Chapter 19

41.4K 1.5K 1.4K
                                    

[Warning: R-18]

Chapter 19

"Marcus!"

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang maramdaman ang paghalik niya sa balikat ko. Pagkaharap ko sa kaniya'y ngisi ang sumalubong sa 'kin kaya napataas ang kilay ko.

"Tulog na tayo?"

Akmang hahalikan niya ako pero mabilis akong umiwas. Namumula pa rin ang kaniyang mukha dahil sa epekto ng beer na ininom niya.

"Matulog kang mag-isa mo."

Muli ko na siyang tinalikuran upang ipagpatuloy ang paghihiwa ko ng sibuyas. Balak kong magluto ng adobo kasi nakakaramdam na ako ng gutom.

Alam kong nagugutom na rin siya. Tanging beer lang ang laman ng kaniyang tiyan.

"Honey..."

Niyakap niya ako mula sa likuran. He buried his face on my shoulder. Ramdam ko naman ang marahan niyang paghalik sa aking leeg kaya bumigat na ang paghinga ko.

"You're still drunk, Marcus! Matulog ka nang mahalay ka!"

Mas hinigpitan niya pa lalo ang yakap sa 'kin kaya hindi ko na mapigilan pa na mapangiti.

Patuloy lang ako sa paghihiwa ng sibuyas habang pinapapak niya ang leeg ko.

"Dito lang ako sa tabi mo, baka iwanan mo na naman ako..."

Napahinto ako sa paghihiwa ng sibuyas sa sinabi niya. Ramdam ko ang takot sa tono ng kaniyang boses.

Kumirot din ang dibdib ko kasi sobra ko na talaga siyang nasasaktan.

"Marcus..."

"Let me hug you like this..."

Hinarap niya ako at agad na ikinulong sa kaniyang bisig. Sobrang higpit pa ng yakap niya na para bang wala na talaga siyang balak pa na pakawalan ko.

"Let me kiss you like this..."

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at siniil ako ng halik. Wala akong nagawa kundi ang gumanti sa bawat galaw ng kaniyang mga labi.

Hinapit niya rin ako papalapit sa kaniya. I moaned when he pushed his tongue inside my mouth. Napasabunot na lang ako sa kaniyang buhok.

"....and never leave me like this..."

Ipinaglapat niya ang noo naming dalawa. Habol ang hininga namin sa nangyari.

Hinawakan niya ang isa kong kamay at dinala sa kaniyang dibdib na sobrang lakas ng kabog.

"Durog na ang puso ko, honey, durog na durog kaya huwag mo na sana akong pahirapan pa..."

Marahan niyang pinisil ang palad kong nasa kaniyang dibdib. Hindi ko na napigilan pa na ikulong ang sarili ko sa kaniyang bisig.

"M-Marcus..."

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha sa lubos na kasiyahan. Pero hindi ko pa rin mapigilan na matakot sa tuwing sumasanggi sa isipan ko ang katotohanan.

Ang katotohanan na mayroon na siyang pamilya.

"Mahal kita... mahal na mahal kita, at ipinapangako ko... na ihaharap kita sa altar..."

Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. Wala siyang ideya na umiiyak na ako.

Alam ko kung gaano niya kagusto na humarap kaming dalawa sa altar upang sumumpa sa Panginoon na hindi namin nagawa noon.

"Itutuloy na ba natin ang bakba-"

"Kinginamong mahalay ka!"

Itinulak ko na siya palayo at mabilis na tinalikuran. Humalakhak naman ito sa naging reaksyon ko.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon