PROLOGUE

101K 2.6K 2.2K
                                    

Prologue

"I'm sorry baby, I am really sorry..."

Walang tigil sa pagbuhos ang aking mga luha habang hinahaplos ang lapidang nasa harapan ko.

Palaging sumasagi sa isip ko ang katanungang, bakit ako? Bakit kailangan kong maranasan ang bagay na 'to? Bakit kailangan kong magdusa nang ganito?

Bakit kailangang kuhanin ang anak ko at dalhin sa lugar kung saan hindi ko na siya muling makikita pa, mayayakap at mahahalikan pa?

Ang kaniyang pag-iyak na naging musika sa pandinig ko, hindi ko na muling maririnig pa.

Ang anak namin ng lalaking mahal ko.

"I'm sorry, baby, walang nagawa si Mommy para ipaglaban ka..."

Naramdaman ko ang pagpatak ng likido na nagmumula sa kalangitan, na mukhang sinasabayan ang kalungkutan na aking nararamdaman.

Bawat araw sinisisi ko ang sarili ko. Kung sana naalagaan ko lang ang sarili ko, kung sana naging maingat ako.

Narito pa sana siya sa bisig ko at yakap ko. Ang bunga ng pagmamahalan namin ni Marcus.

"Mairah Kessandra Arellano..."

Napahawak ako sa aking dibdib sa sakit na nararamdaman ko. Sa tuwing pinagmamasdan ko ang pangalan ng anak namin, pakiramdam ko'y sinasaksak ang puso ko.

Hindi niya man lang nakuha ang apelyido ng kaniyang ama dahil sa pagiging makasarili ko.

Kung sana lumaban lang ako, kung sana ipinaglaban ko ang pagmamahalin naming dalawa. Masaya sana kami ngayon. Pero hindi... kasi naging mahina ako.

Mahina ako para ipaglaban ko ang pagmamahalan naming dalawa.

It's been 6 years.

Sa loob ng anim na taon, walang araw na hindi siya nawala sa isipan ko. Lalo na sa masayang alaala naming dalawa.

Paano ko siya ma-kalilimutan?

Ang lalaking nagparamdam sa 'kin ng pagmamahal, ang lalaking takot na mawala ako sa buhay niya pero nagawa ko pa rin na umalis sa tabi niya at ipagtabuyan siya sa iba.

It hurts. So damn hurts.

Pero kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko! Kaya nararapat lang na masaktan ako nang ganito.

My life has been miserable because of the decision I made. Pinagsisihan ko lahat ng katangahan na ginawa ko.

At ngayon, pati ang anak namin... kinuha na ni Lord. Ang anak ko na hindi na nasilayan pa ang kaniyang ama. Wala man lang akong nagawa kundi ang umiyak at sisihin ang sarili ko.

"I still love you, Marcus... Mahal na mahal pa rin kita kahit hindi na puwede..."

Hinaplos ko ang nakangiti niyang mukha sa litratong hawak ko. Paglipat ko, napangiti na lang ako nang makita ang picture naming dalawa.

Noong araw na kinuhanan kami ni Gennica ng litrato habang ang background namin ay ang sunset. Kung saan nasa likod ko siya habang nakakulong ako sa kaniyang bisig.

Ang memorya naming dalawa ay tanging sa litrato't sa isipan ko na lang maibabalik pa kasi kasal na siya. Kasal na sila ni Stella.

Masakit. Pero ito naman ang gusto ko. Ang mabuo sila kahit na alam ko na sobra kong pagdurasahan.

Nandito na ako ngayon sa tinutuluyan namin ni Gennica. Gusto ko pa sanang manatili sa cemetery pero sobrang lakas na ng buhos ng ulan.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humahalik sa buo kong mukha na ikinangiti ko.

"Mommy....."

Nang imulat ko ang aking mga mata'y bigla siyang dumagan sa 'kin. Patuloy pa rin siya sa paghalik sa aking mukha.

"Oh, my God, baby!"

She giggled and looked away.

Hinaplos ko ang mukha ko na punong-puno ng chocolate. Nilingon ko ang babaeng kakapasok lang ng kuwarto ko na ngayon ay ang lapad ng ngisi.

May dala siyang paper bag na sa tingin ko'y puro laruan ang laman.

"Gennica!"

Pinaningkitan ko ng tingin ang babaeng iyon. "What? Binigay ko lang naman ang gusto niya, ah. Alam mo naman na kahinaan ko ang pag-iyak ng maganda kong inaanak..."

Nilapag niya ang paper bag sa kama at mabilis na umalis kasi alam niyang mapapagalitan ko siya.

Nilingon ko naman ang anak ko na ngayon ay nakangusong nakatingin sa 'kin.

"God, baby ang amos mo..."

Mabilis kong pinunasan ang kaniyang bibig na punong-puno ng chocolate. Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko nang muli niya na naman akong salakayin ng halik sa buo kong mukha.

"Kayren Melody!"

"I love kissing you, Mommy.."

Niyakap niya ang mga braso sa 'kin habang nanatili pa rin ang kaniyang pag-nguso. Hinaplos ko naman ang mahaba niyang buhok.

"Why, baby?"

"Because I love you..."

Hindi ko na napigilan na ikulong siya sa bisig ko. Muli na namang bumuhos ang mga luha ko nang maalala ko si Marcus.

Ang kaniyang ama na walang ideya na nagbunga ang pagmamahalan naming dalawa.

Muling bumalik sa isipan ko ang alaala naming dalawa ni Marcus. Noong araw ng graduation.

"I love kissing you, honey..."

Hinawakan niya ang upuan at hinarap ako sa kanya. Hinaplos niya ang mukha ko. Hindi ko naman napigilan na mapangiti habang pinagmamasdan siya.

"Bakit naman?"

He held my chin up and looked straight into my eyes. "Because I love you..."

Humiwalay na ako sa yakap at marahan na hinalikan ang kaniyang noo.

"Do you want to meet your Daddy?"

Her eyes widened. "My Daddy? My real Daddy?"

I nodded. Hanggang ngayon ay namimilog pa rin ang kanyang mga mata sa sinabi ko.

"How about Daddy Asher? He loves you so much, mom---"

"He is not your Dad, baby... Nasa Phili-"

Napahinto ako sa pagsasalita nang mapansin na namumuo na ang luha mula sa kaniyang mga mata. Nanlambot naman ang puso ko kasi alam kong napalapit na talaga siya kay Asher.

"He is my Daddy... He loves me..."

Dumapa na siya sa kama kaya malakas akong napabuntonghininga. Niyakap ko na lang siya kasi alam kong mas lalo pa siyang maiiyak kapag pinagpilitan ko na hindi niya Daddy si Asher.

Hinalikan ko ang tuktok ng kaniyang ulo. "I love you, baby.." I whispered.

"I love you too, Mommy..."

I couldn't help but smile while staring at her. Manang-mana talaga siya kay Marcus na kahit na nagtatampo. Hindi pa rin nakakalimot na tugunan ang pagsabi ko ng I love you.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko na kumikirot na naman ang puso ko sa sakit.

Alam kong hindi ako mapapatawad ni Mask sa lahat ng nagawa ko. Pero gagawin ko ang lahat mapatawad niya lang ako.

Muli kong nilingon ang anak ko na mahimbing nang natutulog sa tabi ko habang yakap ako.

"I'm sorry, Marcus, I am really sorry, I lost her twin..."

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon