Chapter 10

13 1 0
                                    

Chapter 10

I'm so excited going back to the Philippines. I miss my parents so much kaya hindi ko talaga pinalampas ang pagkakataon na ito.

Kaunti lang ang gamit na dadalhin ko dahil may mga gamit pa naman ako sa Pilipinas, hindi ko nga lang alam kung kakasya pa ba 'yon sa akin dahil apat na taon ko na din 'yong hindi nasusuot.

Hindi ko sinabi kay Alaric na bibisita kami sa pamilya namin sa pilipinas dahil gusto ko siyang i-sorpresa.

I giggle when I remember our conversation months ago.

"I want to court you but then, I realized, I can't," biglang sabi niya. Bumuntong hininga siya.

"Why not?" Wala sa sariling tanong ko.

Bakit nga ba hindi? What's stopping him... to court me?

"So, you're letting me court you? Gano'n ba, Eliz?" He asked me, he can't hide the excitement.

I laugh to hide my nervousness. Should I let him? Am I ready for this? Panliligaw pa lang naman ito pero doon na rin naman ang patungo nito, 'di ba? 'Di ba?

"Maybe?"

"Maybe?" Tanong niya pabalik. "Elizabeth, hindi pwede ang 'maybe' lang. Oo at hindi lang ang pwede." Ramdam ko ang inis niya. "But nevermind, I'll court you whether you like it or not."

I giggled again. Nag-init ang pisngi ko.

"Oh, anong nagyari sa 'yo diyan?" Biglang tanong ni Kuya. "Nakapag-ayos ka na ba ng gamit? Inuuna mo ang bebe time diyan." Inismidan niya ano bago lumampas sa nakabukas na pinto ng kwarto ko.

I rolled my eyes and continue packing my things.

Limang buwan na siyang nanliligaw na sa akin pero dahil parehas kaming busy sa buhay, hindi namin madalaw ang isa't isa. Isa na rin siya sa dahilan kung bakit gusto kong umuwi. We know each other for almost a year now but we haven't meet each other.

Pagkatapos mag-impake ay bumaba ako dala ang isang maleta ko. Sa sala nadatnan ko ang mga maleta na dadalhin nila.

My forehead crease when I saw how many luggage Kuya Vlad have. Hindi na ba siya babalik pa dito?

"Forever ka na po bang titira sa Pilipinas, Kuya?" Tanong ko. Inirapan niya kang ako at itinuon ang atensiyon sa kausap niya sa cellphone, palagay ko ay si Ava.

Kasama din namin siya sa pag-alis at pansamantalaga siyang titira sa bahay namin. Ang malandi ko namang kapatid ay tuwang-tuwa na sa amin tumigil si Ava.

I rolled my eyes.

Lahat sila ay may kani-kaniyang pinagkakaabalahan pero sabay-sabay silang tumingin sa akin ng tumunog ang cellphone ko.

"What?"

Sabay din silang umirap sa akin at bumalik sa ginagawa. Lumabas ako ng bahay para sagutin ang tawag ni Alaric.

"Hello?"

"Eliz,"

"Hm? Bakit ka napatawag?"

"Nothing? Do I need a reason to call you?"

Tumawa ako at umupo ako sa bench sa labas ng bahay. Agad akong kinain ng malamig na simoy ng hangin.

"E, bakit nga?"

"Wala nga, I was just missing you."

Tumingin ako sa asul na asul na langit. Well, I miss him, too.

Weird nga e, miss ko siya kahit hindi ko pa naman siya nakikita. Lagi din naman kaming magkausap at magkachat. Siguro, chat and calls won't really do.

I want to meet him. I want to chitchat with him personally.

"Alam ko na. Mag-online ka, Eliz,"

"Huh? Bakit?" Natatawa kong tanong.

"Basta, mag-online ka ngayon na."

"Okay,"

Pinatay ko ang tawag at saka nag-online. Ilang minuto pa ay tumawag siya through video call.

"Alaric!" sigaw ko pagkasagot. He chuckled.

"Hi,"

Nakahiga siya sa kama, dim and ilaw kaya hindi ko siya masyadong makita.

"Hindi kita masyadong makita,"

"Oh? Wait, I'll turn on the light." Ibinaba niya ang cellphone at tanging ang puting kisame lang ang nakikita ko. Nagliwanag ang buong kwarto pagkatapos ng ilang segundo.

"Okay na? Kita mo na ako?"

Tumawa ako, hindi pa rin ako sanay sa pagtatagalog niya.  "Oo,"

"Where are you?"

"Nandito lang sa bahay. Gabi na diyan, bakit hindi ka pa natutulog? Sleep na, Ric."

"I can't sleep,"

"Why? Don't stay up late,"

Akala ko ay mahina lang ang signal dahil nagfreeze siya 'yon pala at nakatitig lang siya sa akin, kung hindi pa ngumiti ay hindi ko malalaman.

"Ang ganda mo,"

"I know," sabi ko para itago ang hindi maipaliwanag na nararamdaman.

"Damn, the confidence."

"Huwag mo akong murahin."

"I'm not cursing you, Eliz."

"Zab 'yon, Alaric, Zab." Pagtatama ko sa kaniya. Eliz siya nang Eliz.

"I want to call you Eliz, e." Humagalpal ako ng tawa. That e in the end got me. 

"Why are you laughing? Don't laugh at me, Elizabeth." Medyo inis na niyang sabi.

"You're so adorable, Alaric." Putol-putol kong sabi.

"I do not accept that adorable, Arich Elizabeth. I'm not adorable, I'm-"

"-grown up man, so I'm handsome and sexy." Pagtutuloy ko sa sasabihin niya.

"Yeah, that's right, you got it, baby."

I rolled my eyes.

"Matulog ka na, Alaric. Maghahating gabi na diyan maya-maya,"

"Fuck our different time," bulong niya.

Natahimik kami matapos niya iyong sabihin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya.

"May gagawin pa pala ako, Ric." I chuckled to lighten up the mood.

"I want to... see you," seryoso niyang sa sabi. Ngumiti ako.

"See you soon, then."

Tumango lang siya. We said our usuall goodbyes and take cares to each other.

Ala-una naghanda na kami sa pag-alis dahil alas tres ang flight namin.

Finally we're going home!

"Call me, mga apo kapag nasa Manila na kayo."

"Opo, abuela." We kissed her cheeks.

"Take care, okay? Tawagan niyo agad ako."

We part ways because we need to go to the departure area. Kumaway ako sa kaniya at sumunod na sa mga pinsan.

Halos puro tulog lang kami sa buong flight. Parang lahat kami ay pagod, siguro ay dahil na rin sa araw-araw na trabaho.

"Ladies and gentlemen, we are successfully landed to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 5:49 am." The announcer said.

Nang nasa arrival area na kami, malayo pa lang ay kita na namin ang malaking karatula ma hawak ni Daddy.

"Welcome back, Venturanzas!!"

We laugh as we walk towards them.

"Mom, Dad!" Bati ko.

"Mama, ang bunso niyo marunong nang humarot." Sumbong agad ni Kuya.

Ni hindi ko pa sila nayayakap ay may sumbong na siya agad. Tsk.

They laughed and hug my parents.

-

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now