Chapter 29

32.4K 1.3K 1.2K
                                    

Chapter 29

"Baby..."

Napansin kong natigilan siya. Bumilis naman ang kabog ng puso ko. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko sasabihin sa kaniya ang katotohanan, pero anong nangyayari ngayon?

Nadala na naman ako sa kasiyahang nararamdaman kaya hindi ko na alam ang mga salitang binibitawan ko.

"W-What?"

Umupo na siya habang nanatili naman akong nakahiga. Magkapako lang ang tingin naming dalawa. Nababakas pa rin sa kaniyang mukha ang gulat.

Hindi kaya mayroon na talaga siyang ideya na buntis ako? Na gusto niya lang na ako ang mismong magsabi sa kaniya ng katotohanan?

"Of course, our daughter... she's still my baby..." I chuckled.

Umupo na rin ako sa gilid ng kama. Hinawakan ko ang kaliwa niyang pisngi at tumitig sa kaniyang mga mata.

"She wants to meet you..."

His lips parted. Ilang segundo lang ay sumilay na ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Siguradong matutuwa rin si Kayren sa oras na magkita na silang mag-ama.

Alam kong hindi naaalala ni Kayren na nagkita na sila noon sa restaurant. Hindi ito madaling makatanda ng mukha maliban na lang kung madalas niyang pagmamasdan ang isang litrato.

Simula nang malaman ni Kayren kung saan nakalagay ang mga litrato naming dalawa ni Marcus, palagi niya na lang iyong pinagmamasdan. Minsan nga'y katabi niya pa ito sa pagtulog.

"Ikaw na ba iyan, hija?"

Lumapit sa 'kin ang isang matandang babae at sinalubong ako ng yakap na ikinagulat ko.

"Kilala niyo po ako?"

Napaturo pa ako sa sarili. Humalakhak naman siya sa sinabi ko.

"Halos lahat ng nagbabantay rito'y kilala ka, hija, wala akong masabi sa taglay mong kagandahan..."

Hinawakan niya pa ang kanang kamay ko at marahan na pinisil. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti.

"Paano niyo po ako nakilala kung ngayon pa lang po ako nakapunta rito?"

Hinila niya ako paupo sa couch. Hindi pa rin nawawala ang kasiyahan sa kaniyang mukha.

"Aba'y siyempre, hija, paano ka namin hindi makikilala? Kung ikaw ang babaeng iniibig ni Sir, palagi ka niyang ipinagmamalaki sa amin sa tuwing napupunta siya rito. Hindi lang iyon..."

Bumilis naman ang kabog ng puso ko. Kahit na sobra ko na siyang nasaktan, nagagawa niya pa rin akong ipagmalaki sa iba.

"Ano po iyon?"

Nilibot niya ang tingin sa paligid para hanapin si Marcus na kasalukuyan nang may katawagan.

Mukhang may problema sa company nila. Alam kong kailangan na siya roon pero hindi niya pa rin ako magawang iwanan.

Malamang na natatakot siya na baka hindi na mangyari ulit ito.

"Halika rito, hija..."

Sumunod na lang ako sa kaniya. Wala akong ideya kung saan kami pupunta.

Napansin ko na papunta kami sa ikalawang palapag ng bahay, tumigil kami sa harapan ng isang malaking pinto.

Hindi pa ako nakapapasok sa silid na iyon. "Ano pong meron dito?"

Binuksan na niya ang pintuan. Malapad pa rin ang kaniyang ngiti.

"Pasok ka..."

Humakbang na ako papasok sa loob. Kumunot ang aking noo kasi tanging couch lang ang nakita ko at malalaking vase.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon