Chapter 24

8 0 0
                                    

Chapter 24

Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit ng buong katawan. Dahan-dahan akong umupo sa kama at sumandal sa head board.

Agad ko namang naramdaman ang paggapang ng kamay ni Alaric at niyakap ako sa baywang.

Nakadapa si Alaric sa tabi ko na mahigpit ang yakap sa baywang ko, walang damit pang-itaas. I smiled and caress his hair and cheeks.

Ah, the always clingy baby. But he's rough last night.

Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi naming parehas inaasahan 'yon, hindi dapat namin ginawa 'yon pero wala akong mahanap na pagsisisi. We did that because we wan't to do that.

And I'm not regretting. Even a bit. In fact, I'm happy because I surrender myself to the man I love.

Pinagsawa ko ang sarili sa kakatitig sa payapa niyang mukha at bumangon makalipas nang ilang minuto para mag-ayos ng sarili at magluto ng pagkain namin.

Suot ang roba, paika-ika akong naglakad papuntang banyo. Masakit ang buong katawan ko pero mas masakit ang sa pagitan ng hita ko.

I bit my lip when I face the huge mirror. Namamantal ang labi ko, marami ding pulang marka sa leeg ko. Nilihis ko ang robe at tumambad sa akin ang mapula kong dibdib. Maging sa tiyan ay mayroon!

Damn you, Alaric. Anong ginawa mo?!

Paano ako makakapagsuot ng bikini ngayong maraming hickey ang katawan ko?!

I sigh and shook my head. Wala na rin naman akong magagawa. Muli kong sinuot ang robe at inihanda ang tub.

Ilang minuto akong nagbabad sa maligamgam na tubig bago nagbanlaw at nagbihis. Tulog na tulog pa rin si Alaric paglabas ko. Alas sais pa lang naman ng umaga kaya may oras pa ako para magluto ng aming almusal.

Tanging hampas lang ng alon ang naririnig pagbaba ko. Sobrang payapa ng lugar na ito, parang hindi mo na gugustuhin pa ang umalis. Kung wala lang sa ibang bansa ang trabaho ko, baka nakapagdesisyon akong dito na lang.

I shook my head and walk towards the kitchen. My life is in Manila and California, nandoon ang pamilya at trabaho ko.

Nakialam na ako sa refrigerator. Pero dahil hindi naman talaga ako ganoong kagaling sa pagluluto, puro prito lang ang niluto ko. Tipikal na almusal.

Kasalukuyan kong niluluto ang itlog nang may yumakap sa akin mula sa likod. He nuzzle his face to my neck and kiss it lightly.

"Good morning," bati niya sa akin, he's voice is raspy and that's so sexy.

"Morning, tapusin ko lang itong breakfast natin."

"You can be my breakfast, tho." Bulong niya pa at humalakhak. Impit akong napatili at hinampas siya sa braso.

"Ang harot-harot mo na ngayon, Ric! Nagbago ka na talaga!" Sigaw ko na ikinatawa niya.

I am worried pa naman because I moan and scream so loud last night, baka may makarinig sa amin. Mabuti na lang at wala kaming kapitbahay.

Dulo ang beach house na ito,  ang karatig na beache house din ay malayo ang pagitan. Sa kabilang banda naman ay isang private resort. Wala masyadong nadadako dito lalo na siguro sa gabi.

Hinayaan ko lang siyang yakapin ako hanggang sa matapos ako sa pagpiprito ng itlog. Medyo nadi-distract pa nga ako sa kaniya dahil ang guwapo-guwapo niya sa umaga, not to mention that he's topless while hugging me from behind.

Tuwang-tuwa siya habang kumakain kami. Walang kasa ang itlog at medyo hindi luto ang bacon. Inirapan ko na lang siya.

Magrereklamo pa, kakain din naman.

"Hindi ba dapat ako ang magluluto?"

"Rule ba 'yan?" Tanong ko at nginuya ang itlog na walang lasa. Okay, medyo failed 'tong breakfast na 'to.

"Not really, but I read that on some book. Man cook for their woman, after they you know, made love." He shrugged like it's nothing habang ako naman ay hiyang-hiya na.

I can't still believe that we did that. Well, we're not getting younger. Gusto niya na nga yata ang magkapamilya pero ako, hindi ko alam kung handa na ba ako sa buhay may asawa.

"K-Kailangan ba talaga 'yon?"

"Not really, but I want to do that." He sound so excited. "Next time, then."

"May next time pa?!" Nanlalaki ang mata kong tanong. Tumawa naman siya sa reaksiyon ko.

"What? Of course, there is. Kung gusto mo lang naman,"

"Gusto ko," mahina kong sagot kaya humagalpak siya ng tawa.

Puro asaran lang kami buong umaga at nang tanghali ay kumain kami sa malapit na restaurant, maglibot din kami pagkatapos.

I waved at the lady who gave me scarf last day. Binati din siya ni Alaric bago lampasan ang kaniyang stall. Kung saan-saan niya ako dinala, sa mga kakilala niya dito at maging sa bahay ni Manang.

Agad kaming sinalubong ni Monique nang matanaw niya kami mula sa kanilang bakuran. Yumakap siya kay Alaric at sa akin. Alaric just tapped her head.

"Lola! Nandito po si Kuya Asher at Ate Zab!" Sigaw niya. Malawak naman ang ngiti ni Manang nang salubungin niya kami ng dati niyang alaga.

"Nako, magaling at nakapunta kayo! Pasok, pasok!"

Dinala niya kami sa kanilang likod bahay, nagulat pa ako nang makita ang madaming taong nagkakasiyahan.

"Today is Manong's birthday," bulong niya at pinatakan ng halik ang noo ko. 

Todo asikaso sa amin ang mag-asawa, maging ang mga anak nito. Nalaman kong tatlo pala anak ni Manang at Manong.

They welcome us warmly, like we're part of the family.

Pasado alas kwatro na nang magpaalam kami sa kanila, gusto ko pa nga sanang manatili at doon na maghapunan pero hindi pumayag si Alaric dahil may hinanda din daw siyang dinner date para sa aming dalawa. Daming alam.

I bid my goodbye to them and greet Manong happy birthday for the last time.

Kumunot ang noo ko nang hinila niya ako sa isang sun lounger sa tabing dagat. Palubog na ang araw kaya't kulay kahel ang langit.

Umupo siya doon at sumandal sa backrest bago ako hinila paupo sa pagitan ng mga hita niya.

I was resting my back on his chest while his chin was resting on my shoulder. Nakatingin lang kami sa bawat pag-alon at paglubog ng araw.

"Happy third anniversary, love." Sabi niya. Ngumiti ko at humarap sa kaniya.

"Happy anniversary, Ric." I kissed his lips.

Imagine, we're been together for three years now.

-

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now