Chapter 1

71.8K 2.2K 1.5K
                                    

Chapter 1

Nagising ako na wala na ang anak ko sa aking tabi. Naririnig ko ang malakas niyang halakhak sa labas na mukhang kalaro ni Gennica.

Napangiti na lang ako. Napakaganda sa pandinig ang malakas niyang halakhak. Para bang lahat ng dinaramdam ko'y nabubura sa puso't isipan ko.

Totoo nga ang sinasabi nila na ang anak ang magbibigay ng lakas at kasiyahan sa buhay mo. Aaminin ko na hindi madaling maging isang ina.

Naranasan ko lahat ang pinagdaanan ni Stella noong pinagbubuntis niya si Zairus. Tanging sa litrato lang ako nakatanaw dahil pinaglilinhan ko si Mask.

Palagi na lang akong umiiyak kasi gustong-gusto ko talaga siyang makita at mayakap. Pero wala akong magagawa kundi ang magtiis dahil kasalanan ko rin naman.

Pinagtabuyan ko siya sa iba sa mismong araw ng kasal naming dalawa.

Alam kong kinamumuhian niya ako, tatanggapin ko lahat ang masasakit na salitang bibitiwan niya sa oras na magkita muli kaming dalawa.

Hindi naging madali ang buhay ko rito sa States. Lalo na't nagdadalang-tao ako. Kahit na malaki na ang tiyan ko'y pumapasok pa rin ako kasi gusto ko talaga na makatapos ng pag-aaral para sa anak ko.

Minsan ay nag-part time na rin ako sa isang cafe shop. Tiniis ko ang reklamo ng mga customer para lang hindi ako maalis sa trabaho.

Nagtapos ako ng kursong Marketing Management, yes. About business. Dahil sa oras na pagtuntong namin ng Pilipinas. May business nang naghihintay sa 'kin

Isang restaurant kung saan si Papa ang nagpatayo para lang sa 'kin. Kasalukuyan na ang empleyado niya muna ang humahawak nito hangga't hindi pa kami umuuwi ng Pilipinas.

"Good morning, sweetie..."

Napahawak ako sa dibdib nang biglang sumulpot sa harapan ko si Asher. Sobrang lawak ng ngiti niya sa naging reaksyon ko kaya pinaningkitan ko siya ng tingin.

Mukhang siya ang kalaro ng anak ko.

"Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot, ha? Paano kung may sakit pala ako sa puso? Edi namatay na ako sa gulat!"

Tumingkayad ako para mapisil ko ang kaniyang tainga. Napangiwi naman siya sa ginawa ko.

"Oh sh*t! I am sorry... hindi na mauulit..."

"Mommy, don't hurt my Daddy..."

Niyakap ni Kayren sa binti si Asher. Namumuo na rin ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa pananakit ko sa so called Daddy niya.

Lumuhod naman ako para magkapantay kaming dalawa.

"Good morning, baby..."

Lumapit na siya sa 'kin at niyakap ako. Napangiti naman ako kasi sinalubong niya rin ako ng halik.

"Good morning, mommy. I love you... always and forever.."

Hinaplos ko ang kaniyang mukha. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking mga labi. Magkahawig sila ni Mask lalo na sa singkit nilang mga mata. Manipis na mga labi at sa matangos na ilong.

"Daddy, do you love my Mommy?"

Pinaningkitan ko ng tingin ang anak ko. "Kayren Me—"

"Yes, baby.. I love your Mommy... siyempre pati ikaw baby, super love ko rin.."

Napalingon ako kay Asher na sobrang lapad ng ngiti kaya lumabas ang dimple niya.

He is handsome, yes. I admit it. Singkit din ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, maputi ang balat at manipis ang kanyang mga labi. Matangkad din na halos hindi pa ako lumampas sa balikat niya. Medyo kulot ang buhok niya na bumagay naman sa kaniya.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon