Chapter 6 [Phone Call]

30 3 0
                                    

Chapter 6 [Phone Call]

Kasalukuyan akong nagsa-soundtrip ngayon. Pinapakinggan ko yung Castaway ng 5 Seconds Of Summer. Grabe! Sobrang relate ako. Kanina pa nga naka repeat itong kantang to eh. Tapos kanina pa rin ako tumatalon-talon sa kama ko while singing at the top of my lungs. Kunwari din may hawak akong gitara habang sumasabay sa kanta.

Hays! Sana ganito lang kadali ang lahat. Yung isang kanta ko lang mawawala na ang sakit. Yung pag nagconcert ako dito, makakamove on na ako, pero hindi eh. Hindi ganun kadali ang lahat. Bakit kasi sobrang dali nating mafall pero sobrang hirap makalimot. Maglaslas na kaya ako? Kaso masakit daw yun.

Sana kasi may signal man lang na nakalagay parang 'Wag mafafall sa taong to! Pogi siya at sweet pero dudurugin lang niya ang malambot at mapagmahal mong puso' diba? Para nawarningan man lang ako at nakapaghanda kahit papaano. Hays! May gamot ba para sa wasak na puso? Kung meron, pakisabi naman kung ano oh? Para mainom ko na, kahit mga benteng sabay-sabay agad. Okay lang kahit maoverdose ako basta maghilom na ang puso kong sugatan at nagdurugo. Kaso dapat yung tig-tatatlo'y dos lang ha? Wala akong pera ngayon eh. Hays! Kawawa naman talaga ako. Wala na ngang lovelife, wala pang pera.

Pagkatapos ng mini concert ko ay nanuod na lang ako ng tv. Sakto pagbukas ko, that thing called tadhana ang palabas. Favorite movie ko to sa ngayon eh. Relate na relate ako dito. Oh? Wag niyo akong husgahan okay? Nagmahal lang talaga ako at nasaktan! Wag kang judgemental.

So ayun, medyo naiiyak na ako at konti na lang talaga tutulo na yung sipon ko ng biglang tumunog yung cellphone ko.

Tiningnan ko ito ng masama. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, kanina pa nagkalas-kalas yung cellphone ko. Pinabayaan ko na lang ito pero hindi ito tumigil sa pagtunog. Naiirita ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Unknown number calling...

Napakunot-noo ako. Sino kaya tong si unknown number? Ang astig ng pangalan niya ha? Medyo baliw siguro magulang nito. Sinagot ko na ito.

“Sino ka?” bungad sakin ng isang boses lalaki

“Di ako sinuka, iniri ako. At wow! Ikaw tumawag tapos tatanungin mo ako kung sino ako? Galing mo rin no?” naiirita kong sagot dahil inabala niya ang pagtulo ng luha at uhog ko para lang sa 'sino ka' niya

“Ah ako ba? Akala ko ikaw tumawag sakin eh hehe” sagot niya

“Alam mo kuya, wag mong sirain ang buhay mo. Wag kang magdrugs okay?”

“Anong akala mo sakin? Adik? Di ako nagdadrugs. Katol lang sinisinghot ko hehe” sagot niya ulit

Tuluyan na akong nairita sa kanya. Nakakabadtrip yung hehe niya bwiset!

“Hoy lalaki! Kung wala kang sasabihing matino, pwede ba wag ka ng tumawag!”

“Wag ka namang high blood baby hehe”

“Ew! Wag mo akong tawaging baby gago ka! Ayaw ko ng makipag-usap sayo! Bye!” sigaw ko at binabaan siya ng cellphone

Arghh! Kaasar! Tawagin ba naman akong baby? Eh yun yung tawagan namin ni Kyle dati eh bwiset! Badtrip ako dyan sa 'baby' na yan! Wag yang makadaan-daan sa kanto namin, papabugbog ko yan sa mga adik! Ugh! Nakakasira siya ng araw! Napapakanta tuloy ako ng I'm not the only one.

Unknown number calling...

Ugh! Ang kulit naman nito! Sasagutin ko ba o hindi? Sige na nga, sagutin ko na lang.

“Siguraduhin mong matino na ang sasabihin mo ngayon kung hindi malalagot ka na sakin! Alam mo bang inabala mo ang pagtulo ng luha at sipon ko? Ngayon, kailangan ko pa silang piliting lumabas ulit kasi nagtampo na sila. Kasalanan mo to! Naiintindihan mo? Kailangan mo itong pagbayaran! Andun na eh, tumawag ka pa! Argggh! Bwiset ka! Ganyan naman kayong mga lalaki eh! Kung kelan andyan na, mahal na mahal na namin kayo, saka niyo kami iiwan! Mga wala kayong kwenta! Mga paasa! Nang dahil sa inyo, badshot na si forever sakin! Alam mo bang muntik na akong magbayad ng hitman para ipatumba yang forever na yan? Pero syempre dahil mabait ako, sabi ko dun sa hitman iligaw na lang siya kaya ayun, wala na siya ngayon. Gets mo? WALA NA SI FOREVER! NALIGAW NA SIYA!” litanya ko sa kanya at huminga ako ng malalim whooo naubusan ako ng hininga dun ah

A Lie Called Forever (On-going)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu