Chapter 16

39K 1.4K 1K
                                    

Chapter 16

"Kain na tayo... bee?"

Napatakip ako sa aking bibig nang mapagtanto kung anong sinabi ko. Hindi ko akalain na lalabas iyon sa aking bibig.

Pakiramdam ko'y nanghina ang mga tuhod ko sa kahihiyang nararamdaman. Kanina lang ay nagpupumilit ako na umalis pero nang pinapalabas na niya ako.

Bakit hindi ko magawa?

Bakit gusto ko munang manatili pa sa tabi niya?

"W-What?"

Nababakas pa rin ang gulat sa kaniyang mukha sa sinabi ko.

"Akala ko ba kakain tayo? Tara na at nagu-"

"What did you call me?"

Hinawakan niya pa ang magkabila kong balikat. Pag-angat ko ng aking mukha ay nagtama ang tingin naming dalawa.

Damn my heart. Bumibilis na naman ang tibok.

"Honey..."

Iiwas ko na sana ang tingin sa kaniya nang hawakan niya ang chin ko. Wala akong nagawa kundi ang tumitig sa kaniyang mga mata.

"I wanna hear it again..."

Ipinaglapat niya rin ang noo naming dalawa. Hinawakan niya ang isang palad ko at ipinatong sa kaniyang dibdib na sobrang lakas ng kabog.

Humahalimuyak din sa ilong ko ang amoy ng mint mula sa kaniyang bibig. Wala akong nagawa kundi ang pakiramdaman ang lakas ng kabog ng puso niya.

"Ang lakas..." usal ko.

"You're the reason, honey... Sa tuwing kasama kita, pinapabilis mo ang kabog ng puso ko. Mas lalo pa akong nahuhulog sa 'yo..."

He held my chin up and looked straight into my eyes.

"Every time..."

Nanatili ang isang palad ko sa kaniyang dibdib na hindi ko na magawang alisin, gusto ko pang maramdaman ang lakas ng kabog ng puso niya.

Na ako ang dahilan.

"Every time I look into your eyes, it makes me want to kiss you..."

Bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Nakikita ko sa kaniya ang kagustuhan na mahalikan ako, na maangkin ang mga labi ko at maparama ang kaniyang pagmamahal.

I don't know why but I closed my eyes. Hinintay ko na dumampi ang kaniyang mga labi sa 'kin ngunit nabigo ako.

Marahan niya lang na hinalikan ang noo ko.

"Let's eat?"

He chuckled.

Pinaningkitan ko siya ng tingin. Alam kong inaasar niya ako dahil umasa ako na hahalikan niya ako.

Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader nang maraming beses. Bakit ganito na naman? Bakit hinahayaan ko na naman siyang mapalapit sa 'kin?

Anong ginagawa ko sa buhay ko? Mas lalo lang akong masasaktan.

"Ano na Gianna? Nasaan na ang pangako sa sarili mo na iiwasan mo na siya? Na hindi mo hahayaan pa na makalapit siya sa 'yo? Nasaan na?!"

Nakadantay ko ang dalawa kong palad sa sink habang pinagmamasdan ang mukha ko sa harapan ng salamin.

"Ano na? Bakit namumula kang babae ka? Kinikilig ka sa mahalay na iyon? Gianna ang rupok mo, ang rupok rupok mo!"

Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong palad at mariin na kinagat ang pang-ibabang labi ko.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon