Chapter 17

22 1 1
                                    

Chapter 17

Month of our stay here in the Philippines was so amazing. Pero kahit gano'n, hindi ko mapigilan ang malungkot dahil aalis na naman kami.

Kanina pa akong naghihintay sa tawag ni Alaric. Nangako kasi siya na dadaan siya dito saglit bago kami umalis, pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Ilang oras na lang aalis na kami.

Handa na kaming lahat. Hinihintay na lang talaga namin ang oras ng flight. Napanguso ako. Hindi niya sinasagot ang tawag ko, baka busy talaga siya ngayon. Bumuntong hininga ako at ibinaba ang cellphone.  

Hanggang sa makalipad na ang eroplano, hindi ko siya nakausap. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya.

Pagdating sa Cali, paglapat pa lang ng likod ko sa kama, nakatulog agad ako. Wala na akong oras para kumain o magpalit man lang ng damit.

Nagising ako kinabukasan dahil sa isang tawag. Sinagot ko 'yon nang hindi tinitingnan kung sino.

"Hello?"

"Good morning,"

"Alaric? Good-" my word stop midway when I remember our different time. "Evening,"

I heard his sign from the other line.

"I'm sorry, I didn't say goodbye."

"You're busy, I understand."

May kaunting tampo, pero dapat kong maintindihan.

"But still, I'm sorry."

Walang nagsalita sa amin pagkatapos no'n. Alam ko kung ano ang iniisip niya sa mga oras na ito. Alam kong parehas kami ng nararamdaman.

Hindi ito katulad ng kung ano kami noon. Iba na kami ngayon.

We're in a realationship, officially. We spent one month with each other. And in one snap, we're apart again.

"I miss you," bulong niya. Mapait akong ngumiti.

"I miss you, too."

Wala akong ganang gumalaw pagkatapos ng pag-uusap namin ni Alaric. Sobrang busy niya dahil minamadali ang shoot nila para sa isa niyang movie. Kahit isang araw pa lang ang nakakalipas, nami-miss ko ma agad siya.

Pansin siguro nila ang pananahimik ko kaya hindi na lang nila ako kinulit. Mabilis na lumipas ang buong araw. Sa sumunod na araw ay may trabaho na ako. Maraming trabaho kaya hindi kami madalas mag-usap ni Ava.

Nang matapos ang trabaho, nagpaalam lang ako sa kaibigan at lumabas na ng building. Nagmamaneho ako nang tumunog ang cellphone dahil sa isang tawag.

"Hello, Kuya?"

"Pauwi ka na ba?"

"Opo, pero dadaan muna po ako saglit sa coffee shop, may bibilhin lang."

"Wala, hihintayin ka namin para sabay-sabay na tayo kumain ng dinner. Bilisan mo ah, ingat."

"Okay, bye."

"Hoy, Zab, ingat sa pagda-drive ah!"

"Opo, bye!" Pinatay ko na ang tawag dahil parang madami pa siyang sasabihin.

Dinosaur Coffee, basa ko sa pangalan ng shop.

Tumunog ang door chime ng shop pagpasok ko. Marami ang tao, halos wala ng maupuan. Ganito lagi ang senaryo dito kaya nadalas akong sa labas umuupo kapag dumadaan ako dito.

"Good evening," ngumiti ako sa babae. Dahil madalas ako dito, kilala ko na siya.

"Good evening, ma'am! I haven't seen you for month. Where have you been?"

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now