Chapter 8

20 1 0
                                    

Chapter 8

Hindi ko na ulit binuksan pa ulit ang app na 'yon. Inabala ko ang sarili ko sa pag-a-apply sa kumpanya nina Ava. Masyado na akong bored kaya nagdesisyon na akong magtrabaho.

"I'm thinking of going to Philippines. What do you think, Zab?" Ava suddenly said. I'm here at her office. Wala lang, nakatambay lang.

"Not bad. There's many good places there."

"You won't come with me?"

Tumingin ako sa kaniya.

Well, apat na taon na akong hindi umuuwi sa Pilipinas.

"I don't know. Pag-iisipan ko pa, kung wala naman akong gagawin-"

"Oh, please. Don't talk using Tagalog, I can't understand you." She rolled her eyes.

"Dapat marunong ka magsalita ng tagalog. Pupunta ka ng Pilipinas, 'di ba?" I laugh.

"What are you saying? Shut up, will you?"

Minsan sumasama siya sa akin pag-uwi, doon kakain ng hapunan at ihahatid ni Kuya pagkatapos.

Isang taon matapos ako umalis dito, ibinalita nila sa akin na finally, Kuya and Ava get back together. I'm so happy for them, of course.

"Zab, sinong Alaric?!" Kuya exclaimed. Kumunot ang noo ko dahil sa pamilyar na pangalan. 

"Who?" Tumayo ako at akmang kukuhanin ang cellphone niya nang bigla niyang ilayo.

"Kuya!"

"Alaric nga," sinamaan niya ako ng tingin.

"Don't open my account, Kuya!" Kinuha ni Ava ang cellphone ni Kuya kaya wala siyang nagawa.

Yabang, under naman.

"He's chatting with Alaric, Zab."

I log in my account and read their message. Ang haba ng usapan nilang dalawa!

"Nag Hi e, kaya nag Hello ako. Ang daming chat, sis, kawawa naman hindi mo nirereplyan kaya ako na nag-reply." Tumawa pa siya at inakbayan si Ava. Sinamaan ko siya ng tingin bago nagtipa.

Arich Elizabeth Vanturanza:
Hi, mr. My brother open my account and turns out that he's the one you're talking to. Sorry about that.

"Sis, bakit ka nag-sorry? Mukha ngang interesado 'yon sa 'y-" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya. Binato ko siya ng unan.

"Don't use my account, Kuya! Baka magka-boyfriend ako nang hindi ko nalalaman!" Sigaw ko.

He laughed. Kinuha ko ang cellphone niya ni-remove ang account ko sa mga naka-save sa kaniya.

Pinalitan ko na din ng password para hindi niya na talaga mabuksan.

Agad na nagreply si Alaric. Napansin ko na may nagbago sa profile niya, dati ay wala siyang picture ngayon ay mayroon na!

Alaric:
Aw, that's sad. I thought that was you.

Nakahoodie na black, may face mask at headphone. 'Yan ang profile picture niya. At kahit naka-mask masasabi mo talaga na may ibubuga siya pagdating sa itsura. Litaw na litaw ang kaputian ng balat niya. O filter? Hay, whatever.

Isa lang din ang friend niya at ako 'yon. Ayaw ko na mag-assume pero parang ginawa niya lang 'yon para sa akin.

Nag-isip ako, baka may kakilala ako na Alaric ang pangalan. Baka nakasalamuha ko noon na hindi ko na matandaan o baka second name ng isa sa mga naging kaklase ko. O baka isa sa mga nagkagusto at nagbalak manligaw?

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora