Chapter 15

40.5K 1.4K 1.6K
                                    

Chapter 15

"Where are we going, Mommy?"

Mula sa salamin ay nakita ko ang pag-nguso niya. Kasalukuyan kong sinusuklay ang kaniyang buhok.

She was wearing a pink dress. Binili iyon ni Asher para sa kaniya. Paborito n'yang suotin iyon kasi sobrang cute raw ng design na puno ng bulaklak.

"We'll have a family date, baby..."

Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya. Hinarap niya naman ako habang nakakunot ang kaniyang noo.

"With Daddy?"

Tumango naman ako. "Yes, baby, with Daddy Asher."

"Yehey! Kasama natin si Daddy!"

Bigla naman siyang nagtatalon sa kasiyahan. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan siya.

"I love you, Mommy..."

Umupo siya paharap sa 'kin at sinubsob ang kaniyang mukha sa dibdib ko. Hinaplos ko naman ang mahaba niyang buhok.

"Mahal na mahal ka rin ni Mommy..."

Nanatiling ganoon ang pwesto niya. Mukhang gusto nitong magpalambing dahil nagtampo siya sa 'kin kanina.

"Galit ka pa ba rin ba kay Mommy?"

Hinarap niya ako at umiling.

"No, Mommy, never po ako magagalit sa 'yo..."

Pinaulanan niya ng halik ang buo kong mukha. Hindi ko mapigilan na malungkot sa tuwing naalala ko ang kaniyang ka-kambal.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa oras na may mangyaring masama sa kaniya. Siya ang buhay ko.

"Sorry baby kung hindi kita napagbigyan na kumain ng chocolates. Ayokong sumakit ang teeth mo, hindi ba't takot ka na mabunutan?"

Bumahid ang takot sa kaniyang mukha sa sinabi ko. Umiyak siya kanina dahil hindi ko siya pinayagan na kumain ng chocolates na binili ni Gennica.

Humanda talaga sa 'kin ang babaeng iyon. Dahil sa kaniya'y nasanay ang anak ko na nakukuha ang lahat ng gusto.

"Sorry rin po, Mommy, hindi na po ako kakain ng chocolates..."

She hugged me. Mukhang natakot talaga siya sa sinabi ko.

Pinapunta ko muna siya sa room ni Gennica. Pinaghandaan ko naman ang mga gamit na dadalhin namin.

Wala akong ideya kung saan ba kami dadalhin ni Asher. Basta sinabi lang nito na mayroon daw kaming family date ngayong araw.

Pinagmasdan ko ang sarili sa harapan ng salamin. I was wearing a white dress. Pinilit ko na ngumiti na mabilis din namang napawi lalo na nang pumasok sa isipan ko ang bawat katagang binitiwan ni Marcus.

"Hinihiling ko rin sana na kahit isang beses, magawa mo akong piliin kahit na mali..."

Napahigpit ang hawak ko sa bestidang suot ko. Gusto kong isigaw lahat ang sakit na nararamdaman ko.

Gusto kong kalimutan na lang lahat.

Gusto kong magsimulang muli.

Pero paano ako magsisimula kung bawat araw, pilit akong binabalikan ng nakaraan.

Ang nakaraan kung paano kami nagsimula at sinabi sa bawat isa ang katagang, Mahal kita.

Ngunit nagtapos ang kwento naming dalawa sa salitang, Malaya ka na.

"Marcus Caden Samaniego..."

Mapait akong napangiti. Kinuha ko ang litrato niya sa loob ng kahon at pinagmasadan.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon