Chapter 24

51 11 0
                                    

Chapter 24

Pinagpapawisan ang kili-kili ko kahit katatapos ko lang maligo. Ewan ko ba at naghahalo-halo itong kaba at excitement sa dibdib ko. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ng mga kapatid ko at naisipang sumama. Wala rin naman sa plano na aalis at magkikita kaming dalawa ngayon ni Valerio, but then he told me he message and called me which I happen to notice when I checked my phone.

I just gave Rasha out a message saying that my family and I will be going out with Valerio today. Hindi pa siya nagre-reply, but I know as soon as she would read the message, mas lalo 'yong magwawala at baka mas OA pa ang reaksyon sa akin.

Kalmado pa naman ako kanina. Nakukuha ko pang iwasan ang pagiging halata sa harapan ni Valerio. But I'm not sure what this is all about. Hindi niya rin naman binanggit pa kung saan kami pupunta.

When we're all set to go, nakasunod lang ako kay Kuya Emmett hangga't sa patigilin ako nito saka itinuro si Valerio na naghihintay sa motor niya.

"No, I'm gonna come with you, guys."

Mabilis na umiling si Kuya Emmett. "No, Thesia! You'll be riding with Valerio. He got a spare helmet for you and we know he'll be taking care of you so we're fine without you in the car."

Hinampas ko siya sa braso nang sabihin niya 'yon saka ko siya sinamaan ng tingin.

"I thought you don't like him?" I questioned, almost a whisper.

He smirked. "That was before the training. Go on now, you got this."

Nang ilipat ko ang tingin kina Kuya Henry, Kuya Craig, at sa parents ko, payag na payag naman silang lahat sa sumama ako kay Valerio. Wala akong choice kung hindi ang sundin iyon at saka for the sake of Valerio, ako namna talaga ang ipinunta niya rito para imbitahin so I really have to go with him.

Pumasok na silang lahat sa sasakyan. Si Kuya Craig ang magmamaneho. Tumungo na naman ako kay Valerio na unang inabot sa akin ang helmet.

"Don't worry, they'll be there. Craig already know where to go," pagpapalubag loob nito sa akin.

"It's not even a big deal. Don't even think about it."

Kinuha niya sa kamay ko ang helmet at siya ang nagsuot nito sa akin. Inayos niya rin ang strap nito sa aking baba. Inalalayan na naman niya akong sumampa sa motor niya. Maingat naman niya akong ipinuwesto. Muli niya akong sinabihan na kumapit sa baywang niya kapag nasa biyahe na kami.

"You're not gonna tell me where we are going, are you?"

He smirked, giving me only a side look. "It's a surprise. Not many people visited that area, but it'll be a good spot as early as this moment."

Nakuha pa akong paisipin kung saan kami pupunta. Pero bakas naman sa mukha ni Valerio iyong mga ngiti niya. Para bang ang liwanag at wala akong negative vibes na nafi-feel sa kanya. Hindi katulad no'ng unang nagkita kaming dalawa, halos ipagtabuyan na niya ako tapos ngayon may pagkapit na sa baywang niya.

Kaloka, right?

Naunang umalis ang pamilya ko pero mabilis ding naabutan ni Valerio sa bilis niyang magmaneho ng motor. Todo kapit na naman ako dahil ayokong malaglag na lang. Baka hindi pa ako makapasa sa training. Sabotahe ba 'to?

The ride was peaceful and... humid. I cannot wait for the summer to be over, but when I'm at this moment, I feel like I don't want to end it abruptly. Gusto kong namnamin ang bawat ganap ng buhay ko this summer because unlike the past years, wala naman akong ginawa. Never really tried out some stuff that now I never imagined I could be a part of.

Hindi pa man masyadong nag-iinit ang pwet ko sa biyahe, naratintg na agad namin ang destinasyon na tinutukoy ni Valerio. Takang-taka naman ako kung bakit kami rito pumunta. Naunahan din namin ang pamilya ko kaya hinintay pa namin sila makarating din.

Drastic Waves in BondiWhere stories live. Discover now