Chapter 38

31.2K 1.1K 1.8K
                                    

Chapter 38

"Hindi pa rin ba kayo mag-uusap na dalawa?"

Walang kumibo sa aming dalawa ni Gennica. Nanatiling nakatuon ang aming pansin sa TV habang isang dipa ang agwat namin.

Parang hindi kami magkakilala kasi hindi talaga kami nagpapansing dalawa. Hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin siya sa 'kin.

Sinubukan ko naman siyang amuhin gamit ang mga paborito niyang pagkain pero nagmamatigas talaga siya.

"Kapag hindi pa kayo nagbati na dalawa, matitikman niyo talaga ang hagupit ng tungkod ko!"

Hinampas ni Lolo ang kaniyang tungkod sa sahig kaya napahawak kaming dalawa sa aming dibdib.

Alam namin na hindi magagawa iyon ni Lolo kasi kailanma'y hindi niya kami nagawang pagbuhatan ng kamay.

Mukhang nahihirapan na siya na makitang hindi kami nagpapansinan na magkapatid.

"Nakakainis kasi ang babaeng iyan! Wala nang ibang pinakinggan kundi ang sarili niya! Gumagawa ng desisyon na alam kong pagsisihan niya rin sa huli!"

Dinuro niya pa ako kaya napaawang ang aking bibig.

"Sa tingin mo ba'y hindi ko pinag-isipang mabuti ang mga desisyon ko? Oh yes, I know masasaktan lang ako sa huli pero alam kong ito ang tam—"

"Tamaan ka sana ng bulalakaw nang matauhan ka!"

She rolled here eyes. Inabot ko naman ang unan at ibinato sa kaniya. Gaganti na sana siya nang maaalala niya na buntis ako kaya pinaningkitan niya na lang ako ng tingin.

"Nakakainis!" asik niya.

Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa unan. Napalingon ako kay Lolo na naiiling na lang na nakatingin sa amin.

"Paano ako makaka-alis kung ganiyan kayong dalawa, ha? Hangga't maaga pa'y tapusin n'yo na ang gulo sa pagitan niyong magkapatid."

Namilog naman ang aming mga mata sa sinabi ni Lolo.

"What? Aalis ka po, Lolo?" Gennica asked.

"Iiwanan niyo na po ba kami?" I asked.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Lolo kaya napuno ng kaba ang aking dibdib. Hindi ko namalayan na lumapit na pala sa 'kin si Gennica.

"Hindi kaya mag-aasawa na ulit si Lolo?" she mumbled.

"Baliw ka ba? Kailanma'y hindi niya magagawang palitan si Lola kasi ito lang ang babae sa puso niya..."

Tumango naman siya sinabi ko. Ilang saglit lang ay namilog ang kaniyang mga mata.

"Don't tell me, Lolo? Nakabuntis ka ng isang katulo—"

"Ano ba naman kayo mga apo? Tatae lang naman ako. Bakit narinig kong mag-aasawa na ako't ang malala pa'y nakabuntis ako, ha? Sa tingin niyo ba'y may lakas pa ako para gawin iyon? Saka mahal ko ang Lola niyo at kahit wala siya sa tabi ko. Siya lang ang babaeng mamahalin ko..."

Hindi naman namin napagilan na mapangiti. Nababakas sa kaniyang mukha ang lubos na pagmamahal kay Lola.

"Talaga po? Pero bakit ang hilig niyong magbasa ng magazine na puro naka-bikini ang mga baba—" he cut her off.

"Nagkataon lang mga apo na may ganoon na litrato..."

Napataas ang isa naming kilay. Nag-iwas naman ng tingin si Lolo habang namumula ang kaniyang magkabilang tainga.

"Ah, nagkataon lang po pala na mahigit sa 50 magazines niyo ang mayroon na naka-bik—" he cut me off.

"Hindi ko na kaya mga apo, natatae na talaga ako."

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon