Chapter 25

35.4K 1.3K 1.6K
                                    

Chapter 25

"I am pregnant..."

Nanatili ang tingin ko sa harapan ng salamin habang pinagmamasdan ang tiyan ko na wala pang bahid na nagdadalang-tao ako.

Hindi ko mapigilan na maluha.

For Pete's sake, may pamilya na si Marcus tapos magkakaanak na muli kaming dalawa. Ano pang magiging lugar ng mga anak ko sa buhay niya?

Maging ang batang nasa sinapupunan ko'y maiipit din sa sitwasyon naming dalawa.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang nais ko lang ay ang malayo sa kaniya pero paano ko pa magagawa iyon?

Kung sa bawat araw ay siya ang hinahanap ko. Siya lang ang natatanging tao na pinaglilinhan ko. Ang ama ng mga anak ko.

"Ate..."

Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya. Natatanaw ko si Gennica mula sa salamin na nababakas sa mukha ang pag-aalala.

"Nandito lang ako para sa 'yo, para sa inyo. Aalagaan kita tulad ng pag-aalaga ko sa inyo noong nasa sinapupunan mo pa lang ang kambal. Masaya ako kasi meron na bagong dumating na blessing sa buhay natin..."

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. Nababakas din ang kasiyahan sa kaniyang mukha.

Nang malaman ko na may nabubuhay na sa loob ng sinapupunan ko. Siya agad ang una kong nilapitan.

Kahit na madalas kaming mag-asaran na dalawa. Alam kong hindi niya pa rin ako magagawang husgahan sa muling kinahinatnan ko.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ang isang tulad mo sa tabi ko."

Nag-init ang sulok ng aking mga mata Halos isang linggo na rin akong naging iyakin dahil sa pagbubuntis ko.

"Mag-aaway lang tayo, Ate, pero ang mag-iwanan ay kailanma'y hindi mangyayari. Kaya natin 'tong lampasan lahat nang magkasama..."

She wiped my tears.

"Nang magkahawak kamay..."

Hinawakan niya pa ang kamay ko at marahan na pinisil. Hindi ko na napigilan na yakapin siya at muling umiyak sa kaniyang bisig.

"Sobrang suwerte ko na meron akong isang kapatid na katulad mo..." I whispered.

Hinaplos niya ang likuran ko. "Nandidiri ako, Ate..." she chuckled.

Humiwalay na ako sa yakap at pinaningkitan siya ng tingin. "Alam mo panira ka talaga kahit na kailan!"

Mas lalo itong humalakhak. Pero nakikita ko talaga sa mga mata niya na may problema siya na hindi magawang sabihin sa 'kin lalo na't nasa ganito akong kalagayan.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Gennica.

Kasalukuyan na akong nasa harapan ng hapagkainan. Napailing na lang ako kasi wala akong mapiling kainin kahit na sobrang dami namang nakahain.

May gusto akong kainin pero hindi ko maisip kung ano. Pakiramdam ko'y bumabaliktad din ang aking sikmura habang pinagmamasdan ang lutong bahay na nasa harapan ko.

"May problema ba apo?"

I looked at him. Nababakas sa mukha nito ang pagtataka. Hanggang ngayon ay wala pa ring ideya si Lolo na nagdadalang-tao ako.

"Pasensiya na po, Lolo, pero wala akong ganang kumain."

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. Napataas naman ng isang kilay si Gennica habang nakamasid sa 'kin.

Kasalukuyan naman na nasa school si Kayren. Mabuti na lang talaga na nasanay na ito na nasa eskuwelahan.

"Seriously?"

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon