Chapter 46

40.6K 1.3K 1.7K
                                    

Chapter 46

"I have a surprise for you, baby..."

Namilog naman ang kaniyang mga mata sa sinabi ko. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti kasi alam kong sobra siyang matutuwa sa ipapakita ko.

"Surprise? Really po, Mommy? I am so excited!"

Nagtatalon pa siya sa sobrang kasiyahan na nararamdaman. Maging si Gennica'y hindi na rin mapigilan ang ngiti habang pinagmamasdan ang kaniyang inaanak.

Alam niya na okay na kami ni Marcus pero wala pa rin siyang ideya na engaged na kami. Maging si Dad ay hindi pa rin na alam ang tungkol sa bagay na iyon kasi gusto namin silang surpresahin.

Nakakalungkot lang at wala na rito si Lolo pero alam kong ginagabayan pa rin kami nito at masaya siya ngayon para sa amin.

"Close your eyes, baby..."

Mabilis niya naman ipinikit ang kaniyang mga mata. Malapad ang kaniyang ngiti kasi sobrang excited talaga siya sa surpresa ko.

"Seriously?"

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para lang pigilan ang pagtawa nang mapansin na pawisan ito. Hindi rin siya makapali sa kaniyang kinatatayuan.

Mabuti na lang pinayagan na siyang makauwi ng Doctor pero kailangan niya pa rin na mag-ingat. Mayroon pa rin siyang mga galos lalo na sa kaniyang katawan na posible naman daw na maalis pa.

"Shit. Kinakabahan talaga ako na baka galit sa 'kin ang anak ko... Ang tagal kong hindi nagpakita sa kaniya..."

Pumunta siya sa harapan ko at isinubsob ang kaniyang mukha sa aking balikat. Marahan ko naman na hinaplos ang kaniyang likuran.

"Don't be nervous... alam kong hindi nagtanim ng galit sa 'yo ang anak mo. Siguradong matutuwa iyon sa oras na makita ka kasi miss na miss ka na talaga ni Kayren..."

Hinarap na niya ako at pinaglapat ang noo naming dalawa. Ramdam ko talaga ang kaba sa kaniya na baka galit sa kaniya ang anak namin na imposible naman na mangyari.

Kung posible man, siguradong tampo lang iyon. Madali namang makuha ang loob ni Kayren.

"Good luck kiss, honey, I need your go-"

Hindi ko na siya pinatapos pa na magsalita kasi siniil ko na siya ng halik. Hinapit niya naman ako papalapit sa kaniya habang nagpapalitan na kami ng mainit na halik.

"Landian pa more! Baka nakalilimutan n'yo na naghihintay na si Kayren sa loob! Unahin n'yo muna ang inyong anak bago ang mga sarili n'yo! Gosh! Sakit n'yo sa maganda kong cutics!"

Marahan kong itinulak palayo si Marcus nang marinig ang boses ni Gennica. Nakataas pa ang kilay nito samantalang halata naman sa mukha ni Marcus ang pagkabitin.

He licked his lower lip. "Tangina, bitin."

Napailing na lang ako sa kaniya. Pinuntahan na namin si Kayren na nakanguso na habang nanatiling pikit ang mga mata.

Siguradong naiinip na siya. Napahampas naman ako sa aking noo kasi mas inuna pa namin na maglandian ng Daddy niya.

"Mommy? Why so tagal po? Open ko na po ba eyes ko?"

Siniko ko si Marcus na tahimik lang na nakatingin kay Kayren. Napansin ko ang pamumuo nang luha sa kaniyang mga mata.

Sobrang namimiss niya na rin ang anak namin.

"Open your eyes, baby..."

Iminulat na niya ang kaniyang mga mata nang marinig ang boses ko. Napansin ko na natigilan siya nang makita ang lalaking katabi ko.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon