Chapter 19

11 2 0
                                    

Chapter 19

"Wala ka na ba talagang balak na umuwi sa Pinas, Ric? Ilang buwan ka na dito, paano na ang trabaho mo? Umuwi ka kaya muna?" Sermon ko sa kaniya.

"I'm enjoying being here," pagdadahilan pa niya.

"Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo kung halos dito ka na tumira?"

Mag-iisang linggo na siya dito at nag-aalala ako dahil baka wala na siyang trabaho na babalikan sa Pilipinas.

"Okay lang sa kanila," sagot niya. Tumayo ako mula sa pagkakahiga, naka-unan ako sa kaniyang braso.

Sinamaan ko siya ng tingin. Napakatigas ng ulo ng lalaking ito.

"Okay, okay. I'll go home tomorrow, happy?" Umirap lang ako at muling humiga, agad naman niya akong niyakap ng mahigpit.

Hapon na at parang walang balak ang lalaking ito na pakawalan ako. Ang higpit-higpit ng yakap niya na para bang tatakbuhan ko siya.

"Eat dinner with me, Eliz, and I have a surprise for you," pinisil niya ang ilong ko at saka tumayo.

Pumunta siya sa kusina, magluluto yata. Kitang-kita ko mula dito ang ginagawa niya. Hinayaan ko na lang siya at tinawagan si Kuya para ipaalam na hindi ako makakasabay sa dinner sa bahay.

Umirap lang ako dahil sa sagot niyang,

"Beh, huwag masyadong maharot, huh?"

Parang sira. Hindi naman talaga ako maharot 'no!

Tumawa lang ako at pinuntahan si Alaric sa kusina. Kahit hindi naman kita ko siya dito ay pinuntahan ko pa rin siya.

Naka-apron at walang damit si Alaric habang nagluluto. Tumaas ang dalawa kong kilay dahil ang lakas ng loob niyang mag-topless kahit nandito ako.

Walang kahiyaan ang lalaking 'to.

Umupo ako sa highchair at pinagmasdan siya sa ginagawa. Pa-sway-sway pa siya, sumasabay sa tugtog. Mahina akong napahagikgik.

Ngayon ka lang makakakita ng topless na lalaking kumekembot.

Naghalumbaba ako.

"Eliz?!" Hiyaw niya.

"Oh?"

"What are you doing here? Kanina ka pa?" Nabubulol pa niyang tanong. Muli akong humagikgik.

"Ang cute mo," lumapit ako sa kaniya at pinisil ang magkabila niyang pisngi. I spank his butt and turned my attention on what he's cooking.

Creamy chicken Adobo. Ang bango-bango.

"Bakit?"

"What did you do, Eliz?" Parang wala sa sarili niyang tanong. Humalakhak ako at saka tinampal ulit ang kaliwang puwitan niya. Agad siyang namula.

"Alaric!" Tili ko nang basta niya na akong buhatin, he's carrying me in his shoulder. Para akong magaan na sako na basta niya na lang binuhat.

Dinala niya ako sa living area at inupo sa mahabang couch.

"Behave, Eliz, behave." Sabi niya na para bang isa akong tuta, he even patted the top of my head. Bumalik siya sa kusina. Malakas naman akong tumawa.

Hindi mawala-wala ang pamumula ng mukha niya kaya naman hindi rin mawala ang ngiti ko. Bwiset, napaka-cute, sarap sakalin ng lalaking ito.

"Stop laughting at me, Eliz."

"Bakit ba?"

"You're making fun of me," sabi niya at inirapan ako.

Naglagay ako ng dalawang pinggan sa lamesa habang humahalakhak.

Hindi niya ako pinapansin hanggang sa magsimula na kaming kumain. Parang tanga. I wipe the side of my lips and look at him. Tumingin din siya sa akin pero maya-maya ay inirapan ako kaya mahina akong tumawa.

