Chapter 36

29.1K 1.1K 1.8K
                                    

Chapter 36

"Mommy, ba't hindi po natin kasama si Daddy? Iiwan na po ba natin siya?"

Nanikip ang aking dibdib. Pinigilan ko naman na bumuhos ang mga luha na gustong pumatak mula sa aking mga mata.

Puno ng katanungan ang kaniyang mga mata kaya pinilit ko na ngumiti kahit na sobrang hirap.

Ang hirap ngumiti kung durog na durog ka na sa loob mo.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Masyado pa siyang nasa murang edad para maitindihan ang lahat.

"K-Kailangan na natin umuwi kasi miss na miss na tayo ni Lolo... Ayaw mo bang makasama si Lolo ulit?"

Hinaplos ko ang kaniyang buhok. Napansin kong panay ang sulyap sa amin ni Manong. Ipinahatid kami ni Marcus sa driver niya.

Kahit na sobra ko na siyang nasasaktan, nag-aalala pa rin talaga siya sa 'kin, lalo na sa mga anak namin.

"Gusto po, Mommy, gustong-gusto pero si Daddy... Bakit po natin siyang iniwang mag-isa? Malulungkot po siya roon..."

She pouted.

Hindi ko magawang sabihin sa kaniya na ang kasama ng Daddy niya ngayon ay ang totoong pamilya nito kasi alam ko na sobra siyang masasaktan.

Sumuko na siya, sumuko na rin ako. Tapos na kaming dalawa at ang tanging nag-uugnay na lang sa amin ay ang mga anak namin.

Ayaw na niya akong makita pa kasi lubos ko na siyang nasasaktan. Mas mabuti na rin iyon pero bakit ang sakit?

Bakit ang sakit na marinig mula iyon sa kaniya mismong mga labi? I know, deserve ko na masaktan. Pero bakit hindi ko pala kaya ang sakit? Para akong pinapatay.

"I am sorry..."

Marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok. Kasalukuyan na siyang nakaunan sa aking lap at mahimbing na ang tulog. Alam kong palaisipan pa rin sa kaniya ang biglaang pag-alis namin.

Hindi na niyang nagawang maabutan pa si Marcus kasi umalis 'to na kasama si Stella na siguradong pupuntahan ang anak nila.

Sila naman talaga ang totoong pamilya... Sila ang mas nararapat para sa kalinga nito.

"I am really sorry..."

A tears rolled down my cheeks. Mukhang imposible na talaga na mabuo pa ang pamilya namin.

Hindi na ako umaasa pa na mangyayari ang bagay na iyon, kasi sa una pa lang, ako na ang sumuko. Hinintay ko lang ang pagsuko niya at nangyari na nga na tuluyan na niya akong sinukuan.

"Tissue, Ma'am..."

Mabilis ko naman kinuha ang box ng tissue na iniabot ni Manong. "Salamat po..."

Agad kong pinunasan ang aking luha. Napansin ko na panay pa rin ang sulyap ni Manong gamit ang salamin sa unahan.

"Alam niyo po ba, Ma'am, sobrang mahal na mahal ka ni Sir..."

Natigilan ako sa sinabi niya. Maging siya'y alam na sobrang mahal ako ni Marcus pero tanging sakit na lang ang ipinaparamdam ko sa kanilang amo.

"Noon pa man ay ipinagmamalaki ka na nito sa amin, na ikaw ang babaeng mahal na mahal niya... ikaw lang ang nagbibigay lakas at kasiyahan sa buhay niya..."

Humigpit ang hawak ko sa tissue. Kahit anong punas ko'y patuloy pa rin talaga sa pagbuhos ang aking mga luha.

"Sobrang nakahahanga po ang labis na pagmamahal niya sa 'yo kahit na wala ka sa tabi niya sa loob ng anim na taon..."

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon