Chapter 34

32.3K 1.2K 1.9K
                                    

Chapter 34

"Damn, please... wake up, honey!"

Naramdaman ko ang mahina niyang pagtapik sa kanan kong pisngi habang nanatili pa rin akong nakapikit. Ramdam ko ang pagtulo ng aking mga luha.

"A-Ang baby natin, Marcus, ang baby natin..."

Mabilis akong napaupo habang pagtuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Agad niya naman akong ikinulong sa kaniyang bisig.

"S-Sana mapatawad mo ako, Marcus, hindi ko nagawang ingatan ang sarili ko kaya..."

Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib. "...kaya nawala na siya sa 'tin, ang baby natin...Marcus, wala na ang baby natin dahil naging isa akong pabayang ina..."

Hindi ko na alam ang gagawin ko, parang gusto ko na lang na tapusin ang buhay ko sa rami ng problema na dumarating sa 'kin. Pero kailangan ko pa rin na magpakatatag para kay Kayren.

Para sa anak namin ng lalaking mahal ko.

"W-What the hell are you saying?"

Humiwalay na siya sa yakap at hinawakan ang magkabila kong balikat. Nababakas sa kaniyang mukha ang pagtataka.

"I-I lost our baby, Marcus... I los—"

"Shit. Honey, what? But how? It was just a nightmare..."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ilang saglit lang ay muling bumuhos ang mga luha ko, hindi na dahil sa takot, kundi sa kasiyahang nararamdaman. Akala ko'y totoong nakunan ako't tuluyan nang nawala ang anak namin pero isang panaginip lang pala iyon.

Panaginip na nagsisilbing aral na kailangan ko na talagang ingatan ang sarili ko.

I can't lose our baby, I really can't... Hindi ko na kakayanin pa na muling mawalan ng mahalagang tao sa buhay ko.

Iniwan na nga kami ni Mama, iniwan pa ako ng anak ko... huwag naman pati sana ang batang dinadala ko kasi hindi ko na talaga kakayanin pa.

Not our baby...

"I-I was scared... sobrang takot na takot ako kasi akala ko'y nawala na ang baby natin... H-Hindi ko talaga kakayanin, Marcus... hindi ko na kakayanin pa sa oras na mangyari iyon.."

Muli kong sinubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Marahan niya naman na hinaplos aking buhok para pagaanin ang nararamdaman ko.

Alam kong maging siya'y nakaramdam din ng takot sa panaginip ko. Isang bangungot na kailanma'y hindi ko magagawang kalimutan.

"Nandito lang ako, honey, nandito lang ako at sisiguraduhin ko na walang mangyayaring masama sa inyo..."

Humiwalay na siya sa yakap. He cupped my face. Nababakas pa rin sa kaniyang mukha ang pag-aalala habang nakatitig sa 'kin.

"I am always here... kahit na anong mangyari, kahit pa ipagtulakan mo na naman ako... Kahit na hindi na ako ang mahal mo, pangako ko... mananatili pa rin ang isang Marcus Caden Samaniego na nagmamahal sa 'yo..."

Hindi ko napigilan na mapangiti sa kaniyang sinabi. Itinaas niya ang bestidang suot ko at marahan na dinampian ng halik ang aking tiyan.

"Promise me baby, kakapit ka lang kay Mommy, ha? Bubuhatin pa kita anak ko... I can't wait to see you my little angel... Mahal na mahal ka ni Daddy... Kayo ng Ate at Mommy mo, sobrang mahal na mahal ko..."

Hindi na maalis ang tingin ko sa kaniya habang may ngiti sa aking mga labi. Sobrang suwerte ko sa isang tulad niya na handa pa rin akong mahalin kahit na ilang beses ko na siyang sinukuan.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon