Chapter 19 [Closure or Comeback?]

21 1 2
                                    

Chapter 19 [Closure or Comeback?]

Naramdaman ko ang unti-unti kong pagkahulog. Napatili ako.

'Mamamatay na ba ako? Whaaaaa!'

Mayamaya pa ay naramdaman ko ang pagbagsak ko sa isang bagay. Nanatili akong nakapikit.

“Hoy ano ba! Baba na! Ang bigat mo!” narinig kong sabi ng isang boses malapit sa tainga ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang kanang mata ko pagkatapos ay ang kaliwa naman.

'Whoooo!' nakahinga ako ng maluwag nang mabungaran ang gwapong mukha ni Leondre.

Napangiti ako pero agad din itong nawala. Teka-- gwapo? May sinabi ba akong gwapo? Jusko! Naapektuhan na ata paningin ko dahil sa pagkahulog ko! Dali-dali akong bumaba at hinila ang kamay niya.

“Tara na dali! Nakita ako ni Manong Guard na nasa taas ng pader. Baka mahuli tayo!” natataranta kong sabi habang tumatakbo; hila-hila ang kamay niya.

“Sus! Tinatsansingan mo lang naman yata ako e! Palusot ka pa!” pang-aasar niya.

Napatigil ako sa pagtakbo at dahan-dahang lumingon sa kan'ya.

“Hoy lalaki! Ang kapal talaga ng mukha mo! Gusto mo bang sapakin kita sa apdo?!” naiirita kong pagbabanta.

Napatawa siya.

“Chill! 'Di ka naman mabiro!” natatawa niyang sabi sabay pisil sa pisngi ko.

Naiirita ko itong pinalis.

“Argh! 'Wag mo ngang hawakan 'yung pisngi ko!” napalingon ako sa paligid. “Teka nga, sa'n ba tayo pupunta?”

“Mall.”

“Mall? What the?! Are you kidding me?” hindi-makapaniwala kong tanong. “Niyaya mo akong mag-cutting para lang pumunta sa mall? Jusko! Wala ka man lang bang maisip na ibang peaceful at magandang place para naman worth it 'yong pag-absent ko sa klase?”

Tumingin siya sa'kin at nagtanong.

“Sa'n mo ba gustong pumunta?”

“Um, 'yong mga nababasa ko kasi sa wattpad, kapag nagka-cutting sila e pumupunta sila sa Tagaytay o kaya Antipolo,” nakangiti kong sagot.

Pinitik niya ang noo ko.

“Aray! Para sa'n 'yon?”

“Sa wattpad lang nangyayari ang mga gano'n! 'Yan ang hirap sa 'yo eh, madali kang maniwala!” napailing siya. “Isipin mo nga, paano tayo makakapunta sa Tagaytay o Antipolo e traffic, hassle, at wala pa akong sariling kotse kasi Grade 10 pa lang ako. May motor ako pero hindi naman natin 'yon pwedeng sakyan kasi mahal ang gasolina.”

“Waaaw! Ngayon ko lang narealize kung gaano ka kawalang kwenta. Kthnxbye!” sabi ko at akmang aalis na.

Hinigit niya 'yong braso ko kaya napangiti ako.

“Enebe! Beket me ke penepegelen?”

“Hindi ka na naman makakabalik sa loob ng school eh kaya no choice ka na kundi sumama sa 'kin. Tara na nga!”

Inirapan ko siya. Argh! Wala ba talagang alam ang lalaking ito kundi maging adik at bwisitin ako?

Pumara siya ng jeep.

“Sa'n ba tayo pupunta?” tanong ko.

“Basta! May alam akong lugar. 'Yong tahimik at tayong dalawa lang,” sagot niya habang nakangisi.

Pinalo ko siya sa braso.

“Hoy lalaking adik! Hindi ako gano'ng klaseng babae ha? Gusto mo bang ilibing kita ng buhay?”

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now