Chapter 21

38.2K 1.3K 1.2K
                                    

Chapter 21

"Wow, Mommy!"

Nagtatalon pa si Kayren sa kasiyahan habang yakap ang tatlong doll. Hindi na mawala pa ang ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan siya.

"Nagustuhan mo ba, baby?"

Mabilis siyang umapit sa 'kin. "Yes, Mommy, sobrang nagustuhan ko po..."

Bigla niya akong niyakap, lumuhod naman ako para madali ko siyang maikulong sa aking bisig.

"You know what, baby..."

Kasalukuyan ko na siyang kalong habang panay na ang halik ko sa kaniyang buhok. Hindi pa rin niya inaalis sa kaniyang bisig ang tatlong doll.

"Ano po, Mommy?"

"Bigay iyan ng isang tao na sobrang special sa buhay mo..."

Nilingon niya ako, namimilog pa ang mga mata. Hinaplos ko naman ang mahaba niyang buhok.

"My Daddy Asher!"

Napawi ang ngiti sa aking mga labi nang sabihin niya ang bagay na iyon. Nababakas ang kasiyahan sa kaniyang mukha habang kumikirot naman ang puso ko sa sakit.

Kasalanan ko rin naman kung bakit hindi niya kilala ang totoo niyang ama dahil pinaglayo ko sila sa piling ng isa't isa. Sobrang laki ng kasalanan ko sa kanilang dalawa, sa mag-ama ko.

"Mommy, gusto ko po na makausap si Daddy..."

She pouted.

"Baka busy si Daddy As-" she cut me off.

"Please, Mommy, I just wanna say thank you for the gift. I really love it..."

She giggled.

Alam kong sobrang masasaktan si Marcus sa oras na masaksihan niya kung gaano kasaya ang kaniyang anak sa tinuturin nitong ama.

"Please, Mommy, please..."

Namumuo na ang luha mula sa kaniyang mga mata. I sighed. Wala akong choice kundi gawin ang gusto niya.

Sa halip na si Asher ang tawagin ko, si Marcus ang i-dinial ko. Alam kong hindi makikilala ni Kayren na ibang tao ang kausap niya dahil hindi siya magaling makatanda ng boses ng isang tao.

Siguradong magugulat si Marcus sa oras na marinig na boses ng anak niya ang bubungad sa kaniya.

"Yehey!"

Nagtatalon pa ito habang hawak ang aking phone. Panay rin ang sulyap nito sa 'kin habang ang lapad pa ng ngiti.

"I love you, Daddy Asher!"

Napahampas ako sa noo nang marinig ang bungad nito kay Marcus. Humiga pa ito sa sofa habang yakap ang tatlong doll.

Hindi ko man nakita ang reaction ni Marcus, alam kong sobrang nasaktan ito kasi ibang pangalan ang binanggit ni Kayren.

"I really love it, Daddy..."

She giggled.

Umupo naman ako sa ulunan niya at marahang ipinatong ang kaniyang ulo sa aking lap. Panay rin ang haplos ko sa kaniyang buhok.

"I love you so much, Daddy!"

Hindi ko magawang ngumiti sa sinabi ni Kayren. Alam kong may ideya si Marcus na si Asher ang nasa isipan ng kaniyang anak.

Doble ang sakit no'n para sa kaniya.

"Baby, kukuha lang si Mommy ng milk mo, ha?"

I kissed her forehead. Kasalukuyan niya pa rin na kausap sa kabilang linya si Marcus. Wala siyang ideya na ang totoo na niyang ama ang kaniyang kausap.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon