Chapter 26

11 2 0
                                    

Chapter 26

Sa bahay namin kami dumiretso. Saka lang bumalik sa kaniyang wisyo si Alaric nang tumigil na ang sasakyan sa harap ng bahay namin.

"Okay ka na?" Tumango siya saka naunang lumabas ng kotse. Pinagbuksan niya ako at siya na rin ang nagdala ng mga gamit namin.

Malawak ang ngiti ko nang salubungin ko ang mga magulang ko.

"Mommy!" Para akong batang yumakap sa kaniya. Ginantihan naman niya yon ng mahigpit ding yakap.

"Na-miss kita, Arich!"

"Na-miss rin po kita, mom. I have something to tell you!" Maligaya kong sabi sa kaniya.

"Halika, maupo muna tayo. Nako, Alaric hijo, umupo ka muna. Ikukuha ko kayo ng juice!" Baling niya kay Alaric.

Agad nang pumunta si Mommy sa kusina. Humarap naman ako sa ama kong kanina pa palang nakatingin sa singsing sa kamay ko. Nakataas ang kilay niya, nagtatanong, nang nagtama ang mga mata namin.

"Dad,"

"You're engaged..."

"Well," I shrugged and smiled at him. Humalakhak siya at hinapit ako para mayakap.

"Congrats, bunso namin. Ikakasal ka na,"

"Shh, I want to surprise mommy." Natatawa kong sabi sa kaniya. Tumango lang siya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko pagkatapos ay hinarap ang nakangiting si Alaric.

"Ingatan mo ang anak ko, Suarez."

"You don't need to remind me that, Sir. I will surely do that."

"Dapat lang,"

Ilang saglit pa ay dumating na si Mommy dala  ang tray.

"Nako, na-miss ng mag-ama ang isa't isa!"

"Na-miss ko talaga ang bunso na 'to," pinanggigilan ni Daddy ang ilong ko kaya sumimangot ako. "May sasabihin daw ang mga bata,"

"Ano nga pala ang sasabihin mo, anak?"

"Mom, ano po kasi, Alaric and I are-"

"Ito juice, hijo, alam kong pagod kayo sa biyahe kaya magpahinga kayo pagkatapos nito. Bakit ang tahimik mo ngayon, Alaric?" Sumimangot ako dahil hindi niya inintindi ang sinabi ko. "Ano 'yon, Arich?"

"You're not listening, mommy!"

"Okay, okay. Makikinig na," tumawa siya at uminom.

"We're engaged na, magpapakasal na po kami within this month." Diretso kong tugon at halos lumabas sa ilong niya ang iniinom.

Uubo-ubo siya, hinagod ng tumatawang si Daddy ang likod niya.

"Did I heard it right?"

"Yes," pinakita ko sa kaniya ang singsing sa daliri ko. Maluha-luha niya 'yong pinagmasdan.

"Ikakasal na ang bunso ko," pinahid niya ang luha kaya maging ako ay napaiyak na rin.

That moment was so happy. I never thought that that will be the last.

Because two days after my engagement with Alaric spread though social media, a sex scandal spread like a wildfire too.

And more, Alaric disappeared like a bubble. He never texted me nor called me. Basta na lang siya hindi nagparamdam. Pumunta ako sa bahay nila pero wala ng tao doon.

Nag-aalala ako sa kaniya. Paano kung galit siya sa akin? The woman in the video was me and I don't even know who's that guy. Ni hindi nga totoong ako 'yon. That video was fucking edited! They are stupid to believe that's me.

Hindi ko 'yon magagawa...

Days passed by, and I only find myself slowly hating him.

It's been one week since I didn't open my social media account. I totally cut my connection to my social life for one whole week.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong ito. But then, I really want to clean my name. But I don't know how, really.

I only did that with him. Only with him. With the man I love.

How are they able to judge someone they don't know personally?

I'm laying in my bed. Thinking what happened in the past one week. Wala akong alam.

My family is saying nothing. Alam kong alam nila. Pero wala silang binabanggit. Lumipad pabalik dito sa Pilipinas ang nga Venturanza para damayan ako.

Sa loob ng isang linggo, hindi ako lumabas ng bahay.  Everything is a mess outside.

First day of the release of that video was devastating. I can't think straight. Everyone is throwing me a harsh and hurtful comment and reaction. And that was the first time I recieve a bash and I don't know how to handle that.

Yeah, I know social media is so dirty and chaotic. But you can't blame me for still comminicating with social media.

Doon ko siya nakilala. I don't want to move on and forget the thing that makes us know each other.

Because I'm still hoping... that someday, he will be back.

I'm just a simple girl before. Wala lang sa akin ang social media. Pero binigyan Niya ako ng rason para pumasok sa mundong hindi ko pinangarap. Hindi naman ako nagsisisi. I am still thankful that God gave me a guy who I loved  unconditionally.

Oh, I loved? No, I still love. Even with the painful memories with him I still love him.  

He ruin me but I'm doing my best to fix myself and be destroyed because of him again. This is stupid I know, but everyone. is willing to be stupid because of love. Everyone.

I am determine to open my account again but the door suddenly open. My brother and sister come in. They sat beside me and hug me tight.

"Don't open social media, lil' sis, masyado pang magulo." Kuya said. Nagulat pa ako dahil akala ko ay mananahimik sila hangang sa humupa ang usapan. He kissed the top of my head.

"Everything will be okay, sis."

I'm so stress but they are doing their best to cheer me up. Nag-init ang puso ko.

Hindi ko ito ginusto. Hindi ko ginusto ang mapunta sa magalong mundo na kinabibilangan niya pero niyakap ko nang buong puso ang mundo kung saan siya masaya. But in the end, he left me in the world that I didn't know how to live. Life is not ironic. Love and people are.

Nandito dapat siya, e. Dapat karamay ko siya. Pero wala.

From this day I'll forget about you and the memories we shared. Mahalin ka ay ang pinakatangang bagay na ginawa ko sa buong buhay ko.

Mapait akong natawa. Sino ba ang niloko ko? Kahit ano'ng gawin ko, hindi na yata mawawala ang pagmamahal na 'yon.

Kahit umalis siya ng walang pasabi. Kahit bigla na lang siyang nawala. Mahal ko pa rin siya.

-

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now