God, napakacute niya. Puwede pala 'yon, ang maging cute, gwapo at sexy ang isang tao sa parehong panahon.

"Akala ko ba may surprise ka, Ric?" Pinanliitan ko siya ng mata. Sinabi niya lang yata 'yon para sa kaniya ako sumabay kumain.

Bigla siyang natigilan sa sinabi ko, umiwas siya ng tingin sa akin bago sumagot.

"Finish your food, Eliz. I'll show you later,"

Sumimangot ako at nagpatuloy sa pagkain. Sunod-sunod ang pagsubo ko, mabuti at hindi ako nabubulunan.

"Eat slowly, Eliz." Pananaway niya sa akin. "Baka mabulunan ka,"

"Ipakita mo na kasi 'yong surprise mo,"

"Finish your food first,"

"Damot,"

Katulad ng ginawa ko kanina, sunod-sunod pa rin ang pagsubo ko sa pagkain.

"Eliz,"

Hindi ko siyang pinansin. Akala niya ba kaya ako nagmamadali ay dahil sa surprise niya, hindi 'no! Masarap lang talaga ang luto niya, parang siya. Charot.

Dumighay ako pagkatapos. I giggled and drink my water.

"Tapos na ako," sabi ko at ngumiti. Uminom din siya ng tubig. "Ako na maghuhugas ng mga pinggan."

"Ako na,"

"Ako na nga! Shoo, alis na!"

"Kulit," bulong niya at umiling-iling. Umirap ako at dinala ang mga platong ginamit namin.

Impit akong napasigaw ng may kamay na gumapang sa baywang ko.

"Alaric!" Tinampal ko ang kaniyang kamay pero mas lalo lang 'yong humigpit. Pinatong niya sa kaliwa kong balikat ang kaniyang baba.

"Ganito ba ang tamang paghuhuhas ng pingggan?" Tanong ko. He chuckled and kissed my temple.

"Mahal kita,"

"Mahal din naman kita, duh." Muli siyang tumawa.

Happy pill talaga ako nito, sure ako.

Hanggang sa matapos akong maghugas nakayakap siya sa akin. Parang bata na ayaw mawalay sa nanay. 

Hinila niya ako sa sala pagkatapos ng agenda namin sa kusina. Pinaupo niya ako sa malaking sofa, siya naman ay dumiretso sa kama. May kinuha siya sa drawer pero hindi ko nakita.

Hanggang ngayon, namamangha pa rin talaga ako sa hotel room na ito. Napakalaki talaga. Napakaganda, maganda rin ang babayaran niya for sure. Pero okay lang, mayaman naman siya.

Bumalik siya sa harap ko na mayroong hawak na itim na box.

"Turn around, Eliz." Tumayo ako at tumalikod sa kaniya. Naramdaman ko na lang ang malamig na bagay sa leeg ko. May inabot siya sa aking salamin. Nanlaki ang mata ko sa nakita.

"Hala, ang ganda!"

"Like you," pinisil niya ang ilong ko. He hug me from behind and rest his chin on my shoulder. Pinatakan niya ng magagaang halik ang balikat ko.

Napaka-sweet talaga nang bata na 'to.

"Birthday ko ba ngayon?" Tanong ko, tumawa siya.

Binalingan ko ulit ang kwintas sa leeg ko. Hinaplos ko 'yon. Star 'yon at napapalibutan ng dyamante.

Magkano kaya 'to kapag sinangla? Joke lang.

"Teka, star? Bakit star?"

"Because you are the star of my life. Ikaw ang pinakamaliwanag na bituin na nakita ko." Sagot niya at pinatakan ng mabilis na halik ang ilong ko. Hindi ko maiwasan ang pulahan ng mukha. 

"Ikaw kaya ang star sa ating dalawa," hirit ko pa. Tumawa lang siya at muli akong niyakap.

Then, I realized, this is my first time falling in love this hard. 

I will always treasure these moments. I will always treasure him, my Alaric.

-

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now