Chapter 12

43.9K 1.5K 1.3K
                                    

Chapter 12

"Is something bothering you?"

Napalingon ako kay Asher na ngayon ay nag-aalala nang nakatingin sa 'kin. Pinilit kong ngumiti para huwag na siyang mag-aalala pa.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil.

"Wala naman, inaantok lang ako."

I chuckled.

"Gusto mo bang umuwi na lang tayo? Marami pa namang araw para—"

"No way. Siguradong kanina pa tayong hinihintay ng fashion designer. Excited na akong pumili ng wedding dress."

Hinalikan niya ang palad ko.

"I can't wait to marry you..."

Sumilay na ang ngiti sa kaniyang mga labi. Kumirot ang puso ko habang pinagmamasdan siya. Tanging ngiti lang ang naibigay ko sa kaniya bago ko muling ibaling ang tingin sa bawat daraanan namin.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Nilingon ko muna si Asher na busy sa pagmamaneho bago ko muling itinuon ang tingin sa message na natanggap ko

Mask:

I love you, honey, miss na miss na kita...

Napahigpit ang hawak ko sa phone. Nanuyo rin ang lalamunan ko. Hindi ko na ito nagawa pang reply-an kasi muli kong tinuon ang tingin sa bawat daraanan ng sasakyan.

Halos isang linggo na ang lumipas noong huli kaming magkasama. Hindi na kami muling nagkita pa dahil binabantayan nito si Tito.

Maayos na si Tito pero nananatili pa rin ito sa ospital. Hindi pa rin ito masyadong makagalaw dahil sa tindi na natamo nang mangyari ang insidente.

"Let's make love..."

Napaawang na lang ang bibig ko.

"W-What—"

He kissed me.

Wala akong nagawa kundi ang gumanti sa bawat halik na binibigay niya. Pinalibot ko pa ang aking mga braso sa kaniyang batok para mas lalo siyang madiin sa 'kin.

Naramdaman ko rin ang paglalakbay ng palad niya sa loob ng damit ko.

Mahal ko siya, sobrang mahal na mahal ko pero mali ang ginagawa namin. Isang malaking kasalanan ang namamagitan sa aming dalawa

"W-We can't..."

Bahagya ko siyang itinulak kaya napaawang ang bibig niya sa gulat.

"Hone-"

"Hindi natin puwedeng ipagpatuloy ang namagitan sa ating dalawa dahil napakalaki nitong kasala-" he cut me off.

"I don't fucking care as long as I am with you. Handa akong maging makasalanan, makasama lang kita kasi ikaw ang kasiyahan ko. Ikaw lang ang babaeng nagpapasaya sa buhay ko."

Muli niya akong ikinulong sa bisig niya. Hindi ko mapigilan na maluha kasi gusto ko, gusto ko talagang makasama siya nang walang taong humahadlang sa aming dalawa.

I wanna be with him for the rest of my life, with our daughter.

But how? Paano pa kami lalaban kung ang tadhana'y pilit kaming pinaglalayong dalawa? Pilit na dinadala sa taong hindi naman talaga namin mahal.

"Nagseselos ako, sobrang nagseselos ako sa gagong iyon kasi siya ang madalas mong nakakasama. Ako dapat ang nasa lugar niya, ako dapat ang nag-aalaga sa 'yo... Ako dapat ang ama ng anak mo..."

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon