Chapter 22

4 1 0
                                    

Chapter 22

"Buntis si Ava, pota, magiging Daddy na rin ako, bunso." Bungad ni Kuya sa kabilang linya. Alas dose na ng gabi, at halos magising sina Mommy at Daddy dahil sa sigaw ko.

"What the hell, Kuya?"

Tatawag ng alas dose ng gabi para sabihing nakabuntis siya? Oh, my God.

"Seryoso ako, Zab."

"God, Kuya. Don't you know what time is it here in the Philippines?" Bulyaw ko.

"Zab naman, ano bang pakialam ko sa oras niyo diyan? Nanginginig na ang kamay ko dito," bakas boses niya ang kaba. Napapikit ako ng mariin.

"Why did you impregnant her? Oh, my God." Malumanay kong tanong sa kaniya.

"Syempre, para hindi na makawala 'no,"

Napalitan ng pagkainis ang nararamdaman ko sa kaniya. Napakawalanghiya talaga.

"Kuya!"

Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito. Alam ko naman na patay na patay siya kay Ava pero bakit niya binuntis agad? Omg. Pero sabagay, kasal na lang ang kulang sa kanila. They are together for years, at matagal na din gusto ni Kuya ang magkaroon ng anak.

Inggit na inggit na nga siya kay Ate Moneth at Ate Cardi.

"Do you want to talk to our parents?" Tanong ko at bumuntong hininga.

"Tulog yata sila,"

"Of course, Kuya. It's twelve midnight here." I rolled my eyes as if he can see me.

"Mamaya na lang, tatawag ako sa kanila."

Ilang minuto na puro paghinga lang namin ang naririnig. I can feel his excitement.

"Ang saya ko, tangina." Mahina niyang sabi. Lumabi ako.

Ako din. Super.

"I'm happy for the both of you, omg, I'm gonna be a legit Tita na."

Mommy and Daddy was freaked out when Kuya told them about Ava's pregnancy. They are video calling, halos maiyak si Mommy dahil sa wakas magkakaapo na daw siya. On the other line, Ava is so emotional.

I chuckled. She's gonna be my sister-in-law.

Naabutan pa ni Alaric na nag-iiyakan sila sa hapag. Akala niya ay may kung anong nangyari sa Cali.

He eat breakfast with us, mommy keep on saying that she's so happy because finally she's gonna be a grandmother.

"Akala ko pa naman ay ikaw Arich ang unang magbibigay sa akin ng apo," nakanguso niyang sabi. Sabay naman kaming naubo ni Alaric. He's coughing hard. Really hard.

Uminom ako sa baso ko bago siya inabutan ng isang baso ng tubig.

Omg, Mommy!

"Oh, bakit?" Inosente niyang tanong sa aming dalawa. Daddy laugh and kissed my mother's cheeks. "Gusto ko ng apo sa 'yo, Arich. Bakit ba kasi napakabagal mo, Alaric, hijo?"

Namula ang pisngi ko, kahit si Alaric. Namumula pati ang kaniyang leeg at tainga.

"Mommy, stop."

"I'll give you grandchild... at the right time, mommy." Naiilang kong sagot. Bakit ba kasi usapang apo sila?

Agad na kaming umalis papuntang Batangas ni Alaric pagkatapos kumain ng almusal. Ilang beses ko pang kinumbinsi si Mommy na sumama sila sa amin pero desidido talaga siya na pagsolohin kami ni Alaric.

He drove from Makati to Batangas, kaya pagdating namin sa beach house nila sa San Juan ay agad siyang nakatulog. Kagabi daw ay may photoshoot siya kaya pagod na pagod.

Panay din ang reklamo niya sa akin dahil nandoon na naman daw ang babaeng modelo na madalas magpapansin sa kaniya. Na-touch pa nga ako noong minsan niyang kinuwento sa akin kung paano niya kinumpronta ang babae at sinabing mayroon na siyang girlfriend at mahal na mahal niya ito, which is me.

Nang masiguro kong malalim na ang tulog niya lumabas na ako ng kwarto at nagkalikot sa kusina nila para nagluto ng lunch namin.

Mayroon naman daw na namamahala sa bahay na ito pero wala siya ngayon dahil nasa bayan ito para mamili.

Napakaaliwalas ng bahay na 'to. Two storey at kulay light blue. Malaki din ang veranda, kulay puti ang mga kurtina at halos puti at asul na lang ang makikita mo sa buong bahay. Malinis din na para bang dumi ang mahihiyang pumunta dito.

Mararamdaman mo talaga na nasa bakasyon ka kahit nasa loob ka lang ng beach house na 'to.

I finish cooking our lunch but Alaric is still sleeping.  Mukhang pagod na pagod nga siya. Bumuntong hininga ako at inayos ang kumot sa katawan niya.

Nakaupo ako sa tabing bahagi ng kama at ilang minuto siyang pinagmasdang matulog.

Bahagyang nakaawang ang kaniyang lagi at minsan minsang kumukunot ang noo.

Parang baby. Napakacute.

Pinatakan ko ng halik ang pisngi niya bago muling bumaba at napagpasyahan na maglakad-lakad muna sa tabing dagat. Malakas na hangin at tirik na araw ang sumalubong sa akin paglabas ko ng bahay.

Pumikit ako at dinama ang hangin. This is relaxing. Far from the polluted air of Manila and cold air of California.

Madalas naman kami ni Alaric pumunta sa mga beach resort noon sa Cali pero iba pa rin talaga dito sa Pinas.

Naglakad lang ako hanggang sa makarating ako sa mga tindahan ng mga souvenirs. Kung ano-anong design ng keychains, bags at scarfs.

"Good afternoon, mam!" Maligayang bati sa akin ng tindera, matigas ang pagkakasabi nita

"Magandang tanghali po,"

"Ay, nako. Akala ko ba ga ay poriner ka!" Tumawa siya. Ngumiti ako sa kaniya pati na rin sa kasamahan niya.

"Hindi po pero sa ibang bansa po ako nakatira."

"Aba eh, ang ganda mo, ineng." I just laugh.

"Salamat po," sagot ko. Nagtingin ako sa mga paninda niya. These items are interesting.

Nagtagal ang tingin ko sa isang keychain. May letter A yon.

"Gusto mo ba iyan, Ineng? Ibibigay ko na lang sa iyo ito ng libre, tayka lamang." She went inside her stall. Pagbalik ay may dala siyang scarf. "Oh, dalahin mo na rin are, Ineng."

"Oh," I laugh. My heart fluttered. "Thank you po," ngumiti siya sa akin.

"Nako, Zab!" Sigaw sa malayo. Sabay kaming lumingon doon ng matandang tindera.

Mabilis siyang naglalakad papunta sa amin, may kasama siyang babae na sa palagay ko ay nasa labing lima ang edad.

"Nako eh, kanina ka pang hinahanap ni Asher!" Sigaw pa rin niya kahit malapit na naman siya.

I don't know her.

"Oh, mare! Kilala mo ga ang dalagang ito?"

"Oo naman! Nobya ng alaga ko noon, tanda mo? Si Asher, 'yong may-ari ng bahay diyan sa dulo." Sabi niya sa matanda at saka humarap sa akin. "Nako, Zab. Kanina pang naghahanap si Asher. Nag-aalala na nga ang batang 'yon dahil hindi ka nga naman daw pamilyar dito sa San Juan."

I tilted my head. Siya pala ang sinasabi ni Alaric na namamahala sa bahay nila dito. Okay.

"Aba eh, nagawi nga 'yan dito. Oh, kasama mo pala areng si Monique."

"Magandang hapon ho," magiliw namang bati ng dalaga sa matanda.

I smiled. By witnessing and hearing their conversation, I think people here are kind and approachable.

-

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now