Chapter 4

22 0 0
                                    

Chapter 4

That was the first time I personally saw my first love.

I bit my sandwich as and look at him again. I pouted. He's with that girl again.

Well, girlfriend niya nga yata kaya lagi niyang kasama.

"You are always looking at them." Siniko ako ni Kuya Vlad kaya nagpatak ang hawak kong tinapay. 

"Kuya!"

"Ay, hala! Sorry. Palitan ko na lang."

It's been month since our class here started. Hindi pa ako gaanong nakakapag-adjust pero okay lang naman. My cousins and siblings are here to guide me.

Nakakainis dahil sa mansyon din tumitigil si Tita Cardiana kahit may sarili naman siyang bahay. Gustong-gusto ko na talaga umalis sa mansyon ni Lola pero wala akong ibang mapupuntahan dito. I don't have a trusted friends yet. May mga kaibigan naman pero hindi ko pa sila ganoong kakilala. I can't trust them yet.

"Ako na ang bibili." Inabot niya sa akin ang pera bago ako tumayo at pumila.

Hindi naman ganoong kahaba ang pila pero inip na inip ako. I really hate waiting.

"What's your order, Miss?"

"Sandwich and orange juice, please." Agad namang kumibo ang babae.

Mahina kong tinapik-tapik ang lamesa.

"Here's your sandwich and orange juice, Miss." She smiled at me and I smiled to her, too.

"Thank you," tumalikod ako sa kaniya pero halos mapasigaw ako dahil may tao pala sa likod ko dahilan para mabangga ako sa kaniya at matapon ang sandwich at juice na hawak ko sa damit niya at damit ko.

"Shit," bulong ng nabangga ko.

"Oh, my God! I'm sorry." Agad kong kinuha mula sa aking bulsa ang panyo. "I'm so sorry!" Pinunasan ko ang basa niyang damit nang hindi siya tinitingnan.

Ang tanga, Arich!

"It's okay," sabi niya. Natigil sa ere ang aking kamay. Dahan-dahan kong itinaas ang paningin ko sa kaniya.

"Matthew," nasabi ko na lang.

"Uhm, yes?" Nag-aalinlangan niyang sagot.

Gusto kong sumigaw! What the hell?!

His white teeth is showing. Namumula ang maputi niyang pisngi dahil sa lamig.

Parang gusto ko na lang magtapon nang magtapon ng juice kung makakalapit lang din naman ako sa kaniya ng ganito.

"Hey," bumalik ako sa reyalidad. Aligaga kong tumayo nang maayos.

"S-Sorry,"

"Okay lang,"

Oh, my God. Nagsasalita siya ng tagalog! Hindi nasabi sa akin ni Ate Steffie na may lahi pala siyang pilipino! O, marunong lang talaga siya. Oh, God! Parang sira, Arich Elizabeth!

"Papalitan ko na lang ang juice mo." Marahas akong umiling. I am aware that my cheeks are bright red right now.

"Hindi na! Okay lang."

"Okay..." tinalikudan niya ako at humarap sa counter.

Sapo ko ang bidbid nang bumalik sa lamesa naming magpipinsan.

"Oh? Akala ko ba bibili ka?"

"Hindi na po,"

"Namumula ka, Zab." Puna ni Kuya Jade.

"Huh?"

"Sus, nakita lang niyang ang crush niya." Ate Steffie teased me.

"Ate!"

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن