Chapter 18

11 1 0
                                    

Chapter 18

"Room 601, 16th floor, Ma'am."

"Thank you," ngumiti ako sa babae.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang 16th floor.

I decided to visit Alaric. Hindi niya alam na pupunta ako dahil gusto ko siyang sopresahin. Paniguradong pagod na pagod siya ngayon dahil pagdating pa lang niya dito kahapon, sa bahay na agad siya pumunta tapos gabing-gabi na yata siya umuwi.

Parang gusto ko tuloy umurong, nagpapahinga siya ngayon tapos aabalahin ko pa siya.

Kakatok na sana ako pero nabitin sa ere ang kamay ko. Mali yata na pumunta pa ako dito. Magkasama na nga kami kagabi tapos pumunta pa ako dito ngayon, baka naman isipin niya na masyado akong clingy? Baka isipin niya na patay na patay ako sa kaniya? Huh! Hindi naman 'yon totoo, 'no! Baka siya pa!

Huwag na lang kaya? Hintayin ko na lang ang tawag niya.

Akmang tatalikod na pero narinig ko ang pagbukas ng pinto niya.

"Eliz?" Napapikit ako dahil sa narinig. Ano na lang ang iisipin niya ngayon? "What are you doing here?"

Galit na siya? Omg, mali nga yatang pumunta ako dito. But in the second thought, ano naman kung dalawin ko siya, 'di ba? Boyfriend ko namam siya. Wala naman masama do'n. Tama, normal lang na bisitahin ng isang girlfriend ang boyfriend niya.

"Hi?" Uminit ang pisngi ko lalo na nang lumapit siya sa akin at kinuha ang pagkain na niluto ni Lola para sa kaniya kanina.

Lalong uminit ang mga pisngi ko nang makitang wala itong suot na pang-itaas. Tanging pants lang ang suot niya.

"Come inside," pinagsalikop niya ang kamay namin at hinila ako sa loob ng room niya.

Malawak, 'yan agad ang napansin ko. Kahit hindi presidential suit, malaki pa rin. Kulay puti lahat pati ang mga gamit. Sobrang laki din ng kama at mukhang sobrang lambot.

"Ikaw lang naman mag-isa dito, 'di ba?"

"Hm, why? Sasamahan mo ako dito? Huh, Zab?" Sabi niya na nakataas ang dalawang kilay. Inirapan ko lang siya at tumalikod para ikubli ang pamumula ng pisngi.

"Manahimik ka," sabi ko na lang.

Inayos niya ang mga pagkain sa lamesa. 

"Kumain ka na?"

"Hindi pa," sagot ko. Humiga ako sa kama at tama nga ang hinala ko, sobrang lambot no'n.

"It's alamost eight in the morning, Eliz. Bakit hindi ka pa kumakain?"

Tumayo ako at pumuta sa tabi niya. Sinimangutan ko siya.

"Sasabay sana ako sa 'yo. Late ka na bumangon, Ric." Tumawa ako.

"Abuela let me go home late last night, Eliz. Tulog ka na siguro kaya hindi mo alam."

"Oh?"

"Hm, I'm still sleepy," sabi niya at biglang isinandal ang ulo sa balikat ako, kahit nakasandal siya ay hindi ako nabibigatan. Napangiti ako. Marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok. Bigla siyang humarap sa akin at isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"Ric,"

"Bango," bulong niya. Humalakhak ako at tinampal ang braso niya.

Parang baby talaga.

"Kakain pa tayo, Ric."

"Can I eat you, instead?" Bigla ko siyang naitulak dahil sa sinabi niya.

"The hell?!" Sigaw ko. Para naman siyang nagising mula sa isang malalim ma pagkakatulog. Nanlaki ang mga mata niya at napatulala.

"Did I just ask if I can... eat you?" Mabagal niyang tanong, wala sa sarili. Umiwas lang ako ng tingin.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak niya at sinabi niya 'yon. Biglang bigla. Ang agang-aga kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya.

"You are corrupting my mind, Eliz." Naiiling niyang bulong pero narinig ko pa rin.

"Huh, ako pa talaga?!" Angal ko.

After we ate our breakfast, we decided to watch a movie. Hindi ko mapigilan ang ma-excite, hindi naman ito ang unang beses na manunood kami ng magkasama pero iba ito dahil movie na pinagbibidahan niya ang pinili kong panoorin.

He placed a bowl of popcorn at juice infront of me, umupo naman siya sa likod ko at ikinukong ako sa pagitan ng mga hita niya. 

"Can't we just watch other movie, Eliz?" Sabi niya at itinali ang nakaladlad kong buhok.

"Gusto ko 'yong sa 'yo." Sagot ko at humilig sa dibdib niya. "Play mo na, Ric."

Sumimangot siya at pinindot ang remote. Sa unang bahagi ng kwento ay puro kakulitan lang ng babaeng bida kay Alaric na suplado hanggang sa nahulog ang loob niya sa babae. Kilig na kilig naman ako sa mga effort niya para kay Claudine, ang bidang babae.

Nakaka-proud na panoorin siyang umarte. Kahit sa pelikula ay ang soft-soft niya.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko kung ano ang pakiramdam ng maging katrabaho siya. Nagkaroon tuloy ako ng ideya na bisitahin siya sa set kapag mayroon ulit siyang taping.

Nang nasa kalagitnaan na, kung saan nagiging shaky ang relasyon nilang dalawa, bigla akong nalungkot. Hindi ako ang katambal niya pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

Tinampal ang braso ni Alaric.

"Bakit kasi hindi mo siya maintindihan?"

"What?" Natatawa niyang tanong.

Ilang sandali pa ay biglang tinakluban ni Alaric ng dalawa niyang kamay ang mata ko.

"Bakit?"

"Baka magselos ka," mabagal niyang sabi sa tainga ko. Humalakhak ako at tinanggal ang kamay niya sa mata ko.

"Para kang sira," inirapan ko siya at muling bumaling sa screen. Nanlaki ang dalawa kong mata sa scene.

They are kissing... passionately.

Matinis ang boses akong sumigaw. Pabiro ko siyang hinampas ng unan. Uminit ang pisngi ko. Wala akong maramdamang selos kahit napapanood ko silang naghahalikan.

"Totoo ba 'yon, Ric?! Nag-kiss talaga kayo?!"

Tumawa siya at umiling.

"Hindi. Edited, love."

"Omg ka!" Pinaghahampas ko ulit siya.

Hindi humuhupa ang pag-iinit ng pisngi ko. Hindi pa naman 'yon nagagawa, puro dampi lang dahil pakiramdam ko ay hindi ko kaya ang gano'n.

Natapos ang palabas na puno ng sigaw ko, hindi dahil sa galit o selos kung hindi dahil sa kilig.

They are so good. Napakagaling. Professional. Ito ang unang beses na pinanood ko ang movie niya.

Ang galing. Hindi ko inakalang mas hahanga pa ako sa kaniya. Halos lahat yata ng hinahanap ng babae sa isang lalaki ay nasa kaniya na. Gwapo, mabait, marespeto at talented. I must say, I am blessed for having him. 

Humarap ako kay Alaric, pinisil ang dalawa niyang pisngi at pinanggigilan 'yon.

"Hindi ako ang nanay mo pero proud na proud ako sa 'yo." Bulong ko sa kaniya at ginawaran siya ng mabilis na halik.

Hinapit niya ako para sa isang mahigpit na yakap at bumulong,

"I love you,"

-


Wahhhhhhh na-miss ko po mag-ud ditooooooo enjoy reading

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now