaunahan makadaan sa pinto. Di tuloy makalabas yung iba” natatawa kong dagdag

“Hahahaha. Oo nga eh. Mamaya tumba yang mga yan”

Pagkatapos ng ilang minuto ay matiwasay kaming nakalabas sa classroom namin.

“San pala si Johanna? Kanina ko pa hindi napapansin ah?” tanong ko

“Ah oo. Di ata pumasok. Ewan ko dun”

Tiningnan ko ang phone ko at may text dun si Johanna.

Johannabes:

Can't make it to school. I'm so sleepy af.

Napailing na lang ako sa text niya.

To Johannabes:

You're lucky! Wala ng pasok mamaya.

Pagkatapos kong isend ay isinilid ko na sa bag ko ang phone ko.

“San tayo kakain?” tanong ni Lalaine

“Mall?” suggestion ko

“Good idea. May bibilhin nga pala akong book”

Pagkalabas namin sa gate ay naramdaman kong may kumublit sa balikat ko. Nilingon ko iyon at nakita ko ang isang lalaking nakangiti ng malapad na parang baliw.

“Hi!” bati niya

“Yes?” tanong ko habang nakakunot-noo

“No!” sagot niya

“Pardon?”

“Sabi mo yes eh. Kaya sabi ko no”

“Are you kidding me?” naiirita kong tanong

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now