Chapter 45

39.1K 1.4K 1.9K
                                    

Chapter 45

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang aming family picture. Walang makakapantay sa kasiyahang nararamdaman naming tatlo habang nakaharap sa camera.

"Marcus..." usal ko.

Marahan kong hinaplos ang kaniyang mukha sa litrato. Nababakas sa kaniya ang lubos na kasiyahan. Gagawin ko talaga ang lahat para lang makabawi ako sa lahat ng kasalanan ko.

Para lang muli kong masilayan ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi na ako ang dahilan.

"Daddy..."

Napalingon ako kay Kayren nang marinig ko ang boses nito. Kasalukuyan siyang natutulog na siguradong kasama sa panaginip niya ang kaniyang ama.

Marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok. Ilang beses niyang binanggit iyon habang ang higpit ng kaniyang yakap sa bear na binigay sa kaniya ni Marcus.

Parang may gumuhit naman sa aking dibdib habang pinagmamasdan siya.

"I am sorry, baby, pero kailangan pa magpagaling ni Daddy sa ospital. Pangako ko anak na muli kayong magkakasamang dalawa."

Dinampian ko ng halik ang kaniyang noo. Kahit na ang himbing ng kaniyang tulog, nahahalata pa rin sa kaniyang mukha ang kalungkutan.

Sobrang miss na miss na talaga niya ang kaniyang ama. Hindi pa pinapayagan ng Doctor na umuwi si Marcus kasi masyado pa itong mahina.

Nahihirapan pa rin itong makalakad at sobrang nasasaktan ako na makita ang lalaking mahal ko na nasa ganoong kalagayan.

"Wow! Isa ba itong himala?"

Napahawak siya sa kaniyang dibdib nang maring ang boses ko. Napataas naman ang isa kong kilay.

"Bakit? Masama na bang magluto, ha? Ang sarap kaya ng niluluto ko..."

Sobrang lapad ng kaniyang ngisi na halatang ipinagmamalaki ang kaniyang niluluto. Isinandal ko ang aking likuran sa dingding habang naka-cross arm na nakatingin sa kaniya.

"Talaga ba? Ano ba ang niluluto mo?"

Mas lalo pang lumapad ang kaniyang ngisi. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti kasi nakikita ko siyang ganito.

Sana lang ay tuluyan nang napawi ang sakit sa kaniyang dibdib na mas ninanais niya na lang na kimkimim para lang huwag na akong mag-alala pa.

"Jumbo hotdog and two eggs..."

My lips parted. Nanatili naman ang kaniyang ngisi na may kasama pang pagkembot habang binabaliktad ang itlog.

"Seriously? Ipinagmamalaki mo na iyan? Kahit sino kayang lut—"

"So what? At least marunong na akong magluto kaya puwedeng-puwede na akong mag-asa— ouch naman, Ate!"

Patuloy lang ako sa pagpisil sa kaniyang tainga. "Hindi pa kita pinapayagan na mag-asawa!"

Inalis ko na ang pagkakapisil sa kaniyang tainga nang mapansin ko na sobrang pula na. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"At bakit, ha? Susumbong kita kay Da—" I cut her off.

"...kasi ako muna..."

She raised a brow. Sumandal naman ako sa sink habang may pait sa aking mga labi.

"Papakasalan ko ang lalaking mahal ko at tutuparin ang pangarap namin na mabuo kaming pamilya..."

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hinawakan naman ni Gennica ang kamay ko at marahan na pinisil.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon