Lines Between Us

14.6K 352 34
                                    


Status: Completed
Characters: Kayren & Zairus
Genre: Romance
Content Rating: Mature

PROLOGUE

"Argh! I hate math!"

Inis ko sinubsob ang aking mukha sa ibabaw ng lamesa. Kanina ko pa sinusubukang sagutan ang homework namin sa math pero hindi ko talaga makuha ang tamang sagot.

Bakit naman kasi ang bobo ng calculator?

Mabuti sana kung narito si Daddy para maturuan niya ako sa pagsasagot. Magaling pa naman itong magturo at madaling maintindihan kaso busy ito ngayon.

Madalas na nga itong gabihin sa pag-uwi galing sa company. Of course, hindi matutulog si Mom hangga't hindi ito umuuwi. Kahit pa abutin ng madaling araw ay maghihintay pa rin ito. Ganoon niya kamahal si Dad.

Sa tuwing pinapanood ko silang dalawa. Hindi ko mapigilan na kiligin. Sobrang mahal talaga nila ang isa't isa.

How I wish na makatagpo rin ako ng lalaking katulad ni Dad na sobrang magmahal, na handa rin akong ipaglaban kahit na pinagbabawalan na ng buong mundo.

"Ate!"

Nagtatalon si Margaux sa ibabaw ng kama. Pinandilatan ko naman siya ng tingin kasi kakaayos ko lang niyon tapos magugulo na naman.

"Oh, sorry..." She giggled.

Umupo na siya sa gilid ng kama at niyakap ang aking unan.

"Bakit?"

"Narito na si Kuya!"

My eyes widened. Agad din akong napatayo mula sa aking kinauupuan upang magtungo sa harapan ng salamin.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para mapapula iyon. Sinuklay ko rin ang mahaba kong buhok. "Teka, bakit ko ba ginagawa ito?"

Napailing ako at mariin na pumikit. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit biglang lumundag ang puso ko nang marinig na umuwi na ang lalaking iyon.

Paano ba naman, halos tumira na ito sa condo ng kaibigan niyang mga siraulo. Madalas itong wala rito. Hinahayaan na rin nina Mom kasi hindi na talaga ito mapigilan pa.

Saka kaya na naman nito ang kaniyang sarili. Baka nga isang araw ay magkaroon na siya ng sariling condo na malapit sa kanilang school. Hindi ko maintindihan pero ayaw kong umalis siya rito.

Sasabihin ko kay Mom na huwag siyang payagan na magkaroon ng sariling condo. Uso pa naman iyong magdadala ng babae sa unit para lang maglandian.

No way.

"What are you doing here?"

Napahawak ako sa aking dibdib nang marinig ko ang kaniyang boses. Nakadungaw ako sa loob ng kaniyang silid. Hinanap ko naman kung nasaan siya.

Napatakip ako sa bibig nang makitang wala siyang pang-itaas. Para akong napako mula sa aking kinatatayuan habang hindi ko pa rin maalis ang tingin sa kaniyang katawan. Halatang alagang gym dahil sa kaniyang abs.

God, Kayren, please do something!

"Shit."

Mukhang napansin niya na hindi ako mapakali nang makita siyang nasa ganoong kalagayan. Agad din siyang nagtungo sa cabinet at hinila ang isang damit na mabilis niya namang sinuot.

"P-Pwede mo ba akong tulungan sa homework ko?"

Tuluyan na akong pumasok sa kaniyang kwarto. Umupo naman siya sa gilid ng kama habang tinutuyo ng tuwalya ang basa niyang buhok.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon