Chapter 49

39.3K 1.4K 1.9K
                                    

Chapter 49

"I said I'm not hungry!"

Tinabig niya ang hawak kong mangkok kaya natapon ang pagkain sa sahig. Muli itong humiga habang nakatalikod sa 'kin kaya malakas akong napabuntonghininga.

Marahan kong hinaplos ang aking tiyan nang maramdaman ang malakas na pagsipa ni baby mula sa sinapupunan ko. Time flies really fast. Sa sobrang bilis ng araw ay hindi ko namalayan na kabuwanan ko na pala ngayon.

Anumang oras o araw ay maaari na naming makasama ang batang nasa loob ng sinapupunan ko.

Hindi ako magawang hiwalayan ni Marcus kasi natatakot siya na baka bigla na lang akong mapaanak ng wala sa oras. Siyempre sobrang excited ang lalaking iyon na mabuhat at makita ang anak namin.

Maging si Kayren ay hindi na rin makapaghintay pa na makasama ang kaniyang kapatid.

"Please, Zairus, kailangan mong kumain para mapabilis ang pag-"

"I just wanna die so please, leave me alone! Hindi ko kayo kailangan!"

Kumirot naman ang puso ko sa kaniyang sinabi. Umupo ako sa gilid ng kama at marahan na hinahaplos ang kaniyang balikat. Naririnig ko naman ang mahina niyang paghikbi.

"I-I just wanna die... P-Pagod na pagod na po akong labanan ang sakit na ito..."

Mas lalo pang lumakas ang kaniyang paghikbi. Hindi ko na napigilan na pumatak ang aking mga luha. Sa bawat araw na dumarating ay palagi niya na lang sinasabi na gusto na niyang matapos ang kaniyang buhay kasi pagod na pagod na siyang lumaban pa.

Halos dalawang buwan na ang nakalipas noong nawala sa piling niya si Stella pero parang sariwa pa rin sa kaniya ang lahat.

Hindi niya pa rin matanggap na iniwan na siya ng kaniyang ina. Palagi niya na lang sinisisi ang kaniyang sarili kasi iniisip niya na kaya tinapos ni Stella ang kaniyang buhay dahil pagod na itong alagaan siya.

Masyado na raw siya pabigat kay Stella.

"Nandito ako, Zairus, nandito kami para samahan kang lumaban. Kami na ang pamilya mo. Ipinapangako ko sa 'yo na hindi kami mawawala sa tabi mo..."

Humiga ako sa kama at ikinulong siya sa bisig ko. Hinihintay ko na ipagtabuyan niya ako na madalas niyang ginagawa pero hindi niya ginawa. Mas lalo pang lumakas ang kaniyang paghikbi dahil sa yakap ko.

Na siguradong iniisip niya na sana ang kaniyang ina na lang ang nakayakap sa kaniya ngayon.

"W-Why did you leave me, Mommy? Am I not a good son?" he mumbled.

Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya habang kumikirot ang aking dibdib. Alam ko na torture para sa kaniya ang bawat araw na dumarating na hindi niya nasisilayan si Stella.

Na hindi na niya kasama pa ang mahalagang tao sa kaniyang buhay na gusto niyang makasama na lumaban.

"We love you, Zairus, mahal ka ni Mommy..."

I kissed his forehead. Kasalukuyan na siyang natutulog sa tabi ko. Bigla siyang humarap sa 'kin at niyakap ako.

Hindi ko magawang alisin ang titig sa kaniya. Sobrang napamahal na ako kay Zairus kahit na hindi ko naman siya totoong anak.

Wala siyang naging kasalanan sa aming dalawa ni Marcus. Naramay lang siya kay Stella at alam ko na naging masaya si Zairus nang makasama niya si Marcus bilang isang ama.

"M-Mommy..." he mumbled.

Mas lalo pang humigpit ang kaniyang yakap habang may tumutulo nang luha sa kaniyang mga mata. Marahan ko namang pinunasan iyon.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon