Chapter 5

44.3K 1.8K 626
                                    

Chapter 5

Pinagmasdan ko ang anak ko na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Mapait akong napangiti nang maalala ko ang huling tagpo naming dalawa ni Mask.

Balewala na lang ako para sa kaniya, punong-puno ng galit ang nararamdaman niya sa 'kin.

I can't blame him, I really can't because this is all what I deserved. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasan na masaktan.

Kasi hanggang ngayon... siya pa rin talaga, siya pa rin ang laman ng puso ko.

"Mommy..."

I wiped my tears away. Nilingon ko ang anak ko na ngayon ay nakatingin na sa 'kin. Nakakunot ang noo niya na sa palagay ko'y nakita n'ya akong umiiyak.

"Umiiyak ka po ba, Mommy?"

Hinaplos ko ang pisngi n'ya. "No baby, I am not crying.. Inaantok lang si Mommy..."

Nagulat ako nang punasan niya ang pisngi ko na sa tingin ko'y may naiwan na bakas nang luha ko.

"I love you, Mommy..."

Pinigilan ko na maluha sa harapan niya. Nasasaktan ako kasi nilayo ko siya sa Daddy niya. At mukhang mas lalo ko pa siyang ilalayo kasi napagdesisyunan ko na huwag na lang sabihin ang totoo kay Mask.

Sobra ang galit niya sa 'kin at baka sa oras na malaman niya na may anak kami. Magawa niyang ilayo sa 'kin si Kayren. Hindi ko kakayanin kapag nangyari iyon.

I will do everything to make her happy. Kahit pa wala sa tabi niya ang Daddy niya.

"Mahal na mahal ka rin ni Mommy.."

Napangiti siya sa sinabi ko. Marahan ko muling hinaplos ang kaniyang buhok.

"You should sleep na baby, may pasok ka pa bukas sa school, 'di ba?"

She pouted. "But, Mommy. I don't wanna go to school..."

"Why baby? Kailangan mong pumasok para marami—"

"Because you need me, mommy. I will do everything to make you happy.."

Halos mapunit na ang mga labi ko sa sobrang pag-ngiti sa sinabi niya. Pakiramdam ko'y napawi lahat ang sakit na nararamdaman sa puso ko.

"Happy si Mommy, baby, masaya ako na dumating ka sa buhay ko..."

I kissed her forehead. Inayos ko na rin ang pagkakahiga niya kasi nawala na sa unan ang ulo niya.

"You're the best mommy in the whole universe..."

Mahigpit niya akong niyakap. Pinaulan ko siya ng halik sa noo niya. Pero bago siya tuluyang makatulog sa tabi ko.

May sinabi siya na nakapagpatigil sa 'kin.

"I wanna meet him, Mommy... My real daddy.."

What should I do?

Ang anak ko na mismo ang naghahangad na makilala niya ang sarili niyang ama.

Ang Daddy niya na may ibang pamilya.

"I'm sorry, baby, but I can't..."

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya. "I really can't..."

***

"Oh god."

Napalingon sila sa 'kin sa bigla kong paghiyaw. Dahil lipad ang utak ko'y hindi ko napansin na may kasalubong akong isang waiter kaya nagpatakan ang lahat ng nasa tray na dala niya.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ng anak ko na gusto na niyang makilala ang sarili niyang ama.

Alam kong kukulitin niya ako tungkol sa bagay na iyon.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon