Chapter 15

14 1 6
                                    

Song: Every Woman In The World by Air Supply

Chapter 15

We decided to visit some tourist spot here in Davao with my cousins. Kahit na may hang-over pa ang iba, g na g pa rin sila.

Mom and Dad will stay here with Tita and Tito.

Sa tagal na ng huli kong punta dito, hindi ko na tanda ang mga lugar na pinuntahan namin.

"Sa Dahican beach tayo pupunta ngayong araw." Ate Jhamilla said.

Tumango na lang ako.

"Bakit naman ang layo, Jhamilla?"

"You don't have the rights to complain, Vlad, shut up okay?" She rolled her eyes. I laugh. Inismidan ako ni Kuya.

Nasa tabi ko lang si Alaric, tahimik niyang pinagmamasdan na magbardagulan ang mga pinsan ko.

Pumikit na lang ako at sumandal sa backrest, tutulog na lang ako dahil tiyak na maiinip ako dahil malayo-layo nga ang pupuntahan namin.

Nagising na lang ako sa dahil sa pagtigil ng sasakyan. Kumunot ang noo ko.

Nakasandal ang ulo ko sa dibdib ni Alaric habang siya ay nakasandal sa backrest at nakaakbay ang isang kamay at ang isa ay nasa harap para hindi ako mahulog. Para na siyang nakayakap sa akin.

Nakapikit siya at mahimbing na natutulog. Medyo nakaawang ang labi pero, shit, sobra pa ring gwapo.

"Gisingin mo na 'yan, Zab." Masungit na sabi ni Kuya. Tumango ako.

Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at bahagya siyang inalog.

"Ric,"

"Hm?"

"Wake up, Ric. We're here."

Nauna akong lumabas sa kaniya. Inilibot ko ang paningin.

"Mabuti na lang hindi madami ang tao dito ngayon." Sabi ko. Inaalala ko kasi si Alaric, baka pagkahuluhan siya kapag nagkataon. 

Nasa likod ko si Alaric habang naglalakad kami, nakasuot siya ng sunglass. May ilang tumitingin sa amin. Hindi ko alam kung dahil ba may artista kaming kasama o talagang agaw pansin lang ang grupo namin.

Nilapitan ni Kuya si Alaric.

"Chansing ka, ah." Sabi ni Kuya at abiro niyang siniko si Alaric kaya tatawa-tawa naman ang isa.

Pinili naming kumain sa Aloha's Seafood and Grill. Wala masyadong tao dito na pinagpapasalamat ko dahil iniisip ko pa lang na may maya't mayang tumitingin sa banda namin, hindi na ako makakamin ng maayos.

Ilang minuto kaming naghintay. Nang dumating ang order namin, wala na silang pinalampas na oras at nagsimula nang kumain.

Alaric cut a piece of crab for me. Walang imik ko 'yong kinain.

I almost dance because of the foods. Ang sasarap! I am very in love with seafoods.

Matapos kumain ay naglakad-lakad muna kami para bumaba ang kinain bago lumangoy.

"Woah! Cool," rinig kong sabi ni Kuya. Magkakasama silang mga lalaki at hindi ko mawari kung ano'ng pinag-uusapan. Humalakhak silang lahat kaya kumunot ang noo ko. Pabiro pang sinuntok ni Kuya ang balikat ni Alaric at tinuro ang naka two-piece na babaeng dumaan. Umiling lang ang lalaki at tumawa.

Tinuturuan pa yata nilang mambabae si Alaric. Mga siraulo talaga.

"Don't stare too much, Zab." Ate Jhamilla and Ate Steffie laugh.

Hindi ko na lang sila inintindi dahil naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko.

From: Ate Cardi
I can't go there, Zab. I have so many patient. Tell them. Love you. Enjoy your stay there.

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora