Chapter 18

38.9K 1.6K 1.6K
                                    

Chapter 18

"What?!"

Naibuga niya ang iniinom na milktea nang marinig ang sinabi ko. Mariin ko namang kinagat ang pang-ibabang labi ko.

"Seryoso ka ba, Ate?!"

I nodded.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. Nakita ko sa kaniyang mukha ang lubos na pag-aalala.

"Alam kong darating ang araw na malalaman ni Marcus ang katotohanan pero hindi pa talaga ako handa. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko rin alam kung balak ko pa bang sabihin sa kaniya ang katotohanan."

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

"Paano kaya kung sabihin mo na sa kaniya ang tungkol kay Kayren? Mukhang wala ka nang takas pa kasi nararamdaman ni Kuya Marcus ang lukso ng dugo sa tuwing nakikita niya ang inaanak ko."

I let out a heavy sigh.

"N-Natatakot ako na baka kamuhian niya lang ako kasi nagsinun-"

"Ikaw? Kamumuhian ka? Ni hindi nga niya magawang sumbatan ka sa sakit na ipinaranas mo sa kaniya. Ipinagtabuyan mo pa siya sa iba noong mismong araw pa ng kasal niyo na dapat talagang ikagalit niya. Pero tingnan mo, ito pa rin ang naghahabol sa 'yo ngayon..."

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Nararapat lang na kamuhian ako nito para bakit siya pa ang naghahabol sa 'kin ngayon?

Pilit ko siyang ipinagtutulakan palayo pero bakit hindi niya akong magawang sukuan?

" Why do I have this feeling that she's my daughter?"

Nanatili ang titig niya sa 'kin habang ang lakas naman ng kabog ng puso ko. Nanghihina na rin ang mga tuhod ko sa kabang nararamdaman sa oras na ito.

"What? She's your daughter? How? Nagka-period ako matapos nang may mangyari sa 'tin kaya paano mo ito magiging anak?"

Humalakhak pa ako. Nanatiling seryoso naman ang kaniyang mukha.

Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa 'kin at agad na hinawakan ang magkabila kong balikat.

Nilabanan ko ang titig niya kahit na ang totoo'y hindi ko kaya. Hindi ko kaya kasi baka masabi ko sa kaniya ang katotohanan na anak talaga namin ang batang tinutukoy niya.

"D-Don't lie to me, Gianna, Don't fucking lie to me..."

Humigpit ang hawak niya sa magkabila kong balikat. Nanatili ang titig niya na para bang binabasa niya ang isipan ko.

"Is she..."

Mariin siyang pumikit at ipinaglapat ang noo naming dalawa. Pinigilan ko naman na bumagsak ang mga luha ko.

"M-Mar—" he cut me off.

"...Is she my daughter?"

Malakas ko siyang itinulak palayo sa 'kin. Bumakas naman ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ko.

"She's not yours, Marcus, hindi mo anak si Kayren kaya umalis ka na bago pa magising ang anak namin ni Asher..."

Ipinagtulakan ko na siya palabas ng pintuan. Wala naman siyang nagawa kundi ang magpadala kasi mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Pagkasarado pa lang ng pinto'y napasandal na lang ako roon habang walang tigil na sa pagbuhos ang aking mga luha.

Gusto kong saktan ang sarili ko sa mga kasinungalingan ko pero ito lang ang natatanging paraan na alam ko para tuluyan na niya akong tigilan.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon