Chapter 14

13 1 1
                                    

Chapter 14

Parang binibiyak ang ulo ko paggising kinabukasan. Tirik na tirik na ang araw nang bumangon ako.

Hindi na ako nag-abalang magsuklay man lang o magpalit ng damit bago bumaba.

Sapo ko ang ulo habang bumaba sa hagdan. Nakakainis dahil wala akong maalala sa kung ano ang mga nangyari kagabi bago ako makatulog. Baka may ginawa na namang kabalastugan ang mga 'yon. The last time got drunk in Cali, pinakanta nila ako nang pinakanta, napanood ko 'yon sa video na kinuha ni Ate Steffie.

Isisigaw ko sana pangalan ni mommy pero nabitin sa ere ang boses ko sa nakita.

"Alaric?!" Sigaw ko nang makita kung sino ang nakaupo sa couch sa sala at kausap ni Mommy at Tita. Parang nawala ang sakit ng ulo ko dahil sa nakita.

Sabay-sabay silang tumingin sa akin. Ngumiti ng nakakaloko sa akin si Mommy at Tita. 

"Uhm, good morning." Bati niya at alanganing ngumiti.

Mommy and Tita excused theirselves. Bago sila umalis ay pinagtulakan pa nila akong dalawa kaya muntik na akong matumba, mabuti na lang nasalo agad ni Ric ang baywang ko. Sabay silang humagikgik.

Mga walanghiya!

"Anong ginagawa mo dito?" Baling ko sa lalaking parang aliw na aliw sa dalawa.

"Visiting you?" Hindi sigurado niyang sagot.

"Ano? Bakit?"

He sigh.

"I'm worried about you last night, so I decided to came here. But don't worry, Vladir explain everything to me." He scratched his nape and look away.

"Worried last night? Bakit?"

"You don't remember?"

Rinig kong humalakhak si Kuya mula sa kusina. Nag-init ang mukha ko at parang mas lalo yatang sumakit ang ulo ko. Anong nangyari kagabi?

"Kuya!"

Nagmartsa ako papunta sa kusina, naabutan ko silang dalawa ni Ava na kumakain. Naramdaman ko ang pagsunod ni Alaric sa akin.

"Kuya, ano pong sinasabi ni Alaric?!"

"Aba, malay ko sa kaniya." Tumawa siya.

"Kuya!" Muli ko na namang sigaw. Akma ko siyang hahamapsin nang itaas niya ng dalawa niyang kamay.

"Chill lang, sis. Tanong mo kay Steffie, may video 'yon. Panoorin mo na lang."

Napapadyak na lang ako dahil sa labis na inis. Bakit may video na naman?!

Hahampasin ko na sana talaga si Kuya kung hindi ko lang naramdaman ang paghawak ni Alaric sa aking braso at narinig ang mumunti niyang tawa.

"Anong tinatawa mo diyan?" Singhal ko sa kaniya.

Pinagsalikop niya ang mga palad namin at hinila ako papunta sa sala habang tumatawa pa rin.

Pinaupo niya ako bago bumalik sa kusina. Kumunot ang noo ko pero kalaunan ay hinayaan ko na lang din siya sa kung anong gusto niyang gawin. Ang sakit talaga ng ulo ko.

Pagbalik niya ay may dala na siyang baso ng tubig at kalahating lemon.

"Drink this, Eliz."

"Anong gagawin mo sa lemon?"

"Ihalo mo sa tubig, this can reduce hangover." Ngumiti siya at sinenyasan akong uminom na.

Uminom ako sa baso. Kinalhatian ko 'yon.

"Finish your drink, Eliz."

Ilang minuto pagkatapos kong maubos ang tubig, medyo nawala ang sakit ng ulo ko.

"Feeling better?"

Magiliw akong tumango sa kaniya.

"Thank you,"

"Your welcome," he ruffles my hair. He sat beside me and started to massage my temple.

Ipinikit ko ang mga mata ko.

"Wala ka bang trabaho ngayon?"

"Wala, I cancelled all my works for today. I want to spend my whole day with you. Pwede?"

"Pwede," ngumiti ako.

Sabay kaming kumain ni Alaric, nasa kanan ko siya habang nasa harapan naman namin si Mommy at Tita.

"Mom, where's Daddy?"

"Ah, umalis kasama ang Tito mo,"

Payapa na sana ang pagkain namin kung wala ang dalawang ginang na hindi mawala-wala ang mapang-asar na ngiti.

Bumaling si Mommy kay Alaric.

"Oh, hijo, kain ka pa."

Ngumiti lang si Alaric at nagpatuloy sa pagkain.

Maya-maya ay inabutan na naman niya ang lalaki. Umirap ako sa kawalan.

"Mom, stop that."

"Huh? Ang alin?"

"Don't push Alaric to eat more. Well," I cleared my throat. "He has a body to... maintain. A-And... baka po bawal sa kaniya 'yan. 'Di ba, Ric?"

"Hindi naman," he shrugged.

Halos hambalusin ko siya sa sagot niya. Sa dami ng inilagay ni mommy na pagkain sa pinggan niya kanina, alam kong busog na busog na siya. Ang yabang-yabang, pakitang gilas pa.

Bumaling siya kay Mommy at Tita at ngumiti.

"Okay lang po. Ang sarap po ng pagkain niyo. Sana po matikman ko ulit."

Halos sabay na pumalakpak at humalakhak ang dalawang babae. Ngumiwi ako. Jusko, magsama-sama silang tatlo.

"Nako, bakit hindi? You're very welcome. Pero sana sa susunod sa bahay na namin." Humagikgik si Mommy. Pasimple kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa.

"Saan ka nga pala nakatira, Hijo?"

"Sa Quezon City po pero taga Batangas po talaga kami."

"Oh? Talaga? Gusto ko ring pumunta sa Batangas."

"Dadalhin ko po kayo doon kapag may oras na."

"Oo nga pala, artista ka!"

"At model din!

"Wow, may artista na sa pamilya." Mommy said dreamily. Muli na naman akong napangiwi.

Pinagmasdan ko si Alaric. Sa paraan ng pakikipag-usap niya, sanay na sanay talaga siyang makihalubilo sa iba. Mabilis niyang nakasundo ang pamilya ko. Hindi pa naman lahat. Hindi ko pa nga siya napapakilala kay Abuela.

"Ang galing mo!"

"T-Thank you po," katulad ng lagi niyang ginagawa, hinaplos niya ang kaniyang batok.

Pumula ang kaniyang leeg at tainga.

Sigurado akong hindi ito ang unang beses na naktanggap siya ng papuri pero parang first time niya kung mag-react.

"Dito ka na lang din mag-lunch. Ipagluluto kita. Wala ka namang gagawin, 'di ba?"

"Wala po,"

"Alright!" Magiliw na sabi ni Mommy.

"Pero ipagpapaalam ko po sana si Eliz. Gusto ko pong mamasyal dito." Lumingon siya ss akin. I raised my brows.

"Nako, sa akin walang problema, sa Daddy niya, meron. I mean, sa Daddy niya dapat magpa-alam din kayo."

"Salamat po,"

"Alam mo, nasa tamang gulang na naman si Zab. Kaya hindi ko na namin kayo pipigilan sa mga plano niyo sa buhay. Matanda na rin ako, gusto ko na ng apo-"

"Mommy!" Sigaw ko.

"Ano? Sa 'yo na lang ako may pag-asa na magkaapo. 'Yang Ate mo, parang wala nang balak mag-asawa. Ang Kuya ko naman, ayaw daw niya ng anak. Syempre sa 'yo ako aasa, anak. Don't disappoint me, okay?"

Bahagya siyang lumapit sa amin bago ulit nagsalita.

"Turuan ko kayo ng mga position," kumindat siya. Sabay kaming nasamid ni Alaric dahil sa sinabi niya.

-

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now