Chapter 23

11 1 0
                                    

Chapter 23

Nagpaalam na kami sa matanda at sabay-sabay kaming tatlo na bumalik sa bahay. Malayo pa lang ay tanaw ko na si Alaric na may kausap na matandang lalaki at isang kaedad niyang lalaki.

He's talking with them seriously, na para bang napakahalaga ng pinag-uusapan nila. Naputol ang titig ko sa kaniya at ang usapan nila nang sumigaw ang dalagitang kasama ko.

"Kuya Asher!" sigaw niya at tumakbo sa mga kalalakihan. Sabay-sabay namang lumingon ang mga lalaki sa amin.

Nakakunot ang noo ni Alaric nang makita ako. He step forward but stop midway when the girl suddenly hug him. Natigilan siya pero agad ding nakabawi at niyakap pabalik ang dalaga. Saglit silang nag-usap at nang kumalas sa yakap ay agad siyang lumapit sa akin.

"Where have you been? I'm worried," naiinis niyang sabi sa akin at ikinulong ako sa yakap.

Akala mo naman ay matagal akong mawala kung makayakap.

Humalakhak ako at ginantihan siya sa ng yakap.

"Saan ka galing?"

"Diyan lang,"

"'Diyan lang' where?" Naiinis na talaga niyang tanong. Tumawa ulit ako. Wala pa siyang balak na bitawan ako kung hindi lang tumikhim ang matandang babae.

"Hali na kayo sa loob, mainit na dito. Pasok na, pasok."

Sa dining na kami dumiretso, hinanda naman ng matanda ang mga niluto ko kanina bago ako umalis.

"Ako nga pala si Manang Nada, dati akong mayordoma sa mansion ng mg Suarez pero nagkaroon ng problema dito sa probinsiya kaya umalis ako." paliwanag ni Manang.

"And this is her husband, Manong Crisostomo and their younger son, Jacob." Pakilala naman ni Alaric. Tumango ako sa mag-ama. "And this is Denique-"

"Monique po, Kuya Asher."

Natigilan saglit si Alaric, he cleared his throat before continuing his words.

"Yeah, Monique, their granddaughter,"

"Hi," kumaway ako sa dalaga. Mgumiti siya sa akin at kumaway pabalik.

"Ang ganda mo ho, Ate."

"Thank you. You, too."

Sabay-sabay kaming kumain. Pinuri nila ang luto ko, mabuti at may iilang putahe akong alam lutuin.

Minsan ay napapatigil ako sa pagkain at pinagmamasdan sila. Their bond is different in ours.

Iba talaga ang probinsiya.

"Eat more, Eliz." Sabi ni Alaric na nasa tabi ko, pinaglagay pa niya ako ng maraming kanin kaya agad ko siyang sinaway.

"Ang dami,"

"Ubusin mo 'yan," sabi pa niya. Umirap na lamang ako.

Lagi siyang gan'yan. Pakakainin ako ng marami mabuti na lang at hindi ako lumolobo dahil sa ginagawa niya.

"Aba, mabuti na lang kamo at nakita siya ni Monique,"

"Naglakad-lakad lang po ako kaya napunta doon."

"Eh, alalang-alala nga itong si Asher. Akala ay naligaw ka na dito, hindi mo pa nga daw bitbit ang telepono mo!" Nagtawanan kami.

"Kung gusto mong maglibot, pwede ka naming samahan."

"Sige po," natatawa ko pa ring sagot sa kaniya.

"Eh, maiba nga tayo. Matagal na ga kayong magkasintahan?"

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now