Chapter 28

34.1K 1.3K 1.1K
                                    

Chapter 28

"Marcus..."

Wala akong masabi kundi ang kaniyang pangalan habang nakatanaw sa isang malaking bahay.

Punong-puno rin ng mga tanim na bulaklak ang harapan. Meron din ditong fountain. Napadako ang tingin ko sa isang malawak na pool.

Napansin ko rin na may mini playground kung saan makikita ang malaking slide. Namula ang mukha ko nang may maalala ako sa palaruang iyon.

Meron din na swing at carousel na sa bilang ko'y lima ang horse na puwedeng sakyan.

Siguradong magugustuhan ni Kayren ang lugar na ito sa oras na makita niya ang playground na iyon.

"Ang ganda..."

Pumitas ako ng isang red roses at dinala sa ilong ko. Napapikit na lang ako nang malanghap ang bango nito.

Pagmulat ko'y agad na nagtama ang tingin naming dalawa. Mukhang kanina niya pa akong pinagmamasdan.

"Ang ganda ng tanawin ko..."

Nanatili ang titig namin sa isa't isa. Hindi na maipaliwanag pa ang bilis ng kabog ng puso ko.

"Marcus..."

Kinuha niya mula sa kamay ko ang red roses at inilagay sa likuran ng aking tainga.

Hindi na maalis ang titig namin sa isa't isa. Hinawakan niya pa ang mga kamay ko at ipinulupot sa kaniyang leeg. Nakayakap naman ang mga braso niya sa 'kin.

"Ikaw, Gianna, ikaw ang babaeng gusto kong maisayaw hanggang sa huli ng buhay ko..."

Marahan kaming sumayaw habang dinadala naman ng malakas na hangin ang mahaba kong buhok.

Hindi ko na rin mapigilan na maluha sa kasiyahan na nararamdaman kasi ang lalaking mahal ko'y isinasayaw ako ngayon.

"Marcus..."

Hinawakan ko ang kanan niya pisngi habang nanatili ang titig namin sa isa't isa. Nanatili pa rin kaming sumasayaw na para bang may sarili kaming mundo.

"Hindi ako ang babaeng nararapat sa 'yo, palagi na lang kitang nasas—"

"Pero ikaw lang ang babaeng ninanais ko na manatili sa tabi ko..."

Ipinglapat niya ang noo naming dalawa, mariin akong pumikit. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko ngayon ang lalaking mahal ko.

"Ayoko nang matapos 'to, Marcus, gusto pa kitang makasama. Gusto ko pang makulong sa bisig mo. Gusto kong maging selfish... Gusto kong maranasan muli ang dating tayo..."

A tears rolled down my cheeks. Natagpuan ko na lang ulit ang sarili ko na nakakulong sa kaniyang bisig.

"Do it, Gianna, be selfish... Ipagkait mo ako sa iba, huwag mo na akong pakawalan pa... ako naman ang piliin mo kahit na ngayon lang. Manatili ka rito sa tabi ko... kasi iyon ang kasiyahan ko, na ang babaeng mahal ko..."

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tumitig sa aking mga mata. Nababakas sa kaniyang mukha ang lubos na kasiyahan kasi kasama ako.

"...nagawa akong piliin kahit na isang beses lang," his voice broke.

Tumingala siya kalangitan at mariin na pumikit. Hindi naman maalis ang tingin ko sa kaniya.

"Ikaw palagi ang pinipili ko, ikaw palagi ang priority ko, ikaw ang buhay ko, ikaw lang ang babaeng mahal na mahal ko..."

Hinawakan niya ang isa kong palad at dinala sa kaniyang dibdib. Walang tigil naman sa pagpatak ang mga luha ko.

"P-Pero bakit ang sakit? Bakit pakiramdam ko'y wala na akong halaga pa para sa 'yo? May lugar pa ba ako riyan sa buhay mo?... Kasi, honey, ikaw ang buhay ko, ikaw ang lakas ko... Pero bakit nagawa mo akong iwanan at ipagtulakan sa iba?"

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon