Chapter 11

9 1 0
                                    

Chapter 11

Laglag ang panga naming lahat. Nakakunot ang noo ng mga lalaki habang nakatitig sa mga nadadaanan naming billboard sa EDSA.

"What the actual fuck?" Ate Cardi muttered.

"Tangina? Poser?" ang tanging nasabi ni Kuya Vlad.

Of course not. Alaric is not  poser pero hindi ko maipaliwanag kung bakit puro mukha niya ang nakikita namin sa mga billboard dito.

"Model ba si Alaric, Zab?" Ate Sam asked me.

Ngakibit-balikat ako dahil hindi ko rin naman alam. Wala siyang sinabi sa akin bukod sa pagiging 'call center' niya daw.

"Wala naman po siyang sinabi," 

"Oh, my God! Kilala ko na siya!" Ate Steffie exlaimed. Bumaling kaming lahat sa kaniya.

"Sino?"

"Alaric Asher Suarez. Twenty-seven year old, most famous actor and highest paid model here in the Philippines and some country in his generation! Omg, Zab. Kaya pala parang pamilyar siya!"

Hindi pa ako nakuntento sa picture na pinakita ni Ate Steffie kaya nagsearch din ako sa google. Alaric Asher Suarez. Si Alaric nga 'yon.

Hindi ko alam ang dapat kong i-react.

Alaric said he's a call center agent. He lied to me. He really did.

Parang may kung ako ang tumusok sa dibdib ko. Nagsinungaling lang naman sa akin ang taong pinagkatuwalaan ko ng lahat.

Mabigat akong bumuntong hininga. Tumingin na lang ako sa labas ng sasakyan kahit puro mukha niya ang nakikita ko.

Ayon sa nabasa ko, mayroon siyang bagong labas na magazine. At 'yon ang pinagkakaguluhan ng lahat ngayon.

He's quite popular, huh?

Pero hindi ko naman talaga maitatanggi na talagang ang gwapo niya at ang sexy-sexy niya sa picture niya na 'yon na tanging pantalong itim ang suot. Nakaupo siya at seryosong nakatingin sa kamera. Nakatagilid ang ulo at tikom ang mapulang labi.

That red lips, angled jaw and not-so-pointed nose.

I shook my head. Magkakasala yata ako.

Pagdating sa bahay ay bagsak na bagsak ako pero hindi ako dalawin ng antok. Patuloy pa rin akong binabagabag ng nalaman ko ngayon araw.

Bumalik lang ako sa reyalidad nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Zab,"

"Po?"

"Papasok kami, ah."

"Okay,"

Pumasok si Kuya Vlad at Ate Sam.

"Okay ka na?" Tanong ni Ate.

"Hm," taning sagot ko. Sa totoo ay hindi pa. Gusto kong tanungin si Alaric kung siya ba talaga ang Alaric Asher Suarez na 'yon pero pinapangunahan ako ng hiya ko.

Hindi naman kasi dapat big deal 'yon 'di ba? We're not together naman. Hindi niya naman kailangang sabihin lahat sa akin kasi hindi naman kami. 'Di ba?

"Nag-usap na ba kayo ni Alaric?"

"Hindi pa po,"

"Gago, akala ko talaga call center 'yon. Kaya pala ang guwapo-guwapo." Bulong ni Kuya.

"Vlad,"

"Baka po busy siya. Mag-uusap na lang po kami mamaya kapag may oras na siya."

"Dapat lang. Bakit kailangan pa niyang magsinungaling, 'di ba?" angil na naman ni Kuya Vlad.

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now