Chapter 16 [Text Messages]

30 2 0
                                    

Chapter 16 [Text Messages]

"Margaux, gising na! Tanghali na!"

"Hmmm, wala po kaming pasok," inaantok kong sagot kay mommy.

Hindi ko na inintindi ang sinasabi niya dahil unti-unti na ulit akong hinila ng antok.

Nagising ako mga bandang 11am. Ang sarap talaga kapag walang pasok. Hindi gigising ng maaga at walang stress. Hays!

Nakahilata ako sa sofa habang nanunuod ng tv at kumakain ng popcorn. Umulan kanina kung kaya medyo malamig ang panahon ngayon. Nakapajama pa ako at oversized shirt.

Paborito ko ang ganitong uri ng panahon. Yung tipong medyo malamig tapos nakamakapal kang shirt habang nakahiga sa kama. Sobrang komportable talaga.

Hindi ko na namalayan ang oras. Pagtingin ko sa relo ay 2pm na pala.

Patamad akong tumayo para kumuha ng pagkain. Ngayon ko lang narealize na kanina pa pala kumakalam ang sikmura ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang makareceive ako ng text mula sa unknown number. Anobayan! Bakit lagi na lang may nagtitext o kaya tumatawag sa 'king 'di ko naman kilala? Ganoon na ba ako kafamous? Hays! Iba talaga kapag maganda.

Agad kong binuksan ang text at binasa ang lama nito.

From: 09xxxxxxxxx

Wer na u?

Napakunot-noo ako. Sino naman kaya 'tong baliw na 'to? Mareplyan nga.

To: 09xxxxxxxxx

D2 nHa mE PhoeWsxcx. IkAww?

Sent.

Napatawa ako sa sarili kong trip. Isa na akong jejemon ngayon. Hahahaha.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain.

Mayamaya ay may nagtext ulit.

From: 09xxxxxxxx

Jejemon ka pala? Anyway, kanina ka pa namin hinihintay. May balak ka pa bang pumunta dito?

HA?! Sino ba 'to?

To: 09xxxxxxxx

Una, hindi ako jejemon. Pangalawa, sino ka? at pangatlo, bakit ninyo ako hinihintay?

Sent.

Hinintay ko ang reply nang kung sino man itong nagtitext sa akin.

Ilang minuto ang lumipas bago siya nagreply sa akin.

From: 09xxxxxxxx

Si Jucelle 'to, naalala mo ba? Magkagroup tayo doon sa baby thesis na pinapagawa ni Ms. Villanueva. 'Di ba 2pm ang usapan natin?

Agad na napalo ko ang noo ko dahil sa nabasa ko. Holy shit! Oo nga pala! Bakit ko ba nakalimutan ang tungkol doon? Omg!

Dali-dali akong tumakbo sa kwarto at nagpalit ng damit. Bahala na 'yan! Walang ligo-ligo!

Tiningnan ko ang orasan at nakita kong malapit ng mag2:30 pm. Late na ako ng kalahating oras. Grabe!

Mabilis akong pumara ng tricycle at nagpahatid sa address na ibinigay sa 'kin ni Jucelle. Hays! Akala ko pa naman free na ako ngayong araw na ito. Akala ko maghapon na lang akong hihilata sa kama habang komportableng nakayakap sa unan ko. Sadlayf naman!

Sampung minuto pa bago ako nakarating sa bahay nina Jucelle. Katamtaman lang ang laki ng bahay nila. Wala itong pintura at maraming halaman sa paligid.

A Lie Called Forever (On-going)Where stories live. Discover now