Chapter 14 [Research Paper and The Song]

48 2 0
                                    

Chapter 14 [Research Paper and The Song]

Papasok na ako sa gate ng school ng ay marinig akong sutsot. Hindi ko ito pinansin.

'Psst!'

Hindi ko pa rin ito pinansin kasi nga pafamous ako.

“Baby!”

Pumasok na ako sa gate at naglakad papunta sa classroom ko.

“Marg!” tawag ulit sabay hawak sa braso ko.

Nilingon ko kung sino iyon at naparoll eyes ako nang makita ko kung sino ito.

“Ano na namang kailangan mo ha?”

“Wala lang. Gusto lang kitang kasabay pumasok hehe,” sagot niya

“Whatever!” sagot ko at dali-daling naglakad.

Agad naman siyang humabol sa 'kin.

“Leondre!” narinig kong tawag ng isang boses.

Tumigil sa paglalakad si Leondre kaya nilingon ko din kung sino yung tumawag sa kanya.

“Oh Toby? Bakit? Anong kailangan mo?”

Napakunot-noo ako nang makilala si Toby. Siya yung lalaking takas sa mental.

“Hi Margaux!” bati niya sa 'kin.

Tumingin sakin si Leondre at medyo napakunot ang noo.

“Hi Toby! Magkakilala pala kayo nitong lalaking nakashabu?” tanong ko.

“Hahahahahaha lalaking nakashabu? Hahahahaha laughtrip ka talaga,” natatawa niyang sagot.

Napailing na lang ako. 'Di talaga makausap ng matino 'tong lalaking 'to.

“Magkakilala kayo?” tanong ko kay Leondre.

“'Yan nga din sana itatanong ko sa 'yo eh. Paano kaya nagkakilala ni Toby?”

“Officer siya ng WTF Club,” sagot ko.

“Kasali ka sa WTF Club?” gulat niya tanong bagaman parang hindi naman siya nabigla.

“Oo.”

“Ah Marg! Kausapin ko muna si Leondre ha?” singit ni Toby sa pag-uusap namin.

“Sige.”

Naglalakad na ako papasok ng classroom pero hindi pa rin mawala sa isip ko si Toby at Leondre. Parang may mali eh. Napailing na lang ako at binalewala ang mga naiisip ko.

--

Leondre's POV

“Ano bang kailangan mo sa 'kin?” tanong ko kay Toby pagkatapos umalis ni Margaux.

“Pinapatanong nang ate mo kung ano ng balita,” sagot niya.

Napailing ako at nagtagis ang aking bagang.

“Pwede ba? 'Wag niya nga akong madaliin” galit kong sagot.

“Gusto lang naman niyang malaman kung nagagawa mo ng maayos ang misyon mo.”

“Pakisabi 'wag siyang mag-alala dahil nag-uumpisa na ako.”

“Pinapaalala lang niya na 'wag mong kakalimutan na umaarte ka lang. Mukhang masyado mo na ata itong sineseryoso.” sagot niya at tuluyang umalis.

Napabuntong-hininga na lang ako habang nag-iisip ng malalim.

Maya-maya ay naglakad na ako papasok ng classroom.

“Good Morning class!” bati ni Miss Villanueva pagpasok ko.

Agad akong umupo sa upuan ko. Hindi ko kaklase si Margaux dahil magkaiba kami ng section.

A Lie Called Forever (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon