Chapter 41

33.1K 1.2K 2K
                                    

Chapter 41

Walang tigil sa pagbuhos ang aking mga luha habang naghihintay kami sa labas ng OR. Hindi ko na alam ang gagawin pa sa buhay ko sa rami ng problema na kinakaharap.

Bakit pati si Marcus?

Bakit pati ang lalaking mahal ko?

Anong ginawa kong kasalanan para parusahan ako nang ganito? Hindi ko kakayanin pa sa oras na tuluyan din siyang mawala sa buhay ko.

Hindi ko na kakayanin pa na maging matatag kung ang lahat ng mga taong kinukuhanan ko ng lakas ay posibleng mawala rin sa 'kin anumang oras.

"T-Think positive lang, Ate, alam kong lalaban siya kasi naghihintay kayo. Hindi niya hahayaan na nagdurusa kayong mag-iina..."

Marahan niyang pinisil ang aking kamay. Maging siya'y naiiyak na rin kasi napalapit na talaga siya kay Marcus.

"A-Ang sakit sakit, sobrang sakit... Hindi ko kakayanin na pati siya'y mawala sa buhay ko. Kung sana lumaban ako, kung sana hindi ko na siya muli pang ipinagtulakan sa iba... edi sana hindi mangyayari iyon sa kaniya. Kasalanan ko ang lahat nang 'to... kasalanan ko..."

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawa kong palad. Mas lalo pang bumugso ang mga luha sa aking mga mata dahil hindi ko talaga mapigilan na sisisihin ang sarili ko.

Wala man lang akong magawa habang ang lalaking mahal ko ay nag-aagaw buhay na sa loob.

"Fuck you, tol! Masusuntok talaga kita sa oras na malaman ko na sinadya mong tapusin ang buhay mo!"

Narinig namin ang malakas na pagsuntok ni Josh sa dingding. Napalingon kami rito na ngayon ay kasaluluyan nang nakaupo sa sahig habang nakasandal sa dingding ang likuran.

Nakatakip pa ang dalawa niyang palad sa kaniyang mukha. Naririnig din namin ang mahina nitong paghikbi.

"I-I am sorry, Josh, kasalanan ko ang lahat nang 'to, palagi ko na lang sin—"

"No... Please, wala kang kasalanan kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Siguradong hindi gugustuhin ng kaibigan ko na makita na sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari sa kaniya..."

Mabilis akong napailing. Kahit anong sabi nila na hindi ko kasalanan ang nangyari sa kaniya. Hindi ko pa rin maiwasan na sisihin ang sarili ko.

Ako ang puno't dulo ng lahat nang 'to. 

"Please, umuwi ka na, Ate, kailangan mong magpahinga kasi wala ka pang sapat na tulog. Siguradong hinaha—"

"I'll stay here, hindi ko magagawang matulog habang ang lalaking mahal ko ay nag-aagaw buhay sa loob. So please, hayaan niyo na akong manatili rito..."

Mabilis na umiling si Gennica. Alam kong sobra na siyang nag-aalala sa 'kin kasi wala pa talaga akong sapat na tulog. Minsan ay nakalilimutan ko na rin na kumain.

Wala na akong gana pa sa lahat.

"Ate naman! Paano na ang batang dinadala mo, ha?! Ang anak mo ang sobrang naaapektuhan sa maling ginagawa mo. Ramdam niya ang kalungkutan mo sa oras na 'to... Please naman, baka nakakalimutan mo na maselan ang pagbubuntis mo kaya nararapat lang na alagaan mo ang sarili mo para sa anak niyo ni Kuya Marcus... "

Marahan kong hinaplos ang aking tiyan. Ito ang naging bunga ng pagmamahalan namin ng lalaking mahal ko.

Alam ko kung gaano siya ka-excited na mabuhat ang anak namin. Pero posible niya pa ba na magawa iyon?

Paano kung tuluyan na niya kaming iwanan? Paano kung hindi na siya bumalik pa sa buhay namin? Paano kung hindi ko na muli pang maramdaman ang mainit niyang yakap at halik?

The PLAYBOY's Kiss (Book 2 of AKTP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon