Chapter 35

35.2K 1.2K 1.8K
                                    

Chapter 35

"Marcus..."

Nanatili ang tingin ko sa harapan ng salamin. Nakayakap pa siya sa aking likuran. Nakasubsob ang kaniyang mukha sa aking leeg at ramdam ko ang paglapat ng mga labi niya roon.

Napailing na lang ako. Nasanay na ako na palagi niyang pinupuntirya ang leeg ko.

"Hmm..."

"Paano kung lumaki na ang tiyan ko, maganda pa rin ba ako sa paningin mo?"

Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa aking tiyan na wala pa ring bahid na nagbubuntis ako. Kung titingnan ay hindi talaga aakalain na nagdadalang-tao ako.

"Yes. Of course, honey, pregnant or not. You're still beautiful... so damn beautiful..."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nakatanaw na rin siya sa salamin para lang makita ako.

I was wearing a white dress, medyo mababa sa dibdib kaya lumalantad ang cleavage ko. Hinayaan ko naman na nakalugay ang mahaba kong buhok.

I also put light makeup. Mas simple, mas maganda.

"Ikaw, Gianna, ikaw ang pinakamagandang tanawin na gusto palagi na makita ng mga mata ko..."

Iniharap niya ako sa kaniya. Halos mapunit na ang mga labi ko sa sobrang pag-ngiti.

"Isang tanawin na kailanma'y hindi ko pagsasawan na pagmasdan at hangaan sa angking kagandahan..."

Dinala ko ang isang palad ko sa kaniyang pisngi. "Kinikilig ako..."

Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Mas lalo akong napangiti nang marinig ang malakas na tibok ng puso niya na ako ang dahilan.

"The day I met you was the beginning of everything..." he whispered.

Ikinulong niya ako sa kaniyang bisig. Naramdaman ko rin ang marahan niyang paghalik sa aking ulo.

Sana palagi na lang kaming masaya.

Sana wala nang humadlang pa sa pagmamahalan naming dalawa.

Ang nais lang namin ay mabuo kaming pamilya at maging maligaya.

Pero bakit parang ayaw ibigay sa amin ang kasiyahan na gusto namin na matamasa?

Lahat nang iyon ay pilit na ipinagdadamot sa aming dalawa.

"Like this mommy?"

She smiled wider while her eyes closed. Humalakhak naman kaming lahat sa kaniya.

Kasalukuyan itong buhat ni Marcus. Hindi na rin mapawi ang ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan ang anak namin.

He was wearing a white polo shirt and a pair of white pants. Habang ang suot naman ni Kayren ay pink na dress na may design na mga bulaklak.

"Ang cute naman ni baby," sabi ng babaeng photographer.

"Talaga po? Cute po ako?"

She giggled. Mabilis na tumango ang photographer sa kaniya. "Yes baby, sobrang cute mo. Gosh, ang sarap pisilin ng mga pisngi mo..."

Halata sa mukha nila ang panggigigil sa anak ko. Nilapitan ko na silang mag-ama at pinunasan ang pawis ni Kayren.

We will having a family portrait. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman ko sa oras na ito.

Kahit sa picture lang, mabuo kaming pamilya. Umaasa ako na malalampasan namin ang lahat ng problema na kinakaharap naming dalawa para sa mga anak namin.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon