Chapter 39

30K 1.2K 2.1K
                                    

Chapter 39

"Perfect! Such a beautiful bride..."

Iniharap ako ng bading na makeup artist sa salamin matapos niya akong ayusan. Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan ang sarili ko.

Hindi ko akalain na muli kong makikita ang sarili kong nakasuot ng wedding dress.

Palobo ang ibaba habang hindi naman gaanong hapit sa aking bandang tiyan kasi ayokong maipit ang baby ko. Labas din ang magkabilang balikat ko kaya lumalantad ang aking cleavage.

Naka-bun ang buhok ko habang may nakalaylay na ilang hibla sa magkabilang gilid.

"Oh no, gurl, huwang kang umiyak, baka masira ang makeup mo..."

Mabilis siyang kumuha ng tissue at pinunasan ang ibaba ng aking mga mata para pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Pasensiya na, hindi ko lang mapigilan na maluha..."

I chuckled. Patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha ko.

"Well, sabagay, halos lahat naman ng inaayusan ko'y napapaiyak din sa tuwa kasi sa wakas ay ikakasal na sila sa lalaking kanilang minamahal..."

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako umiiyak nang dahil kay Asher, naluluha ako kasi naiisip ko si Marcus.

Na sana siya ang lalaking maghihintay sa 'kin mamaya sa altar at sabay kaming manunumpa sa harapan ng Panginoon.

Ngunit hindi na maaari pa at wala na akong balak pa na ipagpilitan ang sarili namin sa isa't isa.

"Ang suwerte mo, gurl, sa magiging asawa mo. Gosh! Sobrang iniidolo ko iyon dahil sa galing nitong modelo. Pumunta pa talaga ako sa States para lang magpa-autograph sa kaniya at halos tumulo ang laway ko nang masaksihan ang angkin nitong kaguwapuhan..."

Ipinikit niya pa ang kaniyang mga mata na para bang nagde-daydream. Napailing na lang ako kasi hindi na naman nakapagtataka kung marami ang humahanga kay Asher.

Marami na rin ang nakaalam na narito siya sa Pilipinas. Halos hindi na nga magawa pa na makapunta ni Asher sa Restaurant kasi pinagkakaguluhan na siya.

"Oh, ayan na pala ang ating flower girl. Manang mana kay Mommy ang kagandahan..."

Hindi ko mapigilan na mapangiti nang masilayan si Kayren. She was wearing a white dress. Mayroon din na flower crown sa kaniyang ulo.

"Wow, baby, you're so pretty..."

She giggled. Mabilis naman siyang lumapit sa 'kin at pinagmasdan ako.

"Maganda ba si Mommy?" tanong ng makeup artist.

Mabilis itong tumango. "Super na super na super ganda po ni Mommy..."

Nagtatalon ito kaya humalakhak na lang kaming dalawa. Muling bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Gennica na sobrang lapad ng ngiti.

"Wow, ang ganda naman ng bride! Pero ngayon lang iyan, bukas ay hindi na dahil na sa 'kin na ulit ang korona..."

Hinawakan niya pa ang magkabila kong balikat habang pinagmamasdan ako. Nanatili pa rin ang malapad niyang ngiti kaya napataas ang isa kong kilay.

Akala ko ba'y tutol siya sa kasal namin ni Asher? Pero bakit mukhang siya pa ang mas masaya ngayon?

She was wearing a maroon dress, kasi iyon ang motif namin ni Asher sa aming kasal. Sobrang hapit nito sa kaniya at labas din ang kaniyang magkabilang balikat. Nakikita din ang kaniyang cleavage. Hinayaan niya naman na nakalugay ang mahaba niyang buhok na kinulot pa talaga ang laylayan.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon