Chapter 14

38.7K 1.4K 1.5K
                                    

Chapter 14

"Where's Daddy Asher?"

Nilibot niya ang tingin sa paligid para hanapin si Asher. Napatingin ako kay Gennica na ngayon ay halata sa mukha ang pag-aalala.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng hacienda. Kanina pa naghihintay ang anak ko na dumating si Asher kasi nasanay na talaga siya na tuwing umaga'y sinusundo kami nito.

"Busy lang si Daddy, baby..."

Marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok. Napanguso naman siya sa sinabi ko.

"Hindi na niya po ba tayo love?"

Namumuo na ang luha mula sa mga mata niya kaya nataranta na ako. Gusto kong saktan ang sarili ko kasi kasalanan ko 'to.

Halos tatlong araw nang hindi nagpapakita si Asher. Sinabi niya na binisita niya lang ang kamag-anak nila na nasa Pampanga.

Alam kong iniiwasan ako nito ako dahil sa nasaksihan nang gabing iyon. Nasaktan ko na naman siya na hindi niya naman deserve na maramdaman.

"Love niya tayo, baby... May kailangan lang tapusin si Daddy para mas mahabang oras na ang ilaan niya para sa atin."

"I miss him, Mommy, miss na miss ko na si Daddy..."

Pinunasan ko ang luhang bumagsak na mula sa kaniyang mga mata. Tuwing gabi ay hinahanap niya si Asher lalo na't gusto niyang kantahan siya muli nito ng lullaby.

Hindi ko naman masabing na ang totoong Daddy niya ang kumanta ng lullaby nang gabing iyom.

Speaking of him.

Hindi na muli pa ito nagpakita kasi naging busy na sa kompanya nila.

Pero hindi pa rin ito nakalimot na i-message ako na hindi ko naman magawang reply-an.

Kailangan ko na talaga itong iwasan kasi baka hindi ko mapigilan na hanap-hanapin siya.

"Good luck, baby, sa exam. You can do it!"

"Yes, Mommy..."

She giggled. Hinalikan ko muna ang kaniyang noo bago siya tuluyang pumasok sa classroom niya.

Sinalubong agad ito ng kaniyang mga kaibigan. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan ang anak ko na masayang nakikipag-usap sa mga kaklase niya.

Sigiradong marami na naman itong baon na kuwento pag-uwi.

Pagkapasok ko pa lang ng sasakyan ay naramdaman kong nag vibrate ang phone ko.

Mask:

Good morning, honey... I love you, take care always!

Humigpit ang hawak ko sa phone. Pinigilan ko rin ang sarili ko na reply-an ito.

"Huwag kang marupok, Gianna. Please..."

Pero huli na nang namalayan ko na ni-reply-an ko na ang message nito. Napasubsob na lang ang mukha ko sa manibela habang mariin na kinagat ang pang-ibabang labi ko.

Panay rin ang mura ko sa aking isipan.

Me:

Good morning, Marcus :)

Kailan kaya mawawala ang karupukan ko pagdating sa kaniya? Kailan kaya darating ang araw na parang balewala na lang siya sa 'kin?

Gustong-gusto ko nang mangyari ang bagay na iyon. Ang tuluyan na akong mawalan ng pakialam pagdating sa kaniya.

"What to do?!"

Halos maitapon ko ang phone ko nang bigla na lang tumunog dahil tumatawag ang loko.

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